"Flynn!!" Tumakbo agad ako sa bestfriend ko para yakapin ito. Sa dalawang linggo namin nag ka hiwalay ay aminado akong namiss ko siya. Siya lang naman lagi kong kasama sa araw araw eh.
"Bro, pasok ka?" Nakangiting niyaya ni Flynn si Acre sa loob. Ngumiti naman sa kanya si Acre at pumasok na rin. Buti na lang at malinis ang bahay dahil pag naiiwan dito si Flynn ay napaka kalat ng bahay dahil sa mga nilalaro niya.
"Nag handa kami ng dinner. Nag luto yung mom ni Flynn eh pinadala dito kasi di naman kami marunong, you know?" Hinatak na ni Sunny ang upuan niya sa hapag kainan ganun na rin si Flynn.
"Acre dito ka na kumain, mahaba pa byahe mo eh" pag aya ko sa kanya.
"Okay" pag sang ayon naman ni Acre, umupo sa tabi ko si Acre at si Flynn ay nasa harapan ko naman. Caldereta at Steamed fish ang niluto ni tita dahil favorite ko ang Caldereta at si Sunny naman ay steamed fish.
Kumain lang kami ng kumain at nag kwentuhan sa mga nangyari samin sa loob ng dalawang linggo. Napansin ko din na hindi na masaydong nag babangayan si Sunny at Flynn. Ano kayang nakain neto?
"Himala, di kayo nag aaway" pag puna ko sa dalawa. Nag kitinginan ang dalawa at tinuro ang jar na nasa likod ko. Pag ka tingin ko ay mapuno na eto ng limang piso. Nag tataka ko silang tiningnan dahil hindi ko maintindihan kung para saan yon?
"Kada nag aaway kami or murahan or bad finger nag lalagay kami diyan ng 5 pesos" pag papaliwanag sakin ni Sunny.
"Wala nakong pera, kaya hinahabaan ko pasensya ko diyan oh" naka salubong ang kilay ni Flynn habang naka tingin kay Sunny.
Nilagyan ko ng pagkain si Acre sa plato at nag usap lang sila ni Sunny at Flynn. Inaasikaso ko si Acre at hindi ito hinahayaang kumilos sa mga kailangan niya.
"Grabe mag cchristmas na next week, hindi ko alam kung anong plano?" Naka pangalumbaba pa si Sunny habang iniisip eto. Ako din naman ay nammroblema dahil dalawa lang naman kami ni Sunny sa bahay kaya di namin alam paano icecelebrate ang christmas.
"Sayang, sa canada kasi kami mag cchristmas eh. Di ko kayo masasamahan. Sorry sol" nag papa cute pa si Flynn, hangga't maari gusto kaming samahan ni Flynn dahil ayaw niyang nalulungkot kaming mag kapatid, sa totoo lang di naman malungkot eh.
"You can celebrate with us? Mom would be happy Sol" Acre offered us.
"lah nakaka hiya kasi" nahihiyang sabi ko.
"No, it's okay. Alam mo naman si Mom ayaw ka na atang pauwiin dito" pag tawa ni Acre. In the end napapayag din ako dahil gusto rin ni Sunny kila Acre, okay na rin para di na kami mag aasikaso ng ihahanda.
Natapos na kaming kumain at niligpit ko na ang kinainan namin, si Flynn naman ay naupo na sa living room at si Sunny naman ay nag hugas na ng pinggan.
"Coffee oh, bago ka umalis. Para di ka antukin" Binigyan ko si Acre ng coffee habang naka upo siya sa living room. Nag lalaro si Flynn kaya hindi namin siya ma storbo.
"Thank you, Sol. By the way, ano oras kita susunduin bukas?" Grabe naman to, kakauwi ko lang pag sundo na agad iniisip, miss na miss ako? Chour.
"Siguro, after dinner. It's up to you" nginitian ko siya, kasabay nag pahigop ko sa kape ko. Pag kaubos ng kape ni Acre ay napag desisyunan niya na din umuwi.
"Bye!! Ingat ka" pag papaalala namin ni Sunny sa kanya. Sumaludo naman siya kay Flynn, ganon rin naman ang ginawa ni Flynn pag ganti.
"So, kamusta naman ang pagiging PA?" Tanong agad ni Sunny, na nakapangalumbaba pa. Tiningnan ko naman si Flynn at ganon rin ang itsura niya.
YOU ARE READING
Big City, Bright Lights
RomanceSol, an HRM student unexpectedly met Acre Pangilinan, son of an Actress and Chief Disturber. She found herself volunteering to become a Personal Assistant of Acre. Where in the world, fate will lead them?