"It's her."
My heart was beating so fast. If they're going to check my blood pressure, I might have high blood pressure right now.
Thank god and the ambulance was filled with noise coming from the ambulance siren and its engine. If not, there's no way they'd not hear my heartbeat.
Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ay parang mahihilo ako. Ramdam ko rin ang namumuong pawis sa noo dahil sa init sa loob ng sasakyan at sa suot na damit.
Doctor Cortes.
Maraming may apelyidong Cortes sa mundo pero ang boses na 'yon ay natatangi lamang sa pandinig ko. Hindi ko iyon maipagkakamali sa kahit na sino.
I wanted to confirm it by opening my eyes but I don't want to get caught as well. Baka sipain ako palabas kapag malaman nilang nagtutulug-tulugan lamang ako.
"She's really Love Guillen."
I couldn't help to not move my face when I heard my name from one of the healthcare workers inside the ambulance.
I already expected that they would recognize me in no time. Hindi ko matatago ang mukhang 'to sa kahit saan mang parte ng bansa. Everyone knows me here like I truly belong here.
This is why I love France. I got all the love, chance and support that I never ever had from my real home. An acid was poured in my system when I remembered my past. Pilit kong winaksi sa isipan ang nakaraan.
It made me more uncomfortable when they started talking about me. They believed that I was having my shoots for wedding dresses then suddenly, I was just here.
Like hell. Gusto kong matawa sa konklusyon nila. I don't model wedding dresses. Like ever. I was into lingerie, swimwear and nightwear.
Ibig sabihin ay mas posible pa na mag-model ako ng wedding dress kaysa sa makasal. Ganoon ba?
I tried to squint my eye. I never heard his voice again but I could feel his presence. Pakiramdam ko ay tahimik lang niya akong pinagmamasdan kanina pa.
Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko o sadyang feeling lang talaga ako.
I could see my eyelid palpitating as I tried to keep the narrow opening of my eyelid. I closed my eye tight when I got a glimpse of his face. I also got a fleeting view of his white coat and a stethoscope on his neck.
Unti-unti kong naikuyom ang kamao nang ma-kumpirmang pinagmamasdan nga niya 'ko. Parang lalagnatin ako bigla sa napagtanto.
He was just sitting near me. Just a meter away from me. Abot-kamay. Ang isiping iyon ay mas nag-dala pa ng alab sa nararamdaman.
Hindi ko mapigilang silipin siyang muli. A glimpse of him wasn't enough. Kahit pa palagi kong binibisita ang mga social media accounts niya sa mga nakalipas na taon ay hindi iyon sasapat para mapunan ang kuryusidad ko sa kanya.
I squinted my eye again. This time, I planned to make it longer.
Pero hindi pa man nagtagal nang matagpuan ko ang mga mata niyang nasa akin pa rin ay kaagad kong ibinalik sa pagkaka-pikit ang mata.
The vehicle made a turn kaya nahulog ang kamay ko sa stretcher at aksidenteng tumama ang kamay ko sa kanya. Mabilis kong ibinalik ang kamay sa dating puwesto at umaktong walang nangyari.
Damn it.
A sound was produced when I took a snuff. I formed my lips in a thin line like I was sealing my lips.
Shit.
Kahit nakapikit ay ramdam ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Idagdag pa ang pananahimik nila kaya nasisiguro kong tama ang naiisip ko.
The ambulance stopped then I felt the stretcher moved. Na-alarma ako nang ilabas nila ang stretcher at itulak ito.
Teka, saan nila ako dadalhin? Balak ko na sanang bumangon pero naalala ko na wala pala dapat akong malay.
"We need doctors here!" may sumigaw 'di kalayuan sa'min.
"Alright!"
Man, that voice! I was fighting the urge to open my eyes. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sariling buksan ang mga mata nang marinig ang boses niyang muli.
"Check her vitals." utos niya sa isang nurse at bumaling sa'kin.
Mabilis pa sa alas doseng ipinikit ko ang mga mata.
Did he catch me?
Yes, he did. Bobo.
"Yes, Doc."
Ilang sandali pa saka ko muling binuksan ang mga mata. Ang nurse na susuri sa'kin ay umalis para kumuha ng mga kailangan niya.
Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para bumangon sa pagkakahiga sa stretcher. Ngayon ay mayroon na akong sapat na panahon para pagmasdan ang buong paligid.
I was surrounded by busy people. May mga tumatakbo at sumisigaw. Perhaps a big accident had happened at the place where I found the stretcher. Hindi ko na napansin pa iyon kanina dahil sa kakaisip sa sariling problema.
Ngayon na nakikita ko na ang mga pasyenteng duguan at abalang mga health workers, malaking aksidente nga ang nangyari.
Bumaling ako sa bumukas na pinto. Pumasok ang dalawang doktor, akay-akay ang pasyenteng duguan. They were searching for vacant area but there was none.
Trying to make good use of myself, I get up on the stretcher. Kaagad din nilang nahanap iyon kaya inakay nila ang pasyente patungo roon. Lumayo at gumilid ako sa isang tabi upang huwag nang makaabala pa sa mga manggagamot.
I scanned the wide and light room.
Ngayon na bumalik na 'ko sa normal na pag-iisip ay saka ko lang naalala si Kyze at Devi.
Iyong kasal!
Fuck.
I tried to search for my phone. Tumigil ako sa pagkapa sa sarili nang mapagtantong walang bulsa ang gown. Tumingin ako sa harap at napaisip.
Did I bring my phone?
Pumikit ako at inalala kung nagdadala ba ako ng cellphone habang tumatakbo. Umungol ako at napapadyak nang maalalang wala akong dala na kahit na ano.
Now that I am here, I can tell that I successfully executed my mission. Maaaring nasa eroplano na ngayon si Devi. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang maisip ko 'yon.
Sa kabilang banda, paano ako makakaalis dito?
What I did will create a ruckus for sure.
Hindi ko alam kung saang area na 'ko ng ospital. Kanina pa 'ko naglalakad sa mahabang pasilyo. Sa tuwing may makikita akong tao ay mabilis akong umiiba ng daan o 'di kaya ay nagtatago.
I was walking barefooted. Hindi ko alam kung nasaan na ang sapatos na suot. Wala na rin sa ayos ang buhok at mukha. Ang damit ay may kaunting dumi at gusot na rin.
The elevator automatically opened. I sighed when it was empty. Pumasok ako sa loob at nang sumara ang pinto ay naka-marka sa babasaging pintuan ang logo ng ospital.
de Silva University Hospital.
The logo was in violet and white hues. This means, it's a property of the de Silvases?
What I mean is, it's a property of the de Silvases I know?
For real?
I covered my mouth out of shock. Hindi malabong tama ang hinuha ko. He's a scholar of the de Silva Hospital back then. To see him work here is possible.
Yeah, that makes sense Lav.
What did I miss? I think I miss everything.
I just know he graduated at SMA Medical School and topped the Physician Licensure Examination years ago. I don't know if he's done with his medical residency training or he's currently at it.
Sadly, I didn't make a through research about him. Sapat na sa akin ang marinig at mabasa lahat ng achievements niya. Hindi ko na napagtuunang pansin ang mga maliliit na detalye tungkol sa kanya kagaya ng specialization niya.
Itanong ko kaya?
I let out a scoff for myself.
Iyan pa talaga ang iniisip mo ngayon?
Bumukas ang lift. With my quick reflexes, I made a swift turn. Mabilis na pumasok ang higit sa sampung tao sa loob lift. They were all wearing surgical scrubs.
Damn it.
"Yeah, I heard Love Guillen is here."
Yumuko ako lalo at mas isiniksik ang sarili sa gilid nang marinig ang pangalan na pinag-uusapan.
"Too bad. We have work." a woman said and heaved a deep sigh. Mukhang ipinagpatuloy ang pinag-uusapan nila bago sila pumasok sa elevator.
"I would've already scored a date with her, only if I was allowed to take an off." a man said, frustrated.
"Sober up, man. You're still intoxicated with liquor. Are you?"
They all laughed. Maging ako ay hindi rin mapigilan ang mapangiti sa narinig.
Narinig ko ang pagbukas ng lift. Naramdaman ko ang unti-unting pagbawas ng tao sa loob hanggang sa ako na lang ang matira at sumara na ito.
I turned and leaned against the elevator.
If someone recognizes me, that will be my end.
Ayaw ko nang maulit iyong mga nangyari noon. I usually get bruised and injured whenever I was in public places and I don't have my guards with me.
Pumikit ako para mas maka-isip ng paraan. I can go to the lobby of the hospital and ask for assistance. I can make a call there. That's easy. Mahihirapan lang ako sa pagpunta roon lalo pa't hindi ko alam kung nasaan iyon.
I opened my eyes soon as I heard the unlock sound of the elevator.
Para akong binagsakan ng malaking bato nang makita ang taong nasa harapan. Maging siya ay napatigil din sa pagsasalita sa kanyang kausap sa cellphone nang makita ako.
He was wearing his white coat. It was stained with blood. Ganoon din ang puting v-neck na damit sa loob. Sa ibaba naman ay faded jeans at combat shoes ang suot na may kaunting bahid din ng dugo.
Akala ko ay makikita ko siyang naka-suit and tie sa unang beses na makita kong suot-suot niya ang puting coat.
Ano'ng nangyari? What's with the sudden change of style? Mas gusto na niya iyong casual kaysa sa formal attire?
Ganoon ba ang nagagawa ng pagiging doktor sa kanya?
From his clothes, my eyes went to his neck. My forehead creased when I saw inks there. Imposibleng dugo dahil itim 'yon.
Tattoo then?
Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha at nahuli ang mga mata niyang kagaya ko ay nanunuri rin. I coughed and crossed my arms, trying to loosen up a bit. Susubukan ko na sanang balewalain ang lahat ng nakita kong pagbabago sa kanya nang mahagip ng mga mata ko ang hikaw niya sa kaliwang tenga!
What the hell?
I directly looked into his eyes. Ang mga mata ko ay nagtatanong at naguguluhan. Sa halip na punan iyon ng kasagutan ay umangat lang ang isang kilay niya. A sexy smirk crept on his lips accompanied by a sibilant sound. His intense gaze made me wobble a little. Isinandal ko ang kamay sa dingding ng elevator para sa suporta.
Dumbfounded at what I saw, I looked over his shoulder instead. Parang kinikiliti ang tiyan ko nang unti-unti siyang pumasok sa loob ng elevator.
Ngumuso ako nang magsara ang pinto at mas naramdaman ko ang presensya niya. Rinig ko rin ang pagpaalam niya sa kausap.
"I thought you fainted?" tanong nito nang maibaba ang tawag.
Wow. He spoke first.
Ano't himala.
Noong mga oras na gustong-gusto kong marinig siyang magsalita ay tinalikuran lamang niya ako.
"Akala ko nga rin." I mumbled to myself.
Lumingon ako sa kanya. Ganoon din siya.
"I'm fine now." mabilis kong agap sa unang sinabi at pilit na tumawa, tinatakpan ang kabang nararamdaman dahil sa pagiging seryoso nito.
He didn't even blink an eye for almost ten seconds of staring at me. Tumigil ako sa pagtawa at binalik na lamang ang tingin sa harap.
Awkward.
I wiped my imaginary sweats on my forehead. While doing that, I simply took a glimpse of him. He was just staring ahead. Mukhang wala nang balak magsalita pa.
Oh c'mon. We should catch up.
I scratched the back of my ear while looking at him. I made sure that he would notice my stares on him. But he didn't bother to glance at me.
I scoffed as I put my arms in cross over my chest. I slapped my forearm as if there was an insect. From my peripheral vision, I saw how his eyes closed and the sudden movement of his shoulders like he was heaving.
Ano? Hindi ka pa rin lilingon?
I furrowed my brows when he really ignored my obvious tactics in getting his attention.
So I did it again. This time, napalakas kaya namula.
Hindi ko maitago ang ngiti nang tumingin siya sa'kin kaya ako naman ang tumingin sa harap na may ngiti sa labi.
"You have a delicate skin now, I see." he whispered.
What does he mean by that? Na nagbago na 'ko. Was that a good or bad thing?
"Well, you're a supermodel now." he shrugged, saying the obvious thing.
"And you're a physician now." I said and our conversation ended.
Hanggang sa bumukas ang elevator ay hindi ko na narinig pang muli ang boses niya.
I snapped my fingers when I remember my problem. He turned to me when I called his title.
"Can I borrow your phone? I need to call my manager."
Tumitig siya sa'kin saglit 'tsaka kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang coat at ibinigay sa akin na wala man lang imik. Umiwas pa ito ng tingin nang ilahad niya sa'kin ang cellphone.
Ang snob naman. Parang hindi umiyak. My thought said.
"Uh, password." sabi ko at iniharap sa kanya ang cellphone.
He stared at me for a while before he looked at his phone and punched his password. Nang matapos siya ay kaagad ko itong minanipula.
Tumungo ako at itinipa ang numero ni Kyze para matawagan. Tatlong ring ay kaagad ko ring pinatay ang tawag nang ma-realize na hindi nga pala iyon sumasagot ng tawag kung hindi naka-save ang number sa contacts niya.
So, I directed it to messages and keyed in a message. While typing, a message popped out. Hindi ko sinasadyang mapindot iyon kaya kaagad napunta sa thread ng messages ng nag-message.
It was Step and she sent a picture.
I think it was me. A picture of me wearing a wedding gown, running. I narrowed my eyes to focus on the image. I gasped when I confirmed that it was really me. This was just taken earlier.
Umangat ang tingin ko. France snatched his phone from me when he saw my reaction.
"Sorry, hindi ko sinasadyang ma-click iyong message ni Step."
I saw him relaxed a bit when he saw that it was a message from Step.
Bakit? May ini-expect ba siya na ibang makikita ko sa cellphone niya na ikakagulat ko?
Now his surprise expression got me.
Ano'ng mayroon?
"Paki-send na lang iyong message ko." sabi ko na lang dahil mukhang ayaw na niyang ipahawak sa'kin ang iPhone niya. And I was right. He sent it himself. Hindi naalis ang tingin ko sa cellphone niya hanggang sa ibalik na niya iyon sa bulsa ng kanyang coat.
"Saan mo hihintayin si Kyzer?"
"Sa lobby na lang siguro." sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Thank you by the way." mabilis kong dugtong nang maalala na kailangan kong magpasalamat.
Tumango siya at tinalikuran na ako.
BINABASA MO ANG
Love of France (Friend Series #3)
RomanceStatus: Completed Lav doesn't settle for less. Her dreams for herself are very ambitious. She is ambitious herself. One of her dreams is to be in France, a place where she truly belongs. But France becomes her less favorite when she encounters Franc...