I tried to convince myself that this happens to everyone.
Does this happen to everyone?
I was just a nobody student but my life turned to 360 degrees after that night. I became this popular somebody whom people's subject everyday.
Mag-isa akong naglalakad sa pathway ng unibersidad, pilit iniiwasan ang mga matang nakatingin sa akin at iniignora ang mga taong sinusubukan akong kausapin.
I startled when someone behind slapped my butt cheeks. Tumalikod ako at nakita ang nakangising mukha ni Ken, hawak ang strap ng kanyang bag sa balikat. Sa likod niya ay ang mga kaibigan na katulad niya ay may naka-plaster rin na ngisi sa labi.
"Magkano ba oras mo, Lav? May booking ba ngayon?" he asked and everyone who heard it laughed.
Before I could response, someone smacked his face. It was just a spur of the moment. My eyes widen when I saw Miko on top of him, continuously punching Ken.
Lalapit na sana ako para pigilan siya dahil wala ni isa sa dami naming nakapalibot sa kanila ang nagtangkang lumapit upang pigilan sila.
Bob and Glenn held my arms.
"Ilayo niyo na." si Dan at ibinagsak ang bag sa sahig. Lumapit siya kay Miko at sa halip na awatin ay tinulungan niya pang bugbugin si Ken kaya lahat ng kaibigan ni Ken ay sumama na rin.
"Tang ina." Kar cursed and readied his knuckles.
Hanggang doon lang ang nakita ko dahil nailayo na 'ko ni Bob at Glenn sa kumpulan. Nang nasa College of Business Building na kami ay bumalik si Bob para tulungan sina Miko at Kar.
I bit my lower lip and looked at Glenn.
"Glenn˗"
Bago ko pa man natapos ang sasabihin ay nakita ko ang humahangos na si Hope pababa sa stairwell. She was holding her phone on her right hand. Nasa likuran niya si Pau, Kyze, Devi at Peachy. Hindi nakatakas sa'kin ang mahigpit niyang kapit sa aparato. Bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha. Her face was in pure red.
Everyone is calling her but it didn't stop her from nearing me and giving me a hard slap. I flinched with the impact of her slap on me.
"I chose to keep my mouth shut when you dumped Miko kasi," she sobbed.
"You love other man. I understood that but this," she showed me her phone. An article about me being the mistress of Marcus Alejandre was written all over the headline.
"How could you do this to France?" she took a deep breath and shut her eyes tight. Umiling siya at pinunasan ang mga luha.
Her lips trembled as she looked at me, pained. I looked away and chewed my lower lip. This is excruciatingly painful.
"You're suck at handling relationships." she said and turned her back to me. Peachy and Pau followed her.
Humawak ako sa railing para kumuha ng suporta. Her words bore into me. Tumingin ako sa mga natira kong kaibigan.
I gave them an empty smile and they all looked at me with pity as an exchange. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata nilang naaawa sa'kin kaya sa sahig ko piniling makipagsukutan ng titigan. Hindi nagtagal ay umalis na rin silang lahat upang sundan si Hope.
Nang makaalis sila ay siyang pagtakbo ko at pagpasok sa isang bakanteng silid sa pag-aakalang matatakbuhan ko rin ang problema ko.
I leaned against the closed door. I was slowly crouching down until I sat on the cold tiled floor. I folded my legs and bring them into my chest. I stifled my sobs. That moment my friends turned their backs on me, I realized how wrecked my life is.
Siguro ay tama nga si Hope. I'm bad at handling relationships. Kaya siguro walang tumatagal sa'kin na boyfriend noon. Sa kaibigan naman ay sila na ang pinakamatagal at ngayon ay wala na rin.
I tightened my hug to myself. Humagulgol ako ng iyak nang mapagtanto na matagal na palang wala sa'kin si Miko at Hope. Kasalanan ko.
Si France na lang ang nagtatagal sa akin na kaibigan at ngayon ay alam kong mawawala na rin.
Tumigil ako sa pag-hikbi nang marinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto.
"Lav." si Kyze.
"B-bakit?" I croaked.
A long silence muffled us. The silence was broken when Devi speaks.
"You can lean on us." she softly whispered.
"Huwag ka nang magtampo kay Hope. Nasaktan lang 'yon dahil mahal na mahal ka niya. 'Tamo hinati kaming apat."
"Nagbato-bato-pik pa kami. Kami ang sa'yo habang si Peachy at Pau ang sa kanya."
Malungkot akong ngumiti habang pinapakinggan ang mga kuwento nila. Malamang ay nililibang ako. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagkulong. Lumabas lang ako nang marinig ang boses ng Disciplinarian sa labas.
Devi and Kyze looked at me. They're both concerned. Ngumiti ako ng pilit sa kanila. Mukhang gusto pang sumama kaya inunahan ko na't tinulak ko na paalis. May exam kami ngayon at ayaw kong pati sila ay magkaproblema dahil sa'kin. Sapat na na pumunta sila sa'kin para samahan ako. Kahit panandalian lang.
Tahimik kong sinundan ang Disciplinarian, 'di alintana ang mga matang nakatingin sa amin.
Bumungad sa akin ang pamilyar na silid ng Disciplinarian Office. Ilang taon din akong hindi nakapasok rito kaya ngayon na nandito akong muli ay parang binabalik ang dating ako.
Old habits really die hard huh?
Sunod na pumasok sa loob ang mga kaibigan kong lalaki sunod ay ang grupo ni Ken. Lahat sila ay may pasa. Pero ang tingin ko ay napako kay Miko.
He was flinching when he caught my eyes. Kaagad na nag-iba ang ekspresyon niya nang mag-tagpo ang tingin naming dalawa. Tiim bagang siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Habang nagsasalita ang Disciplinarian ay nasa mga kaibigan ko lang ang tingin. Gusto kong humingi ng paumanhin sa kanila dahil ako ang puno't dulo ng gulong 'to. Nadamay pa sila.
Tumayo ako nang papaalisin na sila ng Disciplinarian.
"Except you, Miss Guillen."
Lumingon ako sa Disciplinarian at tumango. Muli akong umupo nang ako na lang ang maiwan.
"You were summoned by the President." panimula niyang muli nang kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng kanyang opisina.
She shook her head and signed something on the paper. My eyes landed on the paper. Nagtagal ang tingin ko sa papel.
Expulsion.
My heart pounded rapidly. Tears welled from my eyes when I realized what is happening. I placed my hands over her table. Nanginginig ang katawan at nanlalamig ang mga kamay sa mga naiisip na mangyayari sa'kin.
"Hindi po ako mistress, Ma'am." mabilis kong tanggi kahit hindi pa man kami nagsisimula.
I didn't know that Marcus is secretly married to Victoria Malavega. Damn. Hindi ko nga alam na kasal na pala ang supermodel na hinahangaan ko.
The Disciplinarian looked at me pathetically. She clasped her hands together and smiled.
"St. Joseph honors the Christian Sacraments more than anything else, Lavienna. We never forget to instill in every Josephite's mind," she pressed the surface of her table thrice to give emphasis to what she'll say next.
"To value the sanctity of marriage. It is one of the most and foremost mission of the University. Hindi ba't alam mo naman 'yon?"
Pumikit ako at tumango.
"What you did brought disgrace upon your University." she said in dismay.
"I'm sorry but we have to force you out from St. Joseph for your misdeeds." Bumuntong-hininga ito at sinandal ang likod sa upuan.
I nodded my head but I just couldn't accept this.
Ilang linggo na lang ay makaka-graduate na 'ko. Ilang linggo na lang ay makukuha ko na ang diploma ko. 'Yong ilang taon kong pag-aaral ng mabuti... umupo ako sa hagdan at sinandal ang ulo sa railing.
Mas lalong sumakit ang ulo ko nang maisip ang tuition fees ko na ilang daang libo kung susumahin. At mas lalong bumigat pa ang pakiramdam nang maalala ang mga magulang na nagtatrabaho ng labis-labis para mapag-aral ako.
Lahat ng 'yon nabalewala. Lahat ng 'yon nawala sa isang iglap.
Ang sakit-sakit. Nasasaktan ako ng sobra-sobra para sa mga magulang ko. Ang tatay na nakaratay sa ospital at ang nanay kong magkakasakit na sa katatrabaho.
Tapos heto ako, inaasahan nilang makakapagtapos ngayong buwan ay... wala na.
Tumayo ako at kahit isang porsyento na lang ang natitirang pag-asa mayroon ako ay sinubukan ko pa rin. Sinubukan ko pa rin kahit alam kong wala nang magagawa ang pagluhod at pagmakaawa sa harap niya.
I just found myself in front of the stern head of USJ with bend knees on. Pagbibigyan kaya niya 'ko sa gayong kilala siya sa pagiging istriktong pinuno lalo pa't sa pagpapatupad ng batas?
Simula nang pumasok ako hanggang sa lumuhod ay hindi ko man lang nahuling kumurap ang kanyang mga mata.
Her expression never did change.
Kahit walang-wala na akong nararamdamang pag-asa ay gusto ko pa ring subukan, para sa mga magulang ko.
"Miss President, hindi po ako mistress ni Mr. Alejandre." I said once again when she didn't bother to react on my first sentence.
Ang Disciplinarian ay hindi ako pinakinggan, ito pa kaya?
Pero gusto ko pa ring subukan. Para sa mga magulang.
Mula sa kinaluluhuran ay tanaw ko ang brooch na nasa kanang bahagi ng kanyang uniporme. Kung titingnan siya ay napakabata pa niya para sa napakataas na tungkulin. But her actions and words made her an effective and efficient leader.
"Mistress or not, the damage has been made Miss Guillen."
"I'm sorry Miss President. I will be better." mabilis kong pinalis ang luha nang maramdamang nagsisimula na naman ang mga ito.
Tiningnan ko ang ginang sa harap.
"Ma'am, graduating na po ako. Ilang linggo na lang Ma'am, magmamartsa na po ako. Hindi ko," I gasped for air before I continued.
"Hindi ko po gusto ang nangyari. Hindi ko po alam na may asawa po siya. Totoong hindi ko po talaga alam Ma'am. Sumama lang ako sa˗"
Tumigil ako sa pagsasalita nang itaas niya ang kanang kamay. Mabilis akong tumahimik.
"Save that for someone who needs to hear your excuses. Wala akong pakealam kung bakit mo iyon ginawa. I don't want to hear it."
"My concern is how I will fix the outcomes of your misdeeds."
"I'm sorry po." tumungo ako upang iwasan ang matalim niyang tingin sa'kin.
"No amount of sorries can repair your damaged reputation kasama na rin ang kahihiyang dinulot mo sa unibersidad. I have to throw you out the University because that's the policy. Let's act and follow upon the rules."
I heard her sigh and threw something on her table that made a thud sound.
"Get up and leave. Kahit isang linggo ka pang lumuhod sa harapan ko ay hindi magbabago ang patakaran ng paaralan para sa'yo." she said it with finality.
And just like a robot, I stood up. Dahan-dahan akong humakbang, nakayuko lamang na naglalakad patungo sa pinto ng kanyang magarbong opisina.
I halted when she said something.
"If you think I'm being inhuman, well that's your opinion. All I want is a just system for the institution. Kung pagbibigyan kita ay paano ang higit isang daang estudyanteng pinaalis ko? Wouldn't it be unjust?"
Huminga ako ng malalim at tumango na lamang sa kanyang sinabi kahit hindi ko maintindihan. Kailanman ay hindi ko maiintindihan.
Gusto kong magalit at magmura. Gusto kong manisi. Gusto kong isigaw na hindi makatarungan ang lahat ng nangyayari sa'kin.
I don't fucking deserve this.
"See yourself out."
That's the last sentence I heard before the door has finally closed. Kasabay ng pag-sara ng pinto ay parang pinagsarhan na rin ako ng lahat.
Kahit maging paglabas at pag-alis ko sa unibersidad ay nahihirapan ako. Kasabay ng pagtalikod ko sa malaking eskuwelahan ay siyang pagtalikod din ng lahat sa'kin.
Gusto kong magalit sa lahat. Sa unibersidad, sa ospital, kay Tita Armina, kay Yuna, kay Marcus, kay Tory at sa lahat ng taong nagpapahirap sa akin.
Habang nasa biyahe pauwi ay 'di ko mapigilang mapaisip na tumalon na lang kaya ako palabas ng sasakyan? O 'di kaya ay magpasagasa? Wala nang magandang nangyayari sa'kin. Ano pa't mabuhay kung puro sakit at hirap na lang ang nararansan ko?
Tumawa ako at umiling sa mga naiisip.
I think of killing myself but I am not that stupid to do that. Hanggang isip lang ako pero hinding-hindi ko 'yon magagawa.
Kahit saan yata ako magpunta ay parang alam ng lahat ang nangyayari sa buhay ko. They all looked at me with pure dismay and disgust.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang nasa loob na 'ko ng bahay. Walang tao maliban sa'kin. Walang mga matang mapanghusga.
Tatlong ikot na ng maliit na kamay ng orasan simula nang makauwi ako ay hindi ko pa rin makuhang gumalaw sa kinauupuan. Binuksan kong muli ang cellphone pagkatapos ay papatayin. Ilang beses ko pa iyong ginawa saka ako tumingin sa dinding sa harap.
Posters of different supermodels were pasted on my wooden wall. Sa ilang taon ko silang tinititigan ay halos kabisado ko na ang bawat detalye ng larawan. Maliit man o malaki ay kabisadong-kabisado ko na.
I smiled achingly when I looked at my dream. I guess, I can't live my life fully only daydreaming of you. I want to make you happen, and real this time.
After the call I made, I quickly stood up. Hinila ko ang maleta sa ilalim ng aking kama at binuksan iyon. Determinado sa naiisip. Mabilis kong tinungo ang tokador at kinuha ang mga damit mula roon at basta na lang iyong inilagay sa loob ng maleta.
I was crying as I put my things in my baggage. Nasa kalagitnaan ako ng pag-i-impake ko nang marahas na bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
My lips quivered when I saw him, standing in the doorway. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at magsumbong. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari.
Pero bago ko pa man magawa ang lahat ng 'yon ay may pumigil na sa'kin. Tumungo ako at tumawa ng bahagya nang maalala ko na ikakagalit niya ang lahat ng gusto kong sabihin.
The way he opened the door of my room with such force, he was in a rush. He must have known now. Ang magpakita siya ngayon sa harapan ko ay senyales na alam na niya ang lahat.
Mabilis kong pinalis ang luha, ipinagpatuloy ang pag-i-impake at binalewala ang presenya niya. Hihintayin ko na lang ang mga sasabihin niya at tatanggapin ang lahat ng 'yon. Hihingi ako ng sorry at magpapaalam.
Iyon nga ang gawin mo, Lav.
I already rehearsed in mind what I would say to him in every question he would throw. But none of my expectations came.
Ilang minuto na siyang nakatayo roon at nanatiling tahimik. Umiling ako at inignora ang mabilis na tahip ng dibdib. Lumapit ako sa tokador para kunin ang iilan pang damit.
Pilit kong pinagkakasya ang mga inilagay na damit. I stared at my baggage for a minute. I drummed my fingers on it, waiting for him to speak but it didn't come.
Bahagya pa akong nagitla nang mahuli ang paa niyang humakbang papasok sa loob ng silid. Unti-unting umangat ang tingin ko at tiningnan ang likuran niyang nakaharap sa akin.
I bit my lower lip when I saw him get my clothes. Tahimik niya iyong kinuha sa hanger at marahang tinupi. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang sinusundan ang bawat galaw niya.
Ano'ng ginagawa niya?
Kung kanina ay mamamatay na 'ko sa kakahintay ng mga tanong niya, ngayon ay gustong-gusto ko na siyang tanungin kung bakit niya ako tinutulungang mag-impake.
He got the first aid kit before he went to my bed. Umiwas ako ng tingin upang suminghot. Hindi ako makagalaw habang siya ay patuloy lang sa pag-ayos ng mga damit ko na parang inaasahan na niya ito.
He continued folding my clothes. I let a sharp gasp when I realized that he'd really finish packing my clothes without saying a word.
Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatungo lamang siya at natatakpan ng mahabang buhok ang kanyang mukha. Naitago man niya sa'kin ang mukha niya pero hindi nakatakas sa'kin ang pagtulo ng luha niya sa damit ko.
His grip on my shirt tightened. Suminghap ako nang makita ang sunod-sunod pa na pagtulo ng luha niya sa mga damit ko. His shoulders were shaking a bit.
He was really crying.
I looked up and rolled my eyes. Akala ko kapag ginawa ko 'yon ay mapipigilan ko ang pag-agos ng luha ko pero hindi. Mas lalo pang bumuhos ang luhang kanina pa ayaw paawat.
I cried as he continued putting my essentials in my backpack.
Does he know everything right? Kung oo, bakit wala siyang sinasabi na kahit ano?
Bumalik ang tingin ko sa maleta nang kunin niya lahat ng damit ko roon at tinuping muli. Marahan at mabagal ang bawat galaw niya. Minsan ay tatlong ulit pa niyang tinutupi ang isang damit kahit sa unang beses na tupi niya ay maayos na 'yon. And I don't give a damn. He has the time of his life to pack my clothes. Kahit abutin pa kami ng siyam-siyam sa pag-i-impake ay ayos lang sa'kin.
Damn. I would be glad to ruin my folded clothes and fold it again. Kahit ganito lang. Kahit wala nang magsalita sa amin. Basta nakikita ko siya. Ayos lang sa'kin.
Kaya sa halip na tulungan siya ay pinili kong pagmasdan na lamang ang bawat galaw niya. I smiled when I noticed his nails. Ngayon ko lang nakitang humaba ang kuko niya nang ilang milimetro. I used to see his nails well-trimmed. Ngayon ay parang kahit pag-trim ng sariling kuko niya ay wala na rin siyang panahon.
My eyes went to his tangled ID lace then to the misfolded collar of his uniform. Hindi rin plantsado ang suot niyang uniporme. It's so unlike him. He was disheveled himself.
God, what am I doing to this man?
Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. I looked away when he wiped his tears and resumed folding my clothes like it was normal for him to cry. He was crying in silent and continued what he's doing like crying wasn't a big deal to him.
Tanging ang paghinga at pagsinghap lang naming dalawa ang naririnig sa tahimik kong silid. Hanggang sa bigla na lamang umingay ang cellphone ko. Parehong napunta ang tingin namin doon.
Gusto ko pa ng maraming oras kasama siya. Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin. Sa dami ng gusto kong gawin, ni isa sa mga 'yon ay wala akong magawa.
A honk of a horn disturbed the silence between us once again. Masama ang tingin niya sa bintana ng kuwarto ko na parang doon nanggagaling ang busina ng kotse.
I forced myself to stand up from bed and changed my clothes in the bathroom. Nang makalabas ako ay ayos na ang maleta ko.
Sana siya ay maayos din.
He was sitting on the sofa, his forearms were rested on his thighs. Nakatungo siya nang madatnan ko kaya nang makita niya ang sapatos ko ay tumayo na siya at walang sabi-sabing hinila ang maleta ko palabas ng bahay.
Humagulgol ako nang makalabas siya ng bahay. Lumuhod ako at ipinatong ang mga kamay sa hita at umiyak ng walang pagpipigil.
Tangina. Bakit ang sakit-sakit?
Marcus was already there. Sinubukan niyang kunin kay France ang maleta ko pero hindi iyon binigay ni France. He put my baggage in the trunk.
Direkta ko siyang tiningnan sa mata. I couldn't utter what I wanted to tell him. But I know he could understand what I wanted to tell him through my eyes.
Please.
I almost mumbled. I croaked instead. Just a word and maybe, I'll stay.
His lips were in a thin line, suppressing himself to say something. Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang pagsusumamo sa mga mata niya.
Sinubukan kong hagilapin pero wala.
He wanted me to leave?
My question was answered when he turned his back on me.
Tuloy-tuloy. Walang preno. Walang pagdadalawang-isip.
Tumingin ako sa kalangitan at tumawa ng walang laman.
We were more than friends but less than a lover. Iyon ang hiningi ko sa kanya noong simula na mabilis niyang tinanggihan pero roon pa rin kami napunta.
We were so close yet we had never been in a relationship. He is not my boyfriend and yet, this is the most painful parting I've ever have with a man.
Nang tumalikod siya sa'kin ay siyang pagtalikod ko sa lahat. Everyone turned their backs on me first. Even it was so hard to do, I will try to not hold grudges to them.
Hindi ako ang pinakamabuting tao sa mundo. Hindi ko maipapangakong hindi ako magagalit sa mga taong nagpahirap sa'kin pero susubukan kong huwag dahil alam ko sa sarili ko na wala akong papupuntahan kung poot at paghihigante ang iisipin ko.
I will make a pledge to myself instead.
This is a pledge to myself.
I will only come back here if I fulfilled my dream.
I will write the next chapters of my life far from this.
I will make sure that people who did me wrong would wish that they should have treated me better in my past.
![](https://img.wattpad.com/cover/233800999-288-k869601.jpg)
BINABASA MO ANG
Love of France (Friend Series #3)
RomansaStatus: Completed Lav doesn't settle for less. Her dreams for herself are very ambitious. She is ambitious herself. One of her dreams is to be in France, a place where she truly belongs. But France becomes her less favorite when she encounters Franc...