Chapter 24

4K 152 11
                                    

A short-lived escape like this makes me wanna wish I could stay here forever. I would yearn for this once it gets over. Totally.

I closed my eyes and let the scorching sun burned me. I sniffed the fresh air and heaved a sigh.

We're halfway towards finishing my portfolio. Ang ilan ay sa pagbalik na namin sa siyudad tatapusin kaya simula sa araw na 'to ay wala na akong iisipin pa kung hindi ang mga leisure activity na naudlot dahil sa portfolio ko.

Nandito kami ngayon sa isang maliit na isla, malapit lang sa Cuyo. Sakay ang pump boat at mahigit quince minute ang biyahe ay nakarating na kami rito.

May cottage at iilang sun lounger kaya walang problema sa masisilungan. Wala ring tao maliban sa amin. Magtatanghali na rin kaya mainit na ang sikat ng araw.

Rain, Step and Eve are swimming while the two couples are making their own world. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga 'yon. Hindi na masagap ng mga mata ko. Raven and France are in-charge with the food kaya hindi ko rin ma-istorbo.

Bumangon ako sa pagkakahiga at ibinaba ang paa sa buhangin. I stretched my arms and yawned.

"Hungover?" France appeared bringing a plate full of fruits.

Now that he gives me the idea. I smiled. Pinikit ko ang mga mata at hinawakan ang sentido.

"Ang sakit ng ulo ko." arte ko.

Halos gabi-gabi ang inuman nila kaya napapasama na rin ako. Hindi naman totally inuman na wasted na wasted. Isa o dalawang bote lang pampatulog kaso kagabi iyong naparami dahil reward na raw namin sa sarili dahil natapos na ang portfolio ko.

Hindi ko alam kung iyon nga ba talaga o naghahanap lang sila ng rason para uminom.

Sinilip ko siya mula sa gitna ng mga daliri kong nasa itaas ng mata ko. May kinuha siya sa bulsa ng itim niyang shorts. Tiningnan ko ang nilapag niyang antacid sa mesa.

Uupo na sana siya sa upuan na nasa harapan ko nang pigilan ko siya.

"Dito ka oh." I said and patted the space beside me. Matagal pa ang tingin niya roon, mukhang nagdedesisyon pa kung may maganda bang maidudulot kong tatabi siya sa'kin.

"Dali na. We should savor this fleeting moment of summer vacation." I said and reached for his hand.

Ngumisi ako nang pumayag din. Inirapan lang niya ako nang makita ang ngiti ko.

"Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang suot niyang short-sleeved button-down shirt. Dapat ay nakahubad na siya katulad noong dalawa. Si Raven ay may top pa rin naman kagaya niya.

Umiwas ako ng tingin nang dumilim ang paningin niya sa'kin.

"Lavienna." his voice screams wary.

"Bakit?" I casually asked, hiding my fear. Tumusok ako ng isang slice ng mansanas at maliit na kinagatan 'yon.

Nakatingin siya sa'kin, badtrip na naman. 'Yan kasi, mamikon ka pa, iiwan ka na niyan.

Inilapit ko 'yong mansanas sa bibig niya. Tumingin siya saglit sa'kin 'tsaka iyon kinagatan. Ngumiti ako.

"Lasang ano?" walang kuwenta kong tanong. He was slowly chewing the apple. Akala ko ay wala siyang balak sagutin dahil ang nonsense naman ng tanong ko kaya nang sagutin niya ay 'di ko mapigilan ang matawa.

"Mansanas." seryoso niyang sabi.

"Hmm. Can I sit on your lap?" tanong ko.

His eyes narrowed at me. "What are you up to?"

"Wala." I shook my head.

"Just sit then."

Excited akong tumayo para lumipat. I encircled my arms around his neck and sat sideways on his lap. He voluntarily wrapped his arms around my waist.

"I can almost touch your bones. Kumakain ka pa ba?"

Umirap ako dahil sa kanyang komento sa katawan ko. "Oo naman."

Ilang minuto rin kaming naging tahimik, pinagmamasdan ang tatlo sa dagat at naliligo.

