"Sol, gising na 6 am na"
Ginigising ako ni Sunny kada umaga dahil sabay kaming pumapasok, sa University of St. Anthony ako pumapasok, pagkalagpas lang ng St. Nicholas. Ako ang nag dadala ng kotse namin dahil tinatamad daw si Sunny mag drive.
Bumangon na ko at nag ayos ng susuotin ko para sa school, pag katapos ay naligo nako. Pag labas ko ng kwarto namin ay may dalawang cr. Sakin ang isa at kay Sunny naman ang isa. Pagkatapos ko ma ligo ay nag skincare nako at nag patuyo ng buhok. Inayos ko na din ang gamit ko at bumaba na sa kusina namin.
Naka pencil skirt lang ako na gray, skintone stockings, school shoes na high heels with 3", white long sleeves, blazer na gray, at naka bun lang ang buhok ko. Nag light make up na din ako.
"Naks naman nag asikaso ng breakfast" pang aasar ko kay Sunny. May nakalagay kasi sa ibabaw ng table na toasted bread, egg, hotdogs, and sausage. 8 ang pasok ko kaya 6 am pa lang gingising nako ni Sunny. Siya naman ay 8:30 ang pasok kaya sumasabay na lang siya sakin pag pag aalis na papunta ng school.
"Shinat ako ni eysher kagabi eh" punong puno ang bibig ko ng bread and sausage non habang sinasabi ko kay Sunny yon.
"Oo grabe may naintindihan ako sa sinabi mo Sol" ang sungit sungit talaga ng kapatid ko pag umaga masyadong nag mamaganda. Puno lang talaga yung bibig ko at nag mamadali ako kumain. Tumayo ako at nag timpla ng coffee para samin dalawa ni Sunny, inabot ko eto sa kanya habang nag babasa siya ng handout niya.
"Sabi ko chinat ako ni Acre kagabi" pag ulit ko neto ng wala ng laman ang bibig ko na kahit anong pagkain.
"Oh, Nireplyan mo ba?" Alam ko, oo? Weh? Wait nga check ko. Kinuha ko ang phone ko sa may sofa dahil andon ang bag ko. Kinuha ko eto at chineck kung nireplyan ko ba si Acre kagabi.
"OMG!!" Tili ko, hindi ko pala na replyan si Acre. Nareplyan ko siya ang alam ko, or sa isip ko lang siya na replyan? "Hindi ko na replyan si Acre nak nampucha" pag sabi ko.
Dali dali akong nag type para mag reply sa kanya "Hi, Acre :) you're welcome, kailan start ko? Hehe"
"Hoy tara na, 7:30 na" pag aya sakin ni Sunny. Nilikpit na pala ni Sunny yung lamesa. Mamaya ko na lang huhugasan yan pagkauwi ko. 3pm naman uwian ko eh, si Sunny 5 pm.
Kinuha ko na ang bag ko at susi ng sasakyan at lumabas. Oonga pala, HRM student ako. Lumabas na kami ni Sunny ng bahay at nilock eto. Nagulat na lang kami na naka upo na si Flynn sa harapan ng bahay namin. Park kasi ang harapan ng bahay namin at may bench sa pinaka tapat ng bahay.
"Good morning sa pinaka, ubod ng bait kong mga kaibigan" todo ngiti pa siya, alam ko naman kung bakit ganyan ka bait si Flynn. Pusta ko makiki sabay yan?
"Makiki sabay sana ako" sabi ko na eh. Pag mabait yan ibig sabihin may kailangan "para mo naman akong papatayin sa tingin mo, dinala kasi ni Leo yung sasakyan ko." Napakamot siya sa ulo at pumunta na sa sasakyan. Yinakap niya pa talaga yung pintuan ng passenger's seat para dun siya pumwesto.
"Yayakap yakap ka pa diyan, eh ikaw mga mag ddrive" pagkasabi ko non ay binato ko na kay Flynn ang susi ng sasakyan, nasalo naman niya eto at lumipat na sa driver's seat. Sumakay naman na ko sa harapan para tabi kami ni Flynn at si Sunny naman ay umupo sa likuran
Habang nag ddrive si Flynn ay natraffic nanaman kami sa bandang singer naman, buong byahe ay naka earphones lang ako. Habang naka tigil kami sa traffic ay tumunog ang phone ko, tiningnan ko eto at nakita na may message sakin si Acre. Dali dali ko tong inopen upang mabasa ko ito.
YOU ARE READING
Big City, Bright Lights
RomanceSol, an HRM student unexpectedly met Acre Pangilinan, son of an Actress and Chief Disturber. She found herself volunteering to become a Personal Assistant of Acre. Where in the world, fate will lead them?