"I'll do your portfolio." said Taly.
After one and a half hours flight from Manila to Puerto Princesa Airport, we directly headed to the seaport. Nasa boarding area kami at hinihintay na mag-board ang barko na sasakyan namin papunta sa isang isla.
Sila France ang umasikaso sa tickets namin habang kaming mga babae ay matiyagang nag-aantay lang na maging maayos ang pag-alis namin.
First time kung makakaalis ng Manila. Honestly, this is my first time vacation. Kaya medyo kabado at excited ako. Hindi kagaya ng mga kasama ko na chill lang dahil normal na lang ang ganitong trip sa kanila.
"Hindi ko pa tinatanggap Taly." sabi ko sa katabi, yakap-yakap ang bag.
I thought boys are silent but I guess it is not applicable to France. Nang parehas naming malaman na binibigyan ako ng offer ni Mr. Quen na mag-model ay halos i-broadcast na niya sa mga kaibigan niya na magmomodel ako.
He really doesn't know when to use his mouth. Kung kailan ko gustong maging madaldal ay roon tahimik at kung saan ko siya gustong manahimik ay roon dumadaldal.
"Why not?" maarte niyang tanong habang ang mga mata ay nasa screen ng kanyang cellphone.
Bakit nga ba hindi, Lav? Matagal mo nang pangarap ito tapos ngayong nandito na ay nag-aalangan ka?
Ang arte mo rin eh.
"Hey." umupo si Hope sa kabilang tabi ko. Iniwan na niya si Rain, Eve at Step na abala sa pagkuha ng larawan.
"Kung hindi pa kay France ay hindi ko malalaman na binibigyan ka ng offer ng Lustrous." she said and clung her arms on mine.
I forced a smile, feeling awkward.
"Good thing that we're on a countryside. Let's make it as the theme of your portfolio." suhestiyon ni Taly.
Nakatinginan kami ni Hope. I know what she's thinking now. Alam kong gusto niyang itanong kung bakit alam ni Taly at siya ay hindi. But she was quick to conceal it and smiled.
"Gagawa ka nang portfolio mo? Tutulong ako." she volunteered instead.
We board the ship fifteen minutes late to its supposed time. Mukhang natagalan sa pagpasok ng cargoes.
"Wow. Ganito pala rito." sabi ni Jo habang pinapasadahan ng palad ang kanyang bunk bed. Ngumiti ako sa pagiging inosente niya sa mga ganitong bagay.
"Oy RK. Baka magkagalis ka diyan ha." si Alric na abala sa pag-spray ng alcohol sa bunk bed ni Taly.
"'Lol. Si Taly ang bantayan mo. Baka magka-allergy."
Taly looked at her, disgusted.
"Excuse me, Harvey?" maarte niyang sabi at tinanggal ang shades na suot-suot.
Gumilid si Jo para bigyan kuno ng daan si Taly.
"Dadaan ka?" he smirked.
She groaned and rolled her eyes.
"An imbecile like you will never grasp my notions. Gosh. You're infuriating the hell out of me. I just wanna asphyxiate you before I dispose you to void." mabilis na sabi ni Taly.
Jo creased his forehead.
"Hoy. Hindi ko naintindihan ang sinabi mo ha." duro niya rito. "Pero alam kong negatibo 'yon kaya fuck you na lang."
Natawa ako sa sinabi ni Harvey at nadagdagan pa nang makatanggap siya ng kurot kay Hope.
France put a towel over my bunk bed. Umupo ako roon habang siya ay abala sa paglabas ng pagkain. Ang sabi niya ay mas mainam na kumain na kami habang hindi pa umaalis dahil baka maliyo raw ako mamaya sa biyahe at mas lalong 'di makakain. Hindi ko pa naman alam kung malulula ako dahil first time kong sumakay ng barko. Fourteen hours pa naman ang biyahe kaya.
Nang maramdaman kong umandar na ang barko ay nagpasya kaming pumunta sa deck ng barko. Kaagad na dumiretso sa may railing sa gitna si Jo at Hope, ginagaya ang remarkable scene ni Jack at Rose sa Titanic habang si Alric ay tinatali ang buhok ng jowa niya. Si Rain naman ay abala sa pagkuha ng larawan kay Raven.
"This is so stupid, Rain." Raven complained.
"Hindi 'yan! Tingin ka lang sa tanawin. Kunyari stolen par! Dali na!" pagpupumilit ni Rain habang hawak-hawak ang camera sa isang kamay at ang isa naman ay tinutulak si Raven sa gustong puwesto kung saan niya ito kukuhaan ng larawan.
"It's about time to change your DP. Ilang taon na 'yon par. Inaamag pa sa ano ko."
Raven groaned but still, he obliged. Napailing na lamang ako sa mga kalokohan nila.
I knew he is behind me. My heart says so. He is the only man who makes my chest flip by his mere presence.
"This makes me seasick." sabi ko, tinutukoy ang mga kaibigan niya na malaya naming tinatanaw.
"Bakit?"
I shrugged. "Ewan. Nalulungkot na agad ako kapag matapos na 'tong bakasyon na 'to. Parang magiging abala na tayong lahat pagkatapos. Ikaw sa NMAT, ako sa internship. Mamimiss ko 'to." I sighed and smelled the salty scent of seawater.
"Hindi pa nga nagsisimula, katapusan na agad ang iniisip mo."
Sumandal ako sa kanya at ako na ang dumala ng mga braso niya sa akin. Hinayaan kong tangayin ng malakas na hangin ang mahabang buhok. The sun is already setting. Tumatama ang gintong ilaw sa amin kaya bahagyang nakakunot ang aking noo.
I felt France started to press strands of my hair between his fingers. Nang lingunin ko siya ay inaamoy niya iyon, nakanguso pa ang labi.
Tumawa ako nang makita ang expression ng mukha niya nang mahuli ko siya. Bigla kasing tumigil sa ginagawa.
"What?" he arched his brow.
"Baka maubos ang amoy ng buhok ko sa kakasinghot mo." I said and he just pursed his lips.
Ang cute, buwiset.
"Punyeta. This isn't how I picture this trip." rinig kong sabi ni Step sa aming likuran. Sabay kaming lumingon ni France sa kanya at ang matalim nitong tingin na pinupukol sa amin ang unang bumungad sa'min.
"Hey, you have me." Eve said and draped her arm over her shoulder.
Nang dumilim na ay bumalik na kami sa kanya-kanyang bunk bed. Hindi maganda ang lagay ni Taly. She always goes to the bathroom to puke. Si Hope naman ay nakahiga lang dahil parang maduduwal din siya kapag bumangon at tumayo. Rain and Raven are reading while Step and Eve are watching movies on Jo's laptop. They're really used to this.
Sa labing-apat na oras ay ganoon ang sitwasyon namin. I looked at Taly with pity. She doesn't have the power to fight with Alric. Anumang oras ay parang mawawalan na ng ulirat.
"Never let me ride that thing again." she said when we arrived at the seaport.
France pulled my suitcase for me. I took my sunglasses off when I set my foot on the ground. I roamed my eyes around the place. Malayo sa sibilisasyon ang islang ito. Karamihan ng nakikita ko ay kulay berde at asul.
"I can feel the presence of nature." Eve dramatically said sniffing and feeling the warm breeze of the wind.
Ang alam ko ay sa isang rental house kami tutuloy. Umarkila kami ng dalawang van dahil masyado kaming marami para magkasya sa isang van. Isama na rin ang malalaking bagahe namin.
Magkatabi kami ni France sa pang-huling row ng van na lulan.
"Windows open or close, Love?" he asked while putting my neck pillow.
"Open." I answered and yawned. Pumikit ako at sinandal ang ulo sa kanyang balikat nang lumapit siya sa'kin para buksan ang bintana ng van sa aking gilid.
Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa sunod-sunod na biyahe.
Treynta minutos ang biyahe namin sa van bago kami nakarating sa bahay. Hindi rin ako nakatulog ng maayos sa biyahe dahil halos lahat ng dinaanan namin ay baku-bako, kung hindi naman ay sira-sira na ang aspalto.
I looked at the house in front of us. It is a two-storey ancestral house. Magkahalong gawa sa semento at kahoy. Ang bintana sa itaas ay iyong parang waffer kaya alam mong may katandaan na ang bahay sa desinyo nito pero alam mong nadaanan ng renovation dahil may iilang modernong desinyo na rin na naihalo sa bahay.
Ngumuso ako nang makitang may antena ito para sa telebisyon na pinagdadapuan ng mga ibon. I wonder if that's still working.
"You're letting me stay here?" rinig kong bulong ni Taly kay Alric.
"Hmm, mukhang okay ka na. Nakakapagreklamo ka na e."
"Really Alric Zavier. If I die here-"
"O, e 'di salamat na lang sa lahat."
"Alric Zavier!"
"Oh? Natutulog ka nga sa bahay ko. Ano'ng kaibahan no'n dito?"
"But that's your house!"
"Ano'ng kaibahan no'n e nandito naman ako?"
Then they argued. Akala ko ay wala nang lalala kay Hope at Jo, mayroon pa pala.
Ang caretaker ng bahay na mukhang kanina pa nakaabang ay lumapit sa amin nang mapansin ang ingay na dala namin.
We simultaneously greeted her. She immediately guided us to come inside the house. Mas malawak ang loob ng bahay kumpara kung titingnan lang sa labas.
Umakyat kami sa ikalawang palapag kung nasaan ang mga silid. Dalawang room lang ang mayroon kaya alam na na isa para sa aming mga babae at isa para sa mga lalaki. Spacious naman iyon kaya magkakasya rin naman kami.
Sa labas ng dalawang kuwarto ay may malawak na salas. May lumang sewing machine sa gilid. Sa nakasarang makina ay nakapatong ang isang itim na cassette. May mga lumang vinyl na naka display sa dingding. Ang beige na kurtina ay bumagay sa kahoy na mga muwebles.
Sumasayaw ito dala ng hangin kaya nahalina akong lumapit sa nakabukas na bintana at tiningnan ang likuran ng bahay. 'Di kalayuan ay may palayan at gulayan. Napapalibutan din ng mga bulaklak ang bahay. Fence ang pumapalibot sa bahay at hedge naman ang sa malawak na hardin. Well trimmed din ang lawn at may birdbath pa!
This isn't bad at all.
"The reception is poor." biglang sabi ni Hope.
"What do you expect? We're on a remote place Hope." Step, seated on a couch made of rattan argued.
"Hmp!"
I heard Eve sighed. Mukhang napansin din na magsisimula na naman ang dalawa.
We started unpacking our clothes and putting it to the cabinet. Pagkatapos no'n ay mabilis akong nakatulog sa kama kasama si Hope at Taly.
Nagising ako sa ingay ng makina na nanggagaling sa labas. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang pagtama ng panghapong araw sa aking mukha. Nang imulat ko ang mga mata ay tulog pa ang dalawa. Kulay kahel na ang langit.
Isinuot ko ang tsinelas na binili namin ni France at lumabas sa balkonahe upang tignan ang pinanggagalingan ng ingay sa labas. Binuksan ko ang sliding na pinto na gawa sa kahoy at nakita kong nandoon na sa balkonahe si Rain, Eve at Step, nagkakape. May kung ano silang dinudungaw sa ibaba.
"Saan niyo na naman 'yan dinikwat?" natatawang tanong ni Step.
Nang dumungaw ako sa baba ay mabilis na umangat ang kilay ko nang makitang may kanya-kanya silang motor na sinasakyan.
Kinusot ko ang mga mata para mas makita sila ng malinaw. France gave me a smile the moment our eyes met. Inalis niya ang itim na cap at pinasadahan ng kanyang mga daliri ang buhok. He was wearing a mustard tee, black shorts and a slider.
Ipinarada niya ang asul na motor at bumaba roon. I am guessing he is going upstairs. Tumalikod ako upang harapin ang papasok