Alas Dos na pala, late nako. 3 am kailangan namin umalis nila Acre dahil mahaba haba pa ang byahe. Bumangon nako at bumaba para mag toast ng tinapay at mag timpla ng kape, niready ko na din ang mga palaman. Buti na lang ay sinabihan ako ni Acre na wag na daw ako mag luto ng lunch at mag papakain daw ang isa nilang camera man, sa kadahilanan na kaarawan neto.
Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Acre at kumatok, ngunit tatlong beses nako kumakatok ay wala pa rin nag bubukas, wala nakong nagawa kung hindi pumasok at baka tulog pa eto pero laking gulat ko ng makita kong wala pa siya.
Pumunta ako sa terrace at nag baka sakaling andon pa siya. Nakita ko siya doon na naka upo at naka sandal sa sandalan ng upuan at mahimbing ang tulog. Kawawa naman eto at baka mangalay ang leeg. Kagabi kasi, matapos namin mag usap ay nag paalam nako sa kanya na matutulog nako. Kaya naiwan siya roon.
"Acre" pag tawag ko sa kanya upang gisingin. "Acre, gising na aalis tayo ng 3" Pag tawag ko pa rito. Ang himbing ng tulog niya't ang amo amo ng muka niya. Isang tapik pa ay nagising na rin siya. Gulat na gulat siyang makita ako don, at mas lalong gulat dahil dun siya naka tulog.
"Ouch" pag reklamo neto matapos niyang iangat ang ulo niya. Masakit daw ang leeg niya sapagkat ilang oras siya naka sandal sa ganong posisyon. Hinawakan niya ang leeg niya at hinagod hagod eto.
"Mamaya, lalagyan ko ng essentials para mawala. Maligo ka at mag pprepare na rin ako" tumango naman si Acre at nag lakad papunta sa kwarto niya. Tila zombie etong nag lakad at naka pikit pa.
Naligo na rin ako at mag suot ng baggy jeans, fitted cropped shirt at vans. Kinuha ko na rin ang backpack ko at nag ayos ng koonti. Pag labas ko ng kwarto ay sakto naman naka labas na rin si Acre. Sabay na kami bumaba at kinuha ang pagkain sa counter sa kitchen.
"Kuya Gelo, let's go" matamlay na sabi ni Acre dahil mukang antok pa.
"Good morning kuya Gelo" pag bati ko rito pag punta namin garahe atsaka inabutan ng tinapay at tumbler na may kape. Binati rin ako neto at sumakay na rin kami sa sasakyan.
"Sobrang sakit ng leeg ko!!" Reklamo ni Acre.
"Ikaw ba naman mag sleepover sa terrace eh. Bakit ka ba dun natulog?" Pag tanong ni kuya Gelo.
"Ewan ko" sagot ni Acre. Sira ulo amp. Inabot niya sa tabi ko ang kape at binuksan eto. Pinag unpacked ko na din siya ng sandwich at inabot sa kanya. Inabutan ko na rin siya ng tissue paper if ever marumihan siya.
"Lapit ka rito lalagyan ko ng essentials leeg mo" lumapit naman sa akin si Acre at tumungo dahil di ko masyadong abot ang leeg niya. Hinagod ko eto ng hinagod hanggat patigilin niya ko. 2 hours pa byahe namin kaya't natulog muna ako.
Nagigising ako ng paonti onti dahil sa tawanan nila kuya Gelo pero napapa pikit ulit ako dahil sa antok. Isang oras lang kaya tulog ko.
"Heart to heart talk pala kayo kagabi" rinig kong sabi ni kuya Gelo kasabay non ang pag dilat ng mata ko. Gulat na gulat din ng mapansin kong naka tungo na pala ako sa balikat ni Acre at naka yakap pako sa braso niya. Dali dali ko tong tinangaal at inayos ang sarili ko.
"Sarap ng pwe--" bago pa umusap si kuya Gelo ay umusap na ko "Ituloy mo yang sasabihin mo, lalasunin kita bukas"
"Salamat ha, dahil sayo sarap ng tulog ko" humarap ako sa braso ni Acre at tinapik pa ito.
" Bakit ayaw mo sa muka ko tumingin, nag tthank you ka ba?" Nag tatakang tanong ni Acre.
"Oo, sa braso mo naman ako tumungo, hindi naman sa muka mo. So kanino ako mag tthank you? Edi dito" tuloy tuloy kong sabi at tinuro pa ang braso ni Acre.
YOU ARE READING
Big City, Bright Lights
RomansaSol, an HRM student unexpectedly met Acre Pangilinan, son of an Actress and Chief Disturber. She found herself volunteering to become a Personal Assistant of Acre. Where in the world, fate will lead them?