"Good morning!" Bati ko kay Acre kinaumagahan. Tuesday ngayon at free day niya, sa darating na sabado ay uuwi nako sa bahay. Dahil weekends ang day off ko sa pagiging PA ni Acre.
"Morning" sagot ni Acre. Antok na antok pa ang itsura niya dahil puyat siya kakabasa ng script niya para bukas. Bago pa siya maka bangon sa kama ay dinala ko na agad ang bed table niya na may laman na lugaw with egg, and coffee. Gulat na gulat si Acre sa ginawa ko.
"Bakit? I mean, bakit dito tayo mag bbreakfast? Uhmm.... Wait, magaling ka na ba?" Tanong niya habang hinihipan niya ang lugaw niyang mainit.
"Yes, I'm fine na! And thank you, that's why dinalan kita ng food" naka ngiti kong sagot, habang nililikpit ko ang mga kalat sa may sofa. Dahil nag kalat ang mga papel na binabasa niya kagabi. Hindi ko na nga alam kung ano oras natulog yan si Acre. Gusto ko pa nga sana siyang samahan para mas ma practice niya ang lines niya pero hindi siya pumayag dahil may sakit daw ako, at mag pahinga na daw.
"Acre, nag email ang adidas, punta ka daw sa nearest store and kuha ka daw mga products sa kanila." Chinecheck ko kasi ang email niya everyday, first thing in the morning.
"Okay, later." Sagot niya habang kumakain. Tila gutom na gutom si Acre dahil sinisimot pa niya ang bowl ng lugaw. Grabe, parang di naman to pinapakain kung maka simot.
Kinuha ko na ang mga pinag kainan niya dahil maya maya naman ay babalikan na to ng room attendant. Umalis nga pala si kuya Gelo dahil walang maiiwan na lalaki kila Acre sapagkat nag out of the country ang parents niya dahil sa business.
"May sumundo kay kuya, kaya iniwan niya yung sasakyan dito. Ako na lang mag ddrive sa mga lakad. Btw, ano oras tayo aalis para sa adidas?" Tanong ko rito. Naka upo na lang kami sa tig isang kama namin habang siya ay nag lalaro at ako naman ay nag checheck ng mga social medias niya.
"4, i guess?" Sagot naman ni Acre. Tumango na lang ako at inasikaso ko na ang planner ko at mga kailangan kong gawin throughout the week.
Alas dos na ng mapag desisyunan ng maligo ni Acre. Pinag handa ko siya ng sweatpants, shirts, at running shoes. Kinuhanan ko na rin siya ng hoodie dahil parang di nabubuhay ng di naka hoodlie.
"Sol, paabot nanan nung towel ko" sigaw ni Acre sakin. Wala naman sakin yon kaya inabot ko yung towel at inabot sa kanya sa may pintuan ng cr. Maya maya ay lumabas na siya na naka towel lang sa ibabang parte niya. Malaki na pala ang inimprove ng pag wo-workout ni Acre.
"Ready ka na or mag sshower ka pa?" tanong neto sakin.
"Mag bibihis na lang siguro ako, nag shower nako kaninang umaga" sagot ko rito. Tumango lang siya at nag bihis na. After mag bihis ni Acre, ay blinower ko ang buhok niya. Ayaw niya pang pumayag dahil hayaan na lang daw matuyo ng hangin ang buhok niya. Pero, dahil makulit ako wala naman siyang choice kaya pumayag na lang siya.
"Aray, aray!! Hala gagi yung buhok ko" reklamo ko. Maya maya lang ay may kumakatok sa pinto ng cr.
"Sol, are you okay? Ano nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Acre. Naipit kasi yung buhok ko sa zipper ng jumpsuit ko, kaya naka tabingi ang ulo ko dahil sobrang sakit pag inangat ko.
"Yung buhok ko Acre" binuksan ko ang pinto para mag pa tulong sana sa kanya. Pag bukas ko ay medyo nagulat pa siya sa itsura ko dahil naka tabingi nga ang ulo ko.
"What the hell? Ano ka aswang?" Natatawang sabi pa neto. Inirapan ko eto atsaka tumalikod.
"Tanggalin mo yung buhok sa zipper kasi ang sakit na ng leeg ko, nasasabunutan pa ko" inis na inis kong sabi. Tumungo si Acre pero sumasakit daw ang leeg niya dahil nangangalay daw siya. Hinila ako ni Acre sa may kama at umupo siya roon, hinila niya ako hanggat sa maka upo ako sa lap niya.
YOU ARE READING
Big City, Bright Lights
RomansaSol, an HRM student unexpectedly met Acre Pangilinan, son of an Actress and Chief Disturber. She found herself volunteering to become a Personal Assistant of Acre. Where in the world, fate will lead them?