"Ano'ng pakiramdam na kasama mo 'ko ngayon?" I asked smiling. I tilted my head. Nakatingin lang siya sa malayo, halatang iniiwasan niya na magtagpo ang mga mata naming dalawa.

Niyugyog ko siya nang ma-realize na wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

"Hoy. Tinatanong nga kita."

"Gustong-gusto mo talaga na tinataas 'yang ego mo." masungit niyang sabi.

Tumawa ako. "Bakit? Masaya ka ba na kasama mo 'ko?" I teased and he just leered at me.

Mas lumakas ang tawa ko nang pinapatayo na niya 'ko pero ayaw naman niyang alisin ang mga brasong nakapulupot sa'kin. Napaghahalataan na ang isang 'to ha.

"Ano nga? Bakit ayaw mong aminin?"

Ang babaeng 'di mo mabigyan ng label.

Umiiwas siya ng tingin sa'kin at ako naman itong sigeng hanap ng hanap sa mga mata niya.

"Tumigil ka na." iritado niyang saad at pilit akong tinataboy.

"O sige. Heto na lang." natatawa kong sabi at hinigpitan ang yakap sa kanya. Tamad siyang tumingin sa'kin.

"Mahal mo 'ko 'di ba?" I asked, trying my very best to neutralize my facial expression but I couldn't. I couldn't stop my smile whenever I see his brows get furrowed and hear his deep sigh.

Umirap siya at tinatanggal na ang kamay ko sa kanya. Mas naging determinado na alisin ako sa kanya.

"Seryoso ako." sabi ko pero natatawa rin sa huli.

"Why me Love?" I asked, shaking him a bit.

"Bakit ako, Love?" ulit ko.

"O sige. Ako na lang tanungin mo ng 'bakit ako Love?'" I changed when I realized he wouldn't answer my nonsense question.

"Where are you getting these ideas?"

I almost rolled my eyes. Ganoon ba kahirap sagutin ang tanong ko?

Rain is feeding me these punch lines. Ang sabi niya ay effective, bakit parang hindi naman?

"Dali na." I urged him.

He sighed and looked at me.

"Why me then?" napipilitan niyang tanong.

I smirked.

"Why... not?" hirit ko at tumawa na lang para sa sariling banat.

Grabe, ang cooperative ng lalaking 'to. Minsan na nga lang bumanat, wala pang kareak-reaksyon.

Midday came, we ate in a boodle fight. Bumalik si Alric at Jo na may dala-dalang mga buko. Taly was narrating how the two climbed the coconut trees and how they were chased by a monkey. Noong una ay ayaw kong maniwala pero dahil may video ay naniwala rin sa huli. Mas masaya sana kung kasama kaming hinahabol ng unggoy.

It's already four when I decided to go for a swim. Mamayang gabi pa naman kami babalik kaya mahaba-haba pa ang oras. I was wearing a one-piece red swimsuit with deep neckline.

Wala sana akong balak maligo dahil hindi naman ako mahilig sa beach kaso mukhang maliligo si France kaya na-engganyo na rin ako. Gaya-gaya talaga.

Nasa likuran niya lang ako at tahimik siyang sinusundan. Tumigil siya kaya tumigil din ako.

Ngumiti ako nang lumingon siya.

"Hi Engineer."

"Akala ko ay 'di ka maliligo." sabi niya at naglakad palapit sa'kin.

France is tall. He is the tallest and fairest among his friends. Unlike Jo and Alric, his body isn't that well-toned. He focuses more on studying than working out.

"Ayaw mo nang abs?" bigla kong naitanong habang tinitingnan iyong flat niyang tiyan. As usual, he didn't entertain my question. He asked me a question instead.

"What would you choose then? Abs or house?"

"Bahay siyempre." I quickly replied.

"See? That's why I'm studying hard so I can afford to give you that." kaswal niyang sabi at inilahad ang kamay sa akin.

"Bibigyan mo 'ko ng bahay?" I asked, amused as I put my hand over his. He immediately intertwined our fingers to lock it.

"Uh-huh. Kayo ni Tito at Tita. Hahanap ako ng area na gusto mong pagtayuan ng bahay. Katulad noong pinuntahan natin noong nakaraan." sabi niya at sabay kaming lumusong sa tubig, magkahawak ang kamay.

"You can tell me the det of your dream house now so I can plan it out with Jo. I'll find a good architect too."

"Pero matagal pa 'yon. Kailangan ko pang maging doktor bago ako makakapag-ipon." he chuckled and looked at me. "Makakapaghintay ka naman 'di ba?"

Ang lalaking ito talaga, hindi na nagsawang pasayahin ako. Hindi ba niya alam na sa mga simpleng pagpaplano lang niya kasama ako, si Nanay at Tatay, napapasaya na niya ng sobra-sobra ang puso ko. Wala nang mapaglagyan pa.

Now, I can really say that it's worth it. He's worth the fear I am feeling. I don't want to hold back anymore. Hindi ko maipapangako na hindi na ako matatakot pa pero kung ganito rin lang naman ang dahilan ng pangamba ko, hindi na ako magdadalawang-isip pa na abutin ito at matakot na lang araw-araw.

Sa mga sumunod pa na araw ay pagpapasyal lang ang ginawa namin, roadtrip sa hapon at foodtrip sa gabi. Nakakatakot isipin na magwakas ang lahat ng 'to. Masyadong masaya para wakasan.

Noong araw na inakyat namin ang Mt. Flores ay wala akong masabi sa tanawin sa baba. Eksaktong sunrise nang maabot namin ang tuktok ng bundok.

Hindi ako mahilig sa recreational activities katulad nito dahil ang una kong naiisip ay nakakapagod at naghahanap lang ako ng sakit sa katawan. Pero ngayon na nandito na,

"Ang sarap sa pakiramdam kapag nasa taas ka." nakangiti kong sabi habang ninanamnam ang malamig na ihip ng hangin.

Ipinatong ko ang isang paa sa bato sa harap at itinukod ang tungkod sa tabi.

"Ganito siguro 'yong nararamdaman ng mga supermodel 'no?"

"'Yong nasa peak na sila ng career nila at wala nang mahihiling pa sa buhay kasi nakuha na nila lahat. Fame and fortune. What a perfect combination." I said and turned my head to see him.

France is in his usual pullover and sweatpants. Nothing unusual. Maliban sa beanie na suot. Halata ang antok sa mga mata.

Kung sabagay alas kuwatro kami tumulak tapos kagabi ay late na rin siya natulog dahil nag-aaral pala siya kapag tulog na kaming lahat.

Iyong unang beses ko siyang nahuling gising pa ng mga ala-una, nag-re-review pala siya. Sa mga sumunod na gabi ay sunod-sunod na ang paggising ko ng hatinggabi at walang palya ko siyang makitang nag-aaral sa salas.

He is indeed studying hard. He really deserves to become a doctor.

Paano ko kaya siya matutulungan para mag-top sa NMAT? Nang sa ganoon ay maraming offer ang ibibigay sa kanya. Mabawasan man lang ang hirap na daranasin niya sa med school.

He mustn't screw up his exam. He should perform well. Siguro ay huwag ko lang siyang istorbohin kapag nag-aaral? Malaking tulong na rin siguro 'yon. Total ay wala rin naman akong maiaambag sa knowledge niya. Ano'ng alam ko diyan? Mas mahirap pa para sa'kin ang Science kaysa Math kaya wala talaga.

Parang biglang sumakit ulo ko. This is why I should not think of Math and Science. Sumasakit bigla ang ulo ko.

"Fame always comes and go." sabi nito at tumabi sa'kin.

"Fame isn't consistent. May oras na ililipad ka sa alapaap at may oras na ibabagsak ka sa lugmok." he said and looked at me.

"Ganoon din ang pera. Kung hindi mo alam kung paano palaguin ay mawawala rin."

"If your basis of success are fame and fortune. Well, think again Lavienna." sabi niya.

"We gain fame and fortune because we use our brains. We study how and then acquire skills if needed."

He pointed his brain.

"This is what will make you successful. You will become successful if you nurture your brain with knowledge. Successful entrepreneurs never cease reading, they never stop learning and that's the foundation of their success, not the fortune and fame. They just act as stimuli to incite you from becoming successful."

"Do you understand my point?"

Mabilis akong umiling. Parang speaker siya. This is what I like about him e. Ang dami niyang advises. 'Yong may sense talaga.

"Ang sinasabi ko ay iba pa rin kapag nakatapos ng pag-aaral Love. Kapag bumalik tayo sa siyudad, we do not know what your future holds. Baka maging abala ka na sa sarili mong pangarap pero sana ay huwag mong kaligtaan ang pag-aaral mo."

Para siyang si Tatay ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kanya.

"Grabe ka sa'kin. You think I would trash my studies for my dreams?" birong tulak ko sa kanya.

"Hmm? I think yes?" he playfully said. Though I know he meant it. He always means every word he says. Good or bad criticism. Kapag nanggaling mismo sa bibig niya, totoo iyon.

I pouted and crossed my arms. "Ang sama mo sa'kin. Last year ko na sa pasukan. Ang tanga ko naman kung hindi ko tatapusin."

'Tsaka hindi pa nga ako tanggap sa Lustrous. Hindi ako Malavega na isang pitik lang ay supermodel na. Kaya imposible rin na magiging abala ako sa pag-abot sa sariling pangarap. Hindi ko nga alam kung mangyayari ba talaga iyon.

"Should I buy that?"

I arched my brow. "Wala kang tiwala sa'kin?"

He smiled.

"It is just a reminder." he put his hand on my back.

"Education before dreams and dreams before love. Ganoon ba?" tanong ko at nilingon siya.

He didn't say anything but I know he agreed.

"And one more thing." ang kamay na nasa aking likod ay umangat pa hanggang maakbayan ako.

"I noticed you love the feeling of being on top."

"I just want to remind you, kahit nasa taas ka na at tanaw mo ang nangyayari sa baba, never look down on people as if they're below from you and you're dominating." he tilted my head back.

Ngayon ay pareho na kaming nakatingin sa itaas.

"Kahit nasa taas na tayo ay may mas mataas pa rin sa'tin. Huwag lang tayo puro sa baba titingin, tumingin rin tayo sa taas."

May balak bang maging preacher ang isang 'to?

"Ang sabi ay mas malaki ang tsansa na nakakalimot ang mga nasa taas dahil sa baba lang sila lagi nakatingin."

Tiningnan ko siya. "Are you preaching me?"

"I just want to share what I have learned from church. Sana ay huwag mong masamain."

"Of course not." I snickered and he smiled.

Hindi ko mapigilan ang yakapin siya.  Kahit yata masaktan niya ako ay hindi ako magsisisi na siya ang minamahal ko.

"Kapag naging successful na tayo pareho, puwede na bang tayo naman?"

"What do you mean?"

"Well, kung doktor ka na at maging entrepreneur o model man ako... beke nemen." I joked and tucked my hair behind my ear.

Tumawa siya sa pagiging funny ko at hinigpitan ang akbay sa'kin.

"Bakit? Ano bang gusto mo?"

"Alam mo ikaw," I pinched his earlobe.

"Tinatanong mo pa alam mo naman ang ibig kong sabihin."

"You're my best person now, you know that?" he asked and nuzzled his nose on my hair.  I felt him tightened his embrace on me kaya hinigpitan ko rin ang yakap sa kanya.

"Hindi ko alam 'yon."

The pink light of sunup is kind of reviving. I sighed when the sun is going above the horizon. Ang ganda.

"Now that you know, if I ask you to marry me, will you say yes?"

"Kailan ba 'yan?"

He pursed his lips and looked at the sunrise from here.

"I don't know. But when the right time comes-"

"Kailan nga?"

"Are you pressuring me?

"Bakit, bakit ganyan ka? Ayaw mo 'kong maging girlfriend pero papakasalan mo 'ko?"

"Ang weird mo talaga France."

"You're making me weird Love. I'm not ready for marriage neither girlfriend-boyfriend relationship but I don't know with me. Every time I plan my future ay kasama ka, kayo ni Tita at Tito. And there, I just see myself getting ready for that... with you."

Love of France (Friend Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon