Chapter 29

3.7K 116 5
                                    

I tried to suppress my smile through pursing my lips. But that didn't last. A smile slowly formed in my lips as my pace gets slower.

Seeing him here after a long while made me forget my worries. I feel lighter all of a sudden.

"Hi." bati ko sa kanya nang makalapit.

He looks neater with his new uniform. A white short-sleeved polo shirt and white slacks.

Simula noong pumasok siya sa SMA, nasanay na akong hindi kami nagkikita ng labis. Hindi kagaya noon na halos araw-araw ay magkadikit kami. Hindi rin siya pala-text na tao kaya mas madalang kung mag-text siya kaysa sa magpakita sa'kin.

Ayaw ko rin namang mag-text sa kanya dahil ayaw ko siyang istorbohin at alam kong busy siya. Kahit hindi niya sinasabi ay alam ko 'yon.

Kaya nagtataka ako na nandito siya ngayon sa harapan ko. Pero ang pagtatakang iyon ay isinantabi ko dahil nag-uumapaw sa saya ang puso ko at wala nang espasyo pa para pansinin pa iyon.

Umangat ang tingin ko at balak na sanang purihin siya nang unahan niya akong magsalita.

"Let's talk." the seriousness in his voice made me shiver. I could feel the urge and authority.

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi at ang sayang nararamdaman kani-kanina lang at napalitan ng kaba. Humigpit ang kapit sa strap ng bag habang naglalakad kami palabas ng ospital.

Tumigil kami sa garden sa bandang gilid ng hospital. Humarap ito sa'kin. Ang mga kamay ay nasa loob ng kanyang mga bulsa.

"Let's talk about the things you opted to omit the last time we talked." mariin ang bigkas sa bawat salita. Halatang nagpipigil na sumabog at singhalan ako.

Damn. This is what I've been avoiding.

I looked sideways and took a large amount of air. This is making me uneasy.

Tiningnan ko siya ng direkta sa mata nang makakuha ng kaunting tapang. Walang pinagbago ang ekspresyon niya sa kanina. He was still and composed. I used to receive different kinds of reactions whenever our eyes met. Pero ngayon ay wala na.

I took a deep breath.

"France," ngayon lang ako kinabahang banggitin ang pangalan niya. I touched the back of my teeth with my tongue. I could almost taste the metallic taste.

"Kung tungkol ito sa," I brushed my hair with my fingers and looked away. Humingang muli ng malalim 'tsaka nagpatuloy.

"Sa scholarship˗"

"Of course you knew." he let out a sigh to show how disappointed he was.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tiningnan siya.

"Gusto ko lang makatulong˗"

"Yeah and thank you so much." he said with complete sarcasm.

I bit my lower lip hard when I felt my nostrils contracted.

"I wanted to live my life fair. You asking favor to the de Silvases for my own end is like cheating Lavienna. I feel like I cheated and I feel cheated at the same time."

"Hindi naman masama ang humingi ng pabor minsan. Hindi ka naman iba kay Jo, France. If your concern is that you're troubling them by asking them a favor, well know what France?" I took a deep breath before I continue.

"They aren't. They just badly waiting for you to seek help to them. That's how your friends highly respect you˗"

"And you didn't." he said with dismay.

That pricked my heart.

He's the man I respect most next to my father. Ang maakusahan na hindi ko siya nirerespeto ay naghatid sa'kin ng kirot sa dibdib.

I respect him so much. It is just that I couldn't stand seeing him thrive so hard if there's something I could do to lessen the load he would carry for years in that med school.

Kung ang mga kaibigan niya makakaya nilang tiisin ang kaibigang maghirap kapalit ang respeto nila sa kanya. Ako ay hindi.

Hindi ko kaya.

I harshly wiped my tears and smiled sadly at him.

"And I'm sorry. Ayaw ko lang na makita kang mahirapan ng ilang taon kung mayroon namang madaling paraan."

"Yeah, of course. The easy way." he hissed and turned his back to me.

"I apologize if you feel that I disrespected you but I will never apologize for what I did. You deserved it."

Humarap siya sa'kin at malungkot na ngumiti sa'kin.

"I don't. If I deserve it, they would have come to me first or I would have applied for scholarship. But neither I did those."

"But you work so hard." nakatungo kong sabi.

"Not enough to be recognized by them." malumanay nitong usal at umupo sa bangko sa aming tabi.

The same area where we held our last talk. The cold breeze made me quiver. I caressed my arms as I slowly crouch to sit on the other end of the bench.

"Galit ka ba sa'kin?" I halfheartedly asked.

"Galit ako." he replied quickly.

Tumango ako at tumingin sa harap.

"Galit ako sa ginawa mo pero hindi sa'yo."

"I was mad and disappointed for what you did and for not telling me. I assumed and was confident that I really got the privilege because of my perseverance. It was fulfilling to think that I don't need someone to back me up." sabi niya at 'tsaka huminga ng malalim.

"Mas nasaktan ako sa 'di mo pag-sabi sa'kin nito kaysa sa pag-hingi mo ng pabor kay Jo."

"Omitting something... is considered as lying." he chuckled and shook his head.

"I realized that you're capable of lying to me which means you're also capable of hurting me. And now that you did, I was hurt."

I'm sorry. I wanted to say it again but I felt like I lost my voice. O alam ko na kahit ilang beses akong humingi ng sorry ay hindi maiibsan ang galit na nararamdaman niya.

"If you think it's my pride talking. Kung sa tingin mo ay masyado akong mababaw para magalit ng ganito. Then, you really don't understand where I was coming from."

He talks calmly. If it's not for his words, I will never notice that he is really mad.

"I just don't like the idea of you keeping things from me especially if that concerns me and you."

He stood up and held on the strap of his bag. Sumunod ang mga mata ko sa kanya.

"Aalis na 'ko." paalam niya at tinalikuran ako.

I stood up when he took a step forward.

"Babalik ka pa ba?" the urgency in my voice was so evident.

He nodded his head and says "Of course" without turning his head to me.

Was that unpretending?

Sana ay hindi. Dahil mas pipiliin ko pa ang sagot na hindi kaysa sa oo na wala ring laman.

I smiled bitterly when I realized that he must be getting even with me. I hurt him. I disrespected and cheated on him like what he said.

Hindi kaya pinapaasa lang niya ako sa sinabing babalik siya gayong wala naman talaga siyang balak magpakita pa sa'kin ulit?

We are not in relationship. He isn't responsible for coming back to me. Hindi siya obligadong sabihin sa'kin na tapos na ang kung ano mang mayroon kami. He could easily cut whatever we have now if he wants it without ado. Without farewells and words.

Ganoon ba, France?

I shook my head.

Pero hindi e. That's so childish. France will never think of doing that. I groaned and covered my face with my hands. This is not the time to think of your damn feelings, Lav.

Sa mga nakalipas na araw ay naging busy ako sa internship, trabaho at pagbabantay kay Tatay. Pilit kong pinagkakasya sa isip ang ma-a-advance kong suweldo ngayong buwan para mabayaran ang kahit kalahati man lang sa pinagkakautangan namin.

Isinara ko ang notebook at humikab. I checked the time on my phone. It's just 8 pm but I'm already sleepy.

Ngayon ay dito na muna ako sa ospital magpapalipas ng gabi. Ayaw naman ni Nanay na mag-isa ako sa bahay. Ayaw ko rin naman na makitulog kila Alric gabi-gabi. Masyadong abala sa kanila.

Kaya mas mabuting dito na lang ako sa ospital para samahan ang mga magulang ko. Hindi nga lang puwede ang dalawang bantay para sa isang pasyente sa loob kaya madalas ay dito ako natutulog sa labas.

Malamig at malamok kaya laging may baon akong katol at kumot. Halos mag-camping na nga ako rito gabi-gabi. Sana ay huwag akong sitahin at paalisin.

Sa garden ng hospital.

Sa bahagi ng ospital kung saan kami madalas mag-usap ni France tuwing bumibisita siya kay Tatay. Ngumiti ako ng malungkot dahil parehong saya at sakit ang naaalala ko sa lugar na 'to.

Ang bench kung saan kami madalas umupo ang ginagawa kong mesa habang nakaupo ako sa bermuda grass at balut na balot ng puting kumot.

Ang ilaw sa lamp post sa tabi ng bench ang nagsisilbi kong ilaw tuwing may ginagawa akong report para sa kumpanya o 'di kaya ay may sinasagutan ako para sa eskuwela.

Nang matapos sa gawain ay ipinatong ko ang ulo sa mga papel at libro na nagkalat sa upuan. Ttiningnan ko ang maliit na paru-paro sa gilid ng palapulsuhan ko.

Naalala ko ang tattoo niya. Kapareha ng mayroon ako ngayon. Dati ay hilig ko lang iguhit ang paru-paro dahil madali lang pormahin sa balat. Ngayon, tuwing nakakakita ako ng paru-paro rito sa hardin ay siya ang naaalala ko.

I closed my eyes and let my indolence enveloped me. I woke up when I could hear small noises around.

Mula sa kinauupuan ay tanaw ko ang entrance ng ospital kaya nang makitang may komosyon na nangyayari ay kumunot ang noo ko.

Alam kong hindi pa nagtatagal simula nang makatulog ako kaya alam kong hindi ako namamalikmata nang makita si Yuna sa bukana ng gusali.

Binibisita niya si Tatay?

Ang imposible naman no'n.

Kaya nang makita ang sumunod sa kanya ay napatayo ako. Si Tita Armina, hila-hila ang buhok ni Nanay. Tita Armina and Yuna showing up here and picking a fight with my mother are more convincible than visiting my father.

I let out a curse and ran quickly towards them. Mas lalong kumunot ang noo nang makalapit ako sa kanila at mapansin ang mga guwardiya na nanatili lamang nakatayo sa isang tabi. Imbes na awatin si Tita Armina ay nanatili lamang silang nakatayo.

Ano? Dahil mayaman ang nananakit kaya natuod na lamang sila? Natatakot sa kung ano ang kayang gawin ng pera sa kanila kapag pumagitna sila?

I gritted my teeth.

Mabilis akong lumapit sa dalawa at buong puwersang itinulak si Tita Armina. She's pulling my mother's hair for fuck sake.

Tangina. Kahit hindi ako ang sinabunutan ay ako ang nasasaktan.

"Magnanakaw!" sigaw ni Tita Armina nang makabawi sa pagkakatulak ko sa kanya.

"Wala akong ninakaw!" mabilis na tanggi ni Nanay.

"Ha! Ganyan naman talaga kayong mga pobre!" si Tita at pinagpag ang sarili na parang alikabok kaming kumakapit sa kanya.

I looked at my Aunt, pained. She glanced at us, her eyes were furious.

"Pagkatapos ko kayong tulungan!" she spat at me.

"Tita˗"

I gasped when she slapped me.

"Isa ka pa! Ang bait mo ring humarap sa'kin habang ang ina mo ay tinatakbo na ang mga alahas ko."

"Wala akong ninakaw." depensa ni Nanay. I nodded my head. Unang bigkas pa lang niya nang mga katagang 'yon ay alam kong nagsasabi siya ng totoo.

"Ano ito kung ganoon?" Tita Armina showed us the golden ring.

"Ibinigay 'yan ni Arman˗"

"Ha! This is the sole heirloom ring our family has. Paano mapupunta kay Arman gayong sa'kin ito binigay?"

"Probably she stole it." Yuna said.

I looked at her with bloodshot eyes and she only looked away. See? She couldn't even defend her own accusations!

I startled when Tita Armina started to touch my body, my uniform, searching for the pockets of my uniform.

"Tita˗"

"Nasaan na ang pera?" she asked, still searching for my pockets.

"I shouldn't have given it to you." sabi niya at nang matagpuan ang wallet ko sa bulsa ng pantalon na suot ay mabilis niya iyong hinugot.

Sinubukan kong abutin ang wallet ngunit inilayo niya iyon sa'kin. She pushed me. Napaatras ako dahilan nang pagtama ng katawan ko kay Nanay.

Napasalampak siya sa sahig kaya kaagad ko siyang tinulungang makatayo. Umubo ito. Maging ang Nanay ay nanghihina na rin.

Nilingon ko ang tiyahin na siyang-siya na makita kaming naghihirap.

"Tita, para po kay Tatay 'yan, sa kapatid niyo." I cried but she just laughed.

Tinapon niya ang wallet nang matagpuan ang tseke at walang pag-iisip na pinunit niya ito ng ilang beses hanggang sa nilipad na ng hangin.

Parang tinakasan ako ng hangin habang tinitingnan ang paglipad ng mga pira-pirasong papel. Galit kong tiningnan ang tiyahin.

She neared us. Mabilis kong itinago sa likuran si Nanay kaya ako ang pinagbuntunan ng galit niya.

She pulled my hair.

"This is a warning Lavienna. I'm being a merciful sister to your father so I won't file a case against your mother˗"

"Nga ba Tita? O baka naman wala kang ebidensya sa mga paratang mo kaya wala ka talagang balak sampahan ng kaso si Nanay dahil alam mo namang walang katotohanan ang mga sinasabi mo."

Isang malakas na sampal ang dulot ng mga salita ko. Ganunman ay wala akong naramdamang pagsisisi.

"Wala kang utang na loob!"

I clicked my tongue and turned my head to her. I smirked.

"Wala kaming utang na loob sa'yo."

She gripped my jaw tight.

"Huwag na huwag kayong magpapakita sa'kin kahit kailan!" marahas niyang pinakawalan ang panga ko.

She grunted and flipped her hair.

"Let's go, Yuna."

Mabilis akong dinaluhan si Nanay. Ang mga nanonood ay nagsialisan na rin nang umalis sina Tita Armina. Masama ang tingin ko sa mga guwardiya ngunit wala lamang ito sa kanila.

"Blue code." ang intercom.

We glanced at each other. Mabilis kaming pumasok ni Nanay sa loob ng ospital at napatunayan ang hinala nang makita ang mga doktor at nars na pinapaligiran ang kama ni Tatay.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ni Nanay sa isang Nurse pero walang natanggap na sagot.

"200 joules... charge." nabaling ang tingin ko sa Doktor na nagsalita.

My hold on my mother tightened as I watched my father, unresponsive. Ilang ulit pa ang ginawa ng Doktor hanggang sa maging stable na ang kalagayan ni Tatay.

Sabay kaming nakahinga ng maluwag ni Nanay. Nang maging stable na si Tatay ay mabilis na lumapit sa kanya si Nanay habang ako ay sa Doktor lumapit.

"Ano'ng nangyari Dok?"

"He's fine. He's fine." sabi niya habang inaayos ang defibrillator. His voice was dismissive, 'tila ayaw na akong kausapin pa.

Nang matapos ayusin ang makina ay bumaling siya sa'kin. Huminga ito ng malalim at kinamot ang kilay gamit ang isang daliri nang mapansing nakaharang ako sa daraanan niya.

"Just, an unexpected bleeding occurred and it led to shock that's why we performed resuscitation immediately. But it's alright now." he assured me without looking into my eyes.

"Masama po ba˗"

"It's no big deal hija." he said before he left. Sinundan ko ito ng tingin hanggang makalabas sa silid.

He's a doctor. He studied saving lives for a decade and more. I should trust his words pero habang tumatagal ay dumadalas ang ganoong pangyayari.

Normal pa ba ito?

"Okay lang po ba talaga si Tatay, Dok?" tanong ko pagkatapos nilang i-revive ulit si Tatay. Hindi ko alam kung ilang beses na itong nangyayari. Baka tuwing wala ako ay ganito rin ang eksena.

Umiling siya at inilagay sa leeg ang stethoscope matapos i-check ang vitals nito.

He sighed.

"I will be honest with you hija. Hindi maganda ang lagay ng Tatay mo."

My forehead creased and my heart started to pound rapidly when I realized that it was serious. Bakit ngayon lang niya sinasabi? Ilang beses ko siyang tinanong kung okay lang ba talaga ang mga ganoon.

"B-bakit po? Ano'ng puwedeng gawin para maging maayos si Tatay?"

"I'm sorry hija. Pero wala-

"Dok!"

A nurse called him. It was an emergency that's why he has to leave without giving me an explanation, again.

Bagsak akong umupo sa monoblock chair. Itinukod ko ang magkabilang siko sa gilid ng kama ni Tatay at mariing pumikit.

Bakit gano'n? Bakit ang tagal gumising ni Tatay?

"Kawawa nga e."

"Ang bali-balita ay medical accident. Kaya walang umaamin e."

"Sinong doktor ang aamin ng kasalanan niya?"

Lumingon ako sa nag-uusap sa katabing kama ni Tatay. Kaagad silang umiwas ng tingin nang magtama ang tingin ko sa kanila.

Were they referring to my father?

Kaagad kong pinalis ang luha at tumayo. Lumapit ako sa dalawa at humingi ng pabor kung puwedeng bantayan si Tatay habang wala ako.

Wala ngayon si Nanay dahil nagtatrabaho ito. May pasok sana ako ngayon pero minabuti ko na lang ang lumiban na muna dahil walang magba-bantay kay Tatay. Na hindi ko rin pinagsisihan dahil kung wala ako ngayon sa tabi niya, baka kung ano na ang nangyari.

I searched for Dr. Degallato's office. Ang dami kong napagtanungan bago nakarating sa tapat ng opisina niya. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay may humawak na sa akin na dalawang doktor.

"Kasalukuyang nasa operasyon si Dr. Degallato, Miss. Balik ka na lang mamaya."

"Hindi. Nakita ko siya." I insisted. The glass wall made it possible. Nang magtagpo ang mga mata namin ay kaagad siyang nagtago. Nasa loob siya ng opisina niya.

Mas lalo lang lumakas ang kutob ko na tama nga siguro ang narinig ko kanina. He's avoiding me! He's probably hiding something from me!

I started making a scene. Ang dami na ring nakakapansin sa ginagawa kong eskandalo. Pero wala akong pakealam.

"Dok!"

Nang makatakas sa dalawang doktor ay kaagad akong pumasok sa loob ng opisina ni Dr. Degallato.

"Miss Guillen." he calmly called me as if he didn't try to hide from me.

"Totoo ba?" I asked gritting my teeth. Ang dalawang doktor na pumipigil sa'kin ay nasa likuran ko na.

I could see they're communicating through their eyes. Tangina. Ganito na ba talaga tingin nila sa'kin? Bobo na hindi iyon mapapansin? They're being suspicious.

"Malpractice." I said and intently looked at him. "It happens, right?"

"Are you accusing me?" kaagad niyang balik sa'kin.

"Then, was my father's operation a success?" my voice was shaky.

"How sure are you that the operation went well?"

Dr. Degallato shook his head and laughed as if he finds my question ridiculous.

"I do hundred of abdominal surgery every year hija." sabi nito at umupo sa kanyang swivel chair. "There's no way I will make a mistake inside the operating room."

"Bakit hindi pa siya nagigising kung ganoon? Bakit madalas nalalagay sa alanganin ang buhay niya?"

"Abdominal surgery is a major operation." sabi ng isa.

"Normal ang mga ganoong komplikasyon pagkatapos ng malakihang operasyon hija." paliwanag pa ng isang doktor sa likuran ko.

Suminghap ako. Kahit gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi nila, bakit iba ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay nagsisinungaling sila at pilit na pinagtatakpan ang kamaliang ginawa?

"Ano po ang kailangan ni Tatay?" tanong kong muli, pilit isinasantabi ang iniisip. "Kailangan po ba niya ng operasyon ulit?"

"Nasaan ang Nanay mo hija?" tanong ng isang doktor sa likuran ko kaya lumingon ako sa kanila.

"Nagtatrabaho po." I truthfully answered.

"Wala kayong pera?" sunod na tanong ng isa pa.

My forehead creased. I don't see that questions relevant to our topic. Kaya nang mapansin ng isa ang kunot kong noo ay siniko siya ng isa pang doktor.

"He needs another operation as soon as possible." si Dr. Degallato.

"A premium operation is needed."

I nodded my head.

"Pagalingin niyo lang po ang Tatay ko."

"Of course." he quickly replied. "But you know the rules, right?"

Mabilis akong tumango.

Pera. Kailangan ko ng pera.

Love of France (Friend Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon