Si Myka Vanessa ay isang breadwinner ng kaniyang pamilya, pero tinuturing siyang blacksheep ng sariling kadugo dahil sa insidenteng pilit niyang binabaon sa limot at pinangakong dadalhin niya hanggang sa kaniyang hukay. Upang makatugon sa pangangailangan ng pamangkin napilitan siyang gawin ang nakahiligan na isa ring bagay na pilit na niyang kinakalimutan. Sumugal siya sa larangan ng pagsusulat. Makikilala niya ang dalawang taong magiging daan ng pagbabalik tanaw niya sa mapait niyang nakaraan. Ano nga ba ang nangyayari sa buhay ng isang manunulat? Ano ang simula at wakas sa likod ng maiitim na tinta ng kaniyang panulat? Paano isusulat ng sikat na manunulat na si Rhopalocera ang totoong buhay niya bilang si Myka Vanessa? Highest Ranking (so far): #112 on General Fiction