"PA ka ha, wag mo gagapangin yung tao pag tulog" napatingin ako kay Sunny habang tinutulungan niya ko mag ayos ng gamit. Kakauwi ko lang kasi galing school at friday na ngayon. Sinabihan ako ni Acre na before dinner niya daw ako susunduin dahil gusto daw ng mommy niya na dun na ako mag dinner.
"Kapal naman ng muka mo, hindi ako ganong tao" pag dedepensa ko kay Sunny.
"Oo nga, magiging ganon pa lang." Sambit nito sakin.
Tinigil na namin ni Sunny ang asaran at nag nag likpit na ng mga kalat. 4 pm na pala, sa malamang ala sais ako susunduin ni Acre. Diba, akala mo kami na chour!
Bumaba na si Sunny at ako naman ay naligo na, pag tapos ko ay hinanda ko na ang susuotin ko. Nag suot lang ako ng simpleng maong shorts na 2" above the knee, zara tank top na white, at checkerboard vans.
Pag tapos ko mag bihis ay nag pa tuyo na ko ng buhok at plinantsa eto. Nag light make up na din ako para naman hindi parang namumutla yung muka ko. pag tapos ko ay nag bucket hut na din ako. akala mo naman, vacation yung pupuntahan.
Naka rinig na ko ng bumubusina sa labas ng bahay namin kaya nag madali na kong bumaba at nilock ang pintuan. pag kababa ko ay nakita ko kaagad si Flynn na naka abang sa baba ng hagdan at medyo naiiyak na.
"problema mo? tila ka tanga" paano ba naman mukang bata na inagawan ng candy. may luha luha pa sa mata tapos pinupunasan ng t shirt niya yung muka niya. Pinipigilan niya pa yung luha niya eh kusa naman bumabagsak.
"Iiwan mo nako...wala nakong best friend...wala na ko kasama kumain ng fried isaw...wala ng mag hahanda ng breakfast, at lunch ko.. wala na mag tatanggal ng dandruff ko!" hagulgol neto.
"bastos mo! dandruff ampota" nilapitan ko siya at niyakap.
"Hindi naman ako mag hahanap ng ibang bestfriend, tsaka mag p-PA lang ako kay Acre. pag nag ka pera ako maililibre na kita" tila naman nahiwagahan si Flynn sa sinabi ko kaya pinunasan na niya ang luha niya at tsaka ngumiti. pumunta siya sa pintuan at gina guide na ko palabas.
Tingnan mo to mukang libre na to. pag labas ko ay nakita ko si Acre na naka sandal sa labas ng sasakyan niya sa may passenger's seat. naka black na plain siyang shirt, naa ripped na denim maong, naka adidas slides, at naka rayban eto. Laglag panty, ang gwapo. chour!!
"Acre ma'men" bati ni Sunny rito. nag fist bump lang sila ni Acre at nag kwentuhan saglit. Dinala na ni Flynn ang bagahe ko sa sasakyan ni Acre at sumaludo pa eto kay Acre.
"Tol! Flynn nga pala" sambit nito.
"Acre tol" naka ngiting sabi neto at kinamayan pa si Flynn.
"Wag mo papagurin tong bestfriend ko ha, hina hyper ventilate yan pag nasosobrahan sa pagod hahaha" siniko ko na si Flynn at ang daldal na neto. Tiningnan lang ako ni Acre at nginitian eto.
"Aalis na kami, wag kayong OA babalik naman ako pag weekends" binatukan ko si Flynn at yumakap na kay Sunny. "Hoy Flynn alagaan mo si Sunny ha" tumango naman si Flynn at sumakay nako sa sasakyan ni Acre.
Bumusina na lang si Acre, hudyat ng pag papaalam neto na aalis na kami. Naging maayos naman ang byahe ni Acre. 30 mins drive lang naman daw papunta sa kanila.
"Kinakabahan ako, english speaking ba parents mo?" Kabado kong tanong kay Acre pero tiningnan niya lang ako at ngumiti. Bakit ba ko kinakabahan? Kung kabahan ako akala mo naman jowa ako na nabuntis at kailangan na sabihin sa mgulang para tustusan.
YOU ARE READING
Big City, Bright Lights
RomanceSol, an HRM student unexpectedly met Acre Pangilinan, son of an Actress and Chief Disturber. She found herself volunteering to become a Personal Assistant of Acre. Where in the world, fate will lead them?