01

16 0 0
                                    

"Abot mo yung flour" utos ko kay Harold. Nag bebake kami ni Harold ngayon ng cookies dahil siya ang na assign ng mga ka group niya na mag bake ng ibebenta nila. Hindi naman marunong mag bake to eh tapos sa kanya iuutos.


"eto na oh. kinakabahan talaga ako gagsti buti na lang marunong ka" kitang kita ko sa muka ng bestfriend ko ang kaba. Paano ba naman? bukas na nila to ibebenta tapos ngayon araw lang sinabi sa kanya, kailangan niya maka pag bake ng 100 pieces eh. "Thank you Sol!! hulog ka talaga ng langit kaso una muka"



"Isang usap mo pa Harold, ihahampas ko sa pag mumuka mo tong baking pan. Bakit ka ba kasi na assign dito? Pinanganak ka pa naman sa mundong 'to na walang ka alam alam" Hindi naman sa walang alam pero ang alam lang kasi ni harold na gawin ay mag basketball, mag PS5, mag ml, mag-aral pero tamad. Oo, matalino si harold kaso mas gusto niya na siya lang mag isa gumagawa. Pero sa pag luluto, walang kaalam alam yan.


Mahilig kumain si harold, madalas nanonood yan ng mga cooking video, pag nasarapan siya sa niluluto nung pinapanood niya matic bibili ng ingredients yan pero dito niya iuuwi sa bahay namin at ipapaluto niya sakin yon.


"Sol, tumatawag sayo si Sunny" habang minimix ko ang dough bigla akong kinausap ni Flynn. "sagutin mo na" pag kasabi ko non walang pag dadalawang isip na sinagot ni Flynn ang tawag ng kapatid ko.


"hello? bakit Sunny? nag bebake si Sol ng cookies. Ha? now na talaga? sige sige, sasabihin ko"

"Ano daw yon?" tanong ko kay Flynn. si Sunny kapatid ko siya pero mas matanda siyas sakin ng isang taon kaya di ko na siya ina-ate. close kaming dalawa kaya parang barkada lang kami kung mag usap.

"dalin mo daw sa school nila yung folder na nasa ibabaw ng table niya, need daw niya yon mamayang 3 pm. Iwan mo muna diyan, explain mo na lang sakin yung mga gagawin diyan."


"na mix ko na yan lahat, may ice cream scooper dun sa cabinet kuhanin mo. scoop mo lang yung dough tapos dapat same same ng laki okay? tapos ilagay mo sa pan, 2 inches away kada dough. naka pre-heat na yan oven. pag nailagay mo na yung dough sa pan ilagay mo sa oven tapos orasan mo ng 20 mins, okay?" tuloy tuloy kong paliwanag kay Flynn.

Tinanggal ko na ang apron ko at madaling kinuha ang folder sa table ni Sunny at ang susi ng sasakyan namin. hindi na ko nag ayos masyado, naka over sized trousers lang ako at fitted cropped top. inayos ko na lang yung buhok ko at tumakbo nako sa may main door.



"Hoy Flynn ayusin mo yan ha, gusto ko pag uwi ko kumpleto pa bahay namin" inirapan lang ako ni Flynn pag ka sabi ko non.


nag madali na kong ilabas ang sasakyan sa gate namin at nag drive na papunta sa school nila Sunny. traffic pa naman sa may bandang Tikling. Sa University of St. Nicholas ako pupunta dahil dun nag aaral si Sunny.


Si Sunny naman kasi ayaw ayusin ang buhay niya. wow oa hahaha buhay agad? dapat gabi pa lang inaayos na niya yung mga kailangan niyang dalin sa school para di na nila ako ini storbo. wala na silang alam gawin ni Flynn kung hindi storbohin ako.



"Labas ka na, I'll be there in 10 mins" tinext ko na yan kay Sunny nung medyo malapit nako sa school nila.


Pag dating ko sa gate ng St. Nicholas wala parin akong natatanaw na Sunny. Tingnan mo tong babae na to imbis na sa gate na lang kami mag kikita eh. pinark ko na lang ang sasakyan namin sa may labas ng school at pumunta sa may guard.




"Excuse me po, saan po yung College of fine arts?" theater arts kasi ang course ni Sunny kaya ganon. Pagka turo sakin ni kuya ay dumiretso na ko papasok ng university.



Big City, Bright LightsWhere stories live. Discover now