Chapter 19

4K 149 3
                                    

After that incident, Yuna rarely brought me with her. Ilang linggo na rin akong 'di nakasama sa kanya hanggang sa nalaman ko na lang na may PA at Manager na siya. Hindi ko na rin iyon inisip pa dahil abalang-abala na ako sa eskuwela at sa SC.

Ako ang humawak ng mga trabaho ni France bilang SC President dahil abala na siya para sa graduation, sa NMAT, sa part-time job at med school niya. Ang dami niyang kailangang gawin at ito na lang ang matutulong ko sa kanya.

Tumigil ako sa pagpirma nang maalala ko na summa cum laude nga pala ang lalaking mahal ko. I bit my lower lip and shook my head. Hindi ko mapigilan ang maging proud para sa kanya.

Gusto kong maging akin na siya pero natatakot akong sabihin. I was so damn scared to ask for assurance. Natatakot ako na baka ipaalala na naman niya sa'kin kung hanggang saan lang kami.

I want him so much that I want a serious relationship with him but I guess, he doesn't want me that much that he couldn't give me what I want.

Fuck you label.

"Sure ka na ba na ayaw mong tumakbo bilang SC President next curriculum year?" Jess asked.

Nasa SC Office kami ngayon, pilit na tinatapos ang lahat ng report para kapag dumating na ang bakasyon ay wala na kaming iisipin pa na problema habang nasa Palawan kami. I'm looking forward to the Palawan trip and the least thing I want is disturbance. Kaya mas mainam na ngayon pa lang ay ayusin na ang dapat ayusin.

I looked at Jess and smiled. Wala sa plano ko ang tumakbo bilang President sa susunod na taon. Maliban sa magiging abala na ako sa internship ko ay wala na rin sa SC si France.

Honestly, he's the sole reason why I get in this organization. And as the time passes by, I'm starting to like it here. But not that much that I'd consider running President.

He will always be the President and I'd rather be his first lady.

Pagkatapos sa SC ay tumuloy na 'ko sa auditorium kung nasaan si France. Sa pinto pa lang ay naririnig ko na ang University Hymn. Pumasok ako sa loob at halos mapuno ang malaking auditoryum ng mga graduates.

Umupo ako sa pinakagilid at hinanap siya sa dagat ng mga tao. I automatically smiled when I saw him on the stage. He's talking with his blockmates while wiping his sweats on his nape using his white handkerchief. Break yata nila dahil kanya-kanyang umpok sa gilid ang lahat para magpahinga at mag-usap.

I never left my eyes off him until their practice ended. Mabilis na nawala ang mga tao hanggang sa kakaunti na lang ang natira. Tumayo na ako nang makitang isinukbit na niya ang itim na knapsack sa braso niya. Sa aisle ko na lang siya haharapin.

I was about to wave my hand so he'd notice me until Kelly approached him. France looked at her when she started saying something. He nodded his head at her. Hindi ko alam kung ano ang maaaring dahilan ng paguusap nila pero mukhang importante. Halata sa seryosong mukha ng dalawa.

Sa mga nakalipas na taon ay ngayon ko lang sila nakitang mag-usap. Ano naman kaya ang paguusapan?

France jerked his head and that's when he saw me. I forced a smile and he gave me nothing but a smile, a genuine one.

Napansin ko ang pagiging masaya niya habang kausap si Kelly simula nang makita ako. Mukhang mas naging interesado na siyang makipagusap kay Kelly. Tumalikod na 'ko sa kanila at nagpasyang hintayin na lamang sila sa labas ng auditoryum.

"Love."

I halted, sighed and turned to them. I smiled at Kelly and sneered at him. He chuckled and went to me, leaving Kelly behind.

"Saan ka pupunta?"

"Sa labas."

"'Di mo 'ko aantayin?"

"Nag-uusap pa kayo."

"Tapos na." he said and then turned to Kelly.

Mukhang marami pa yatang gustong sabihin ang ex niya pero dahil sinabi na ni France na tapos na ang usapan nila ay napipilitan itong tumango.

This woman is so obvious. She still likes him.

"I'm leaving France. Just update me kung saang review center ka." sabi na lamang niya gamit ang malumanay na boses. Hinintay nito ang tango ni France 'tsaka ito bumaling sa'kin.

Nang makaalis si Kelly ay tumingin ako sa katabi na ngayon ay nakapamulsa at nakamasid sa'kin.

"You are fond of Malavegas, I noticed." nonchalantly he said.

"Too sad. They're fond of you." I leered and he only groaned. I laughed with that and dragged him out the university.

Tumawid kami at tumuloy sa parke. Nagsimula na kaming maglatag ng berdeng tela sa bermuda grass. Ang mayabong na puno ng acacia ay napapalibutan ng string lights kaya kahit madilim na ang paligid ay may liwanag pa rin sa amin.

Nang makaupo siya ay mabilis akong gumapang palapit sa kanya. I stopped from crawling when our faces were just an inch apart. I pouted my lips and blink my eyes.

"Kiss ko?"

Umarko ang kilay niya.

"Bakit humihingi ka ng kiss?"

"Kasi... I'm worn out."

"Hmm."

Sa halip na ang labi niya ang lumapat sa bibig ko ay ang palad niya ang nahalikan ko. Sinimangutan ko siya at pinalis ang kamay niyang nasa bibig ko at lumuhod.

Humalakhak siya at mabilis akong sinikop at ikinulong sa gitna ng kanyang mga hita.

"Mamaya na ang kiss. May gagawin pa tayo."

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi pero kaagad ding nakuha ang ibig niyang sabihin nang tumambad sa harapan ko ang classcards niya. Kagaya ng nakagawian ay pinapakita namin sa isa't isa ang class cards namin.

I reached for my shoulder bag and rummaged my classcards through it. Nang mahanap ang lahat ay humarap ako sa kanya at inilahad ang akin at kinuha ko naman ang sa kanya.

Nagkatinginan pa kami 'tsaka nagsimulang tingnan ang cards niya. Mabilis akong natapos dahil halos parehong numero rin lang naman ang may bilog sa lahat ng subject niya. Hindi na nakakapagtaka.

Pinaglaruan ko sa kamay ang cards niya na parang mga baraha habang hinihintay siyang matapos sa pagsisiyasat sa grado ko. I was busy shuffling his cards when he poked me.

Lumingon ako sa kanya at una kong nahuli ang kunot-noo niya. He showed me one of my class card kaya roon napunta ang atensyon ko.

Hindi gaanong kataas ang mga grado kagaya ng sa kanya pero mataas na iyon para sa'kin. Karamihan ay nasa gitna, may ilang mataas at may isang mababa. At iyong hawak niya ngayon ang mababa.

"Bakit ganito Love?" tanong niya, tunog Tatay. Masama ang tingin niya sa class card ko na parang iyon ang kalaban.

Then, he turned to me. "Are you having a hard time with numbers?" curiously he asked.

"Hindi." I said and snatched my card from him.

"Bad shot lang talaga ako kay Mrs. Caparas." sabi ko habang tinatago ang class card sa bag ko.

"Bakit?"

"I was judged. Noong first year ako, prof ko na siya sa isang sub ko. Nahuli akong nangongopya kay Hope at hanggang ngayon siguro ay 'di pa rin niya nakakalimutan. Kaya kahit ano'ng pagsisikap ang gawin ko ay 'di pa rin niya pansin na ako talaga ang gumagawa ng sarili kong grado." I said and smiled bitterly.

It was unjust, I know. We all committed mistakes and the moment you commit a mistake, it is just so hard to prove to everyone that you can correct your mistake by not doing it again, that you can change, that you already changed. First impression indeed lasts. Kung saan ka talaga nila unang nakilala ay parang ganoon ka na talaga sa paningin nila buong buhay mo.

"Well, grade is just a number."

Tumawa ako. Hindi ko akalain na sa kanya pa manggagaling 'yon na ang tanging ginawa niya lang buong buhay niya ay pataasin ang marka niya.

"She's just being subjective and that what made her evaluation to you invalid."

I puckered my lips and played the zipper of my bag. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matingnan. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng hiya.

Ah, Lav. You couldn't even figure out your own feelings! Maging ang sarili ko ay nagiging banyaga na rin sa sariling pakiramdamam.

"As long as you know your capability." bulong niya at hinuli ang kamay kong pinaglalaruan ang zipper.

He exhaled deeply when he saw inks on my skin again.

"Butterfly." mahina niyang sabi at nilingon ako. "Again."

Well, sa sobrang boredom ko sa office dahil hindi ko siya kasama ay wala akong nagawa kung hindi ang gumuhit ng paru-paro sa kamay.

"Ganda ba?" I teased as he kept on tracing the butterfly on my wrist.

"This is dirty Love." sabi niya pero patuloy pa rin siya sa paghaplos sa bandang iyon ng palapulsuhan ko na animo'y manghang-mangha sa ginuhit ko.

I snatched my hand from him but he quickly seized it. I tried once again but he quickly intertwined our fingers. I scoffed and leered. He only looked away, scared to meet my scorned face.

"Art 'yan. Grabe. Ang harsh mo talaga." kunwari ay nagtatampo.

"Well, you can draw it on a canvass, why on your body."

"I want permanent." mabilis kong sagot at itinaas ang kamay ko at ipinalibot iyon upang matamaan ng liwanag ang paru-paro.

"Sa canvass naman ay permanente."

"Baka mawala. At least, kung nasa akin ay hindi mawawala."

This is the calmest night I ever had. Kung marami lang sana kaming oras ay gusto kong gabi-gabihin na namin itong pagtambay sa Central. Natatakot ako na kapag dumating na ang araw na nasa med school na siya ay hindi na namin 'to magagawa.

I stood straight when I heard his full name was called. I clapped my hands so hard. Gusto ko sanang hiramin ang camera ni Yuna dahil gusto kong kuhaan siya ng magagandang larawan kaso hindi sumagot si Yuna. Marahil ay abala sa modeling career niya.

Kinuha ko ang android phone at doon na lang umasa. Malayo ang kinaroroonan ko sa entablado kaya lumalalabo iyong kuha ko sa tuwing inilalapit ko.

Bumuntong-hininga ako. Aasa na lang ako sa selfie at sabihan ko si Nanay na kuhaan kami mamaya sa bahay. Hindi na nakasama ang mga magulang ko rito dahil abala sila sa paghahanda. May kaunting salu-salo sa bahay mamaya para kay France.

Nang matapos ang seremonya ay pakiramdam ko mas dumoble ang dami ng tao. Ganunpaman ay nakipaggitgitan pa rin ako para makapunta sa kinaroroonan ni France.

Pilit ko siyang hinanap. I turned around and my eyes landed on the card with "Love Guillen" written on it. Itinataas at winawagayway ang card kaya kaagad kong nakita. My smile grew wider when France was the one holding it.

"Congrats!" I squealed and jumped to hug him. Mabilis kong naramdaman ang kamay niyang ibinababa ang tumaas na damit ko.

He called my name when I started planting small kisses all over his face. Tumigil ako sa ginagawa nang ibaba niya ako at ikinulong ang aking magkabilang pisngi sa kanyang mga kamay.

"Thank you." sinsero niyang wika at pinatakan ng halik ang noo ko.

"I love you." he whispered, caressing my cheek.

I smiled and says, "I love you." I closed my eyes when he crouched to kiss me.

Wala na, Lavienna Guillen. Lubog na lubog ka na. This will be probably your end.

Is it still necessary to ask for label when you usually exchange i love yous?

Bahala na.

Pagkatapos ay tumuloy na kami sa bahay. I was holding his diploma while he was carrying his gifts. Ang dami niyang regalo. Mapapropesor at kaklase man ay mayroon.

Pagkarating namin sa bahay ay okay na ang lahat. Nasa hapag na ang mga pagkain at ang mga magulang ko ay inaayos iyong maliit na tarp sa dingding. Nahihiya akong lumingon kay France. Sinabi nang huwag nang ituloy iyon dahil parang ang... corny?

"Sorry. Ito lang ang nakayanan namin."

"Silly. This is too much." he said and hugged me behind. Nasa bukana kami ng bahay, 'di pa tumutuloy. Tinitingnan namin si Nanay at Tatay na inaayos ang tarp.

"Too much? Ulo nga lang ng baboy 'yong lechon mo." ngumuso ako upang ituro ang lechon gamit ang labi. Kung girlfriend niya pa ngayon si Kelly ay baka nagpakain na ito sa buong University.

"Sobra na 'to sa'kin. Kung wala ka ngayon ay baka mag-isa akong umuwi sa apartment at kumakain ng cup noodles."

"Kaya salamat. Kapag naging doktor na 'ko ay tutulungan ko kayo."

Nilingon ko siya. Umarko ang kilay ko at ngumisi.

"Talaga? Baka naman kalimutan mo na kami kapag naging doktor ka na."

"Not gonna happen."

We celebrated his day together with my parents. Kahit apat lang kami ay ang ingay pa rin namin. I was smiling from ear to ear when he started to unbox my gift. It was a designer watch. Kung may isang aksesorya na hindi siya puwede mawalan ay relo iyon. Kaya humanap ako sa Retro dahil alam kong doon ako makakahanap ng orig pero mura. Rolex ang nabili ko. It was already used pero mukhang bago pa naman kaya kinuha ko na. Mas maganda iyon kaysa sa imitation.

"Sorry at secondhand lang ang kaya ko. Don't worry, kapag naging successful entrepreneur na 'ko bibilhan kita ng rolex, 'yong brand new at limited edition pa." I bragged and he just smiled.

Ngumiti ako nang sinuri niyang mabuti ang bawat parte ng relos. Akala ko ay hindi pa niya iyon mapapansin ngayon.

"You had it engraved?" tanong niyang nang mapansing may nakasulat sa likod ng relos.

"Love of France." he said and looked at me.

"Bakit Love of France?" tanong niya at hinuli ang kamay ko.

"Hindi ko rin alam eh. Basta iyan ang una kong naisip nang ipa-engrave ko 'yan."

Tumango siya at may kung ano pang sasabihin nang may tumaopo. Nasa kyosko kami sa labas ng bahay para magpahangin. Binitawan ko ang kamay ni France upang lumabas sa kyosko at harapin ang bisita.

Kumunot ang noo ko nang makilala ko kung sino ito. Mabilis akong lumapit upang pagbuksan ito ng tarangkahan.

"Magandang gabi po, Sir."

Si Sir Quen, iyong baklang organizer ng screening noong huli kong tapak sa Lustrous.

"Magandang gabi hija." sabi niya at sinipat ang katawan ko.

"Totoo nga ang sabi. Ngayon ko lang napansin na maganda ang katawan mo." sabi niya at 'di pa rin inaalis ang tingin sa aking katawan.

I was wearing a black cami top and plaid A-line skirt. It hugged my body, emphasizing my narrow waist and round bosoms. Mabilis kong naramdaman ang kamay ni France sa likod ko kaya lumingon ako sa kanya. Pinakilala ko sila sa isa't isa at mukhang na awestruck na naman ang kaharap sa pagiging maginoo ni France.

Ang pagkakakilala ko sa kanya ay istrikto siya pero ngayon ay halos hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya nandito, alas otso ng gabi. At kung paano niya nalaman ang bahay ko.

"Anyways, I am here to make an offer hija." he said and gave me a calling card.

"By any chance, are you interested in modeling?"

Love of France (Friend Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon