04

9 0 0
                                    

"Good morning Ms." alas syete na ng umaga at kakagising ko lang. Bumaba na ko at nakita kong nasa sala si Lana nag cocolor sa isang coloring book at ang mommy naman ni Acre ay nasa veranda, nag didilig ng halaman. tulog pa ata sila Acre at maaga pa naman. Nasanay kasi ako gumising ng maaga pag weekends dahil nag lilinis ako ng bahay.






"Good morning Sol, let's wait for manang to finish the breakfast. And then, let's eat na" naka ngiting sinabi ng mommy ni Acre. ngumiti na lang din ako at pumunta sa sala para kausapin si Lana.






"Hi Lana" malambing kong sambit.








"Hello ate Sol," sobrang busy ata ni Lana at ayaw akong tingnan. abala siya sa pag cocolor ng My Little Pony na coloring book.






Ibinigay sakin ni Lana ang color pink niyang crayons, at tinuturo yung coloring book niya. Tila nag papa cute pa ito dahil napaka lambing ng titig sakin at nag be-beautiful eyes pa.







"Do you want me to color pinky pie?" tila nag liwanag ang muka niya at ngumiti pa ito. Ang cute lang ni Lana dahil ngiting ngiti siya kahit yung isang ngipin niya sa harap ay natanggal na. ngumiti lang ako sa kanya at kinulayan na ang coloring book ni Lana. Maya maya siguro ng after breakfast ay  aayusin ko na ang damit na gagamitin ni Acre sa shoot. na organize ko na kasi lahat sa planner ko kagabi ang mga gagawin ko.






Pagkatapos ko mag kulay ay tumayo ako para tulungan si manang sa kusina. Pag dating ko don ay nakita kong nag luluto na siya ng fried rice at mukang patapos na eto.






"Hello po, tulungan ko na po kayo" pag kasabi ko ay lumingon siya sa akin at ngumiti. Medyo nasa katandaan na si manang, mga nasa mukang 50+ na siya. "Sol po pala"






"Linda. Manang Linda na lang itawag mo sakin" ngumiti siya sakin at tumango na lang ako. Hindi ko na siya inintay pang iutos sakin ang mga gagawin ko. Kumuha ako ng pinggan at kutsara't tinidor para sa pamilya ni Acre at para samin ni manang. Pansin ko din kasi na sabay sabay silang kumakain kahit mga katulong pa to.








Nag hain na ko sa lamesa at inayos ang mga kubyertos at baso. Tinawag ko na din si Lana at ang mommy ni Acre para pumunta na sa hapag. Nilagay naman na ni Manang Linda ang mganpagkain sa lamesa. Meron kaming hotdog, egg, tuyo, at fried rice.






Nag prisinta na din ako na gisingin ang mag kakapatid upang maka baba na sila at maka kain na. Una kong pinuntahan ang kwarto ni Han at ni Bench upang gisingin na ito, naka ilang katok pako  bago nila buksan ang pinto. Sinunod ko naman na si Nina, kakatok palang sana ako ay bigla ng bumukas ang pinto.






"Ano nangyari sayo?" Tanong ko rito dahil tila walang tulog ang itsura neto.







"I didn't sleep last night! I edited my vlog ughhh!! Panget ko ba?" Nag tatakang tanong neto. Di ako sumagot dahil muka talaga siyang Zombie. Kaya tinalikuran na lang niya ko at tinuro ang kwarto ni Acre. Oonga pala, gigisingin ko pa to.







"Acre? Acre.." tawag ko rito. Kumatok pa ko para mas magising siya pero hindi pa rin to sumasagot. "Acre, kakain na. Pinapatawag ka na ng mommy mo" sabi ko rito, pero di pa rin bumubukas ang pinto.






Bahala na, mamaya di na to humihinga. Pinihit ko ang pintuan at napansin na hindi ito naka lock, pumasok ako rito dahan dahan upang gisingin si Acre.






Ang linis ng kwarto niya. May King size bed, color gray and black ang wall at may accent pa ito na mga brown decor. Nakita ko din na may maliit siyang sofa na color black at may malaking TV sa harapan. Maayos at masarap sa mata ang kwarto ni Acre.





Big City, Bright LightsWhere stories live. Discover now