"May putpot sa ulo kakasalin sa Linggo. Inalis-inalis kakasalin sa Lunes!"
Umismid ako habang pinagmamasdan ang grupo ng mga elementary students sa harapan na masayang naglalaro ng kasal-kasalan. Ang batang babae na may putpot sa ulo ang siyang tinutulak-tulak ng iba sa crush nito para ikasal sa kanya.
Mga elementary pa lang, ang lalandi na. Noong kasing-edad nila ako, ang tanging alam ko lang ay mag-dilig ng halaman at mag-fine sa mga hindi tumutulong sa'kin dahil ako ang secretary ng klase namin. Masuwerte na kung makapaglaro ng slipper game at teks habang hinihintay ang bell.
Inabot ko ang bag at kumuha ulit do'n ng chichirya na tig isang piso. Mabilis ko iyong binuksan gamit ang ngipin. Maingay akong ngumunguya habang tinatanaw ang mga batang naglalaro sa parke.
Nandito ako ngayon sa central. Malapit lang sa unibersidad na pinapasukan ko kaya madalas ay dito ako tumatambay. Ayokong mamalagi sa loob ng unibersidad kung wala rin lang namang klase.
I'm an outcast. Hindi ko masabayan ang mga kaklase kong mayayaman. Maging sa mga kaibigan ko ay hindi rin ako masyadong komportable.
Kung may pagpipilian nga lang ako ay ayokong magkaroon ng mayayamang mga kaibigan dahil kaagad kong napupuna ang mga kakulangan ko. At alam kong hindi maganda 'yon pero hindi ko rin mapigilan talaga.
"Uy si Lav. Cutting!" sigaw ni Wil, schoolmate ko na dumadaan malapit sa bench na inuupuan ko.
Ngumisi ako nang makita ang wala sa ayos nitong uniporme. Naka-unbutton ang white long sleeves niyang uniporme tapos itim pa ang undershirt. Pasalamat siya't nandito siya sa labas.
"Gago. Walang class." sabi ko at pinakyuhan siya.
Humalakhak ito at lumapit sa kinaroroonan ko. "May tournament ulit bukas. Ano? Sama ka na."
Umikot ang mga mata ko. "May long quiz kami."
"Edi mag-cut ka."
Tiningnan ko siya ng masama. Bad influence talaga nito.
"Ayoko nga."
"Malaki ang premyo."
Kaagad na nagbagting ang tenga ko nang marinig na may pera. "Magkano?"
Humalakhak siya. "Sabi na eh."
May kinuha siyang nakatuping papel sa bulsa ng kanyang pantalon at iniabot sa'kin. Kinuha ko ito at mabilis na binuksan.
ML Tournament.
"Saan ang venue?" Wala kasing nakalagay sa papel.
"Sa likod. Sa may abandonadong gusali." sabi nito at tumawa ulit na parang tanga.
Nilamukos ko ang papel at itinapon sa kanya. "Tss."
"Ano? G ka? Kulang na lang kami ng dalawang member. Isa na lang hahanapin ko kung sasali ka."
"Ako na bahala sa isa."
"Siguraduhin mo na magaling 'yan ah!" paalala niya bago umalis.
Nang wala na sa harapan ang mga batang naglalaro ay nagpasya na rin akong umuwi. Mabilis akong nakahanap ng masasakyang tricycle dahil oras na rin ng uwian. Nasa tarangkahan pa lang ako ng bahay ay kita ko na agad si Nanay na palihim na pumipitas ng dahon ng malunggay sa kabilang bakuran.
"Nay!"
She gave me a gesture to keep silent. I rolled my eyes and continued walking 'til I reached our balcony. Umupo ako sa bangko at hinubad ang sapatos na suot.
"Nandito si Yuna." sabi ni Nanay nang umakyat na rin sa bahay. Tiningnan ko ang isang palumpon ng malunggay sa kanang kamay niya.
"Bisitahin mo at aalis din sa makawala."
BINABASA MO ANG
Love of France (Friend Series #3)
RomanceStatus: Completed Lav doesn't settle for less. Her dreams for herself are very ambitious. She is ambitious herself. One of her dreams is to be in France, a place where she truly belongs. But France becomes her less favorite when she encounters Franc...