05

3 0 0
                                    

"Sol, sa tabi ka na ni Donny, umupo para dito na lang sa tabi ko ilalagay yung mga packed lunch" pag susuggest ni kuy Gelo.


"Oonga Sol, maluwag naman sa likod eh para convenient na rin satin dalawa pag may gagawin tayo sa contract" Wala naman na kong magagawa kaya nag thumbs up na lang ako. Nilagay ko na sa likod ng sasakyan ang make up kit ko at ang ring light. Pumasok na rin naman kami ni Acre sa back seat ng sasakyan.



"Bukas pala, sa pampanga na tayo no. Start na ng shoot niyo. Kinakabahan ako" Kinakabahan ako dahil baka mag kamali ako at pagalitan ako ng mga tao sa set, tsaka may mga artista don baka matulala ako, lalo na kay Olivia. Napaka intimudating ng itsura niya, pero muka naman mabait.


"Baliw, wag ka kabahan. Di naman nalalayo muka mo sa kanila eh" saad ni kuya Gelo. "Talaga?" Kinikilig ko pang tanong.



"Oo, lalo na sa paa nila" pag tawa naman ni kuya Gelo at ni Acre. Sinamaan ko sila ng tingin, bakit ba lagi ako pinag ttripan neto?


"Hoy kuya Gelo, sabi kaya ni Acre maganda ako" sabay hawi ko pa ng buhok. Todo tanggi naman si kuya Gelo, alam ko naman na inaasar lang nila ako dahil kaming tatlo lang naman mag kakasundo sa bahay nila Acre.



Naka rating kami sa bahay nila Acre, at inayos ko na muna ang mga gamit sa sasakyan bago pumasok. Naunang pumasok samin si Acre dahil mag papaginga daw muna siya. Di ko lang alam kung paano ipapahinga ang bibig niya, dahil sa totoo lang ako yung nangalay sa bibig niya. Apat na oras ka ba naman ngumiti eh.



So far, nag eenjoy ako sa trabaho ko kay Acre. Mababait na nga ang pamilya nila ay di pa ko nahihirapan masyado. Responsableng tao si Acre, at talagang hindi ka mahihirapan paki samahan niya. Di mo maiisip na assistant ka lang niya sapagkat kapag kaya niya ang gawain ay siya mag isa ang kumikilos


Pag pasok ko sa loob ay nakita kong pababa sila Acre at kuya Gelo sa basement nila. Sapagkat, dito ginawa ni Acre ang gym area niya at movie room. Wala dito ang mommy at daddy ni Acre siguro ay umalis kahit ang mga kapatid neto ay wala. Si Lana lang ang andito at nakaupo lang sa may nook.


"Hi Lana, what are you doing here?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya. Para kasing ang lalim ng iniisip niya. Nakapatong sa lamesa ang siko niya habang salo salo naman ng dalawang kamay niya ang baba neto.

"Well, as you see, i wanted to bake cupcakes for mom, dad, kuya Acre, Kuya Bench, Ate Han, and ate Nina but i don't know how? Even manang" ohh okay madali lang naman pala ang problema netong si Lana. Hindi pa naman ako pagod kaya sinabihan ko siya na intayin niya ko at tutulungan ko siya.

Umakyat nako sa taas at nag palit ng pang bahay na damit. Tinali ko ang buhok ko at bumaba kasama ang laptop ko, naka save kasi don lahat ng recipe na inaral ko sa baking. Pumunta ako sa kusina at tumabi na kay Lana.

"Ate, na prepare ko na lahat ng gagamitin" Excited na pag kakasabi ni Lana. Naka apron pa siya na pink at naka tali na din ang buhok, kinuha ko ang isang apron at hinanap na ang mga kakailanganin.

"Do you want me to teach you?" Tanong ko sa bata, at sumang ayon naman siya kaagad. Talagang pursigido siyang matuto. Mag kaka sundo kami ni Lana kung ito ang pag kaka abalahan niya.

Nilagay ko na sa counter ang mga ingredients atsaka umupo sa harapan ni Lana upang idikta ang mga kakailangin niyang gawin. "okay, Lana the first thing that we will do is measure all the ingredients" tumango naman si Lana at sinunod ang mga sinasabi ko sa kanya. Matalinong bata si Lana kaya naiintindihan niya agad.

"Done ate! What's the next step?" Pag tatanong neto.


"Put the vinegar into the milk and leave it for 10 minutes, that will be our buttermilk" tumango tango naman ang bata at talagang naka focus siya sa ginagawa niya. Habang nag iintay kami sa 10 minutes ay prineheat ko na ang oven nila para pag tapos ni Lana ay isasalang na lang.


Big City, Bright LightsWhere stories live. Discover now