09

7 0 0
                                    

"Sol, samahan mo ko? Mamimili ako ng christmas gift" alauna ng December 23, niyaya ako ni Acre mag mall para mamili ng mga pang regalo sa kanyang pamilya at kaibigan. Dahil wala naman akong ginagawa ay pumayag nako, gusto na daw bumili ni Acre sapagkat may shoot siya mamayang hapon hanggang gabi ng December 24. Wala na siyang magiging oras kayat napag desisyunan niyang bilin na ngayon lahat.



Nag palit ako ng simpleng wide leg denim pants at isang plain crop shirt, sinuot ko ang aking arizona birkenstock at isang cap na binili sakin ni Acre sa adidas. Mamimili na din ako ngayon ng pang regalo ko kila Sunny at sa pamilya ni Acre dahil katulad ni Acre ay wala na din ako magiging oras.



Pag dating namin sa mall ay dumiretso agad si Acre sa rolex upang bilan ang kanyang daddy ng relo, may gustong gusto daw kasing relo doon ang daddy niya pero ayaw netong bilin dahil mahal daw at sayang ang pera. Napaka swerte niya at anak niya si Acre na mapag mahal sa magulang at mga kapatid neto.


"Sol ang ganda no?" Tanong neto sakin. Maganda ang relo, kumikinang ito at halatang halata ang pag ka sopistikado neto.


"Super ganda, at super mahal" manghang mangha kong sagot, napapa ngiwinna din ako nung nakita ko yung presyo at sobrang mahal neto. Kahit ata pag ipunan ko ng sampung taon yon ay hindi ko mabibili ito.


"Yup, but it's worth it. Miss, I'll take this" pag kasabi nito ni Acre ay agad siyang inasikaso ng tauhan sa rolex. Pumunta na kami sa counter at binigay na ni Acre ang kanyang black card. Amputa, amaze na amaze na lang talaga ako. Napaka yaman nila Acre, pero ni isang butil ng kayabangan ay wala kang makikita sa kanila.


Pag kagaling namin sa rolex ay lumabas na kami. Sana naman ay pumunta to ng department store dahil dun lang afford ng wallet ko. Nag iipon kasi kami ni Sunny dahil gusto namin mapa uwi na ang papa namin. Gusto sana namin na pagnka uwi nito ay mag ka business kami dito sa pinas.


Si Acre ay gustong pumunta ngayon sa cartier at gusto daw niyang bilan ang mommy niya. Susunod na sana ako sa kanya pero pinigilan niya ko. Mag hiwalay na daw kami para maka pamili ako at mag kita na lang daw kami pag kakain na, para daw maka bili nako ng mga pang regalo ko din. Pumayag naman ako agad para matapos kami agad.


Naisipan kong pumunta sa lacoste upang bilan doon ng regalo ang daddy ni Acre. Napapansin ko kasi na mahilig siya sa lacoste polo shirt dahil parang ganon lagi ang suot niya araw-araw. Namili nako at bumili ng isang light blue polo shirt na may classig logo sa may puso, bumili na rin ako ng isang sweater para naman regalo ko kay Flynn. Pagkabayad ko ay agad akong umalis at dumiretso sa department store, naka kita ako ng mga duster na mala donyahan ang dating at naiimagine ko na kung gaano ka bagay ang mga ito sa mommy ni Acre, tutal ay mahilig naman ito sa duster.



Kumuha ako ng isang color orange at color blue na duster at inilagay ito sa cart ko para ito kay Manang Linda at tita Maricel, sunod naman ay pumunta ako sa sunnies face para bilan ng lipstick at blush si ate Han at Nina, sa kabilang pader naman ng sunnies face ay ang bilihan ng salamin, bumili ako ng dalawang panlalaki para kay kuya Gelo at Bench at dalawang pambabae para kay Kia ang best friend ko at kay Sunny, pagkabili ko ay dumiretso nako sa mga baking tools para bilan ng isang set ng wire whisk, at measuring cup and spoon para kay Lana dahil ayun ang wish niya sakin. Binilan ko siya ng pastel color na heart shape na mga measuring spoon at cups, pastel color na whisk at iba't ibang shape ng spinkles.


Ngayon ay si Acre na lang ang di ko nabibilan. Iniisip ko kung ano ba ang magandang iregalo kay Acre, ano ba yung matutuwa siya at mag eenjoy siya at the same time? Wala naman akong masyadong pera pero may ipon ako. Gusto ko sana siya bigyan ng special na regalo pero di ko talaga alam kung ano. Acre loves game, so nintendo switch na lang kaya? Kaya pa naman eh, mapag iipunan naman ulit to. Tsaka malaki sweldo ko sa kanya no.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Big City, Bright LightsWhere stories live. Discover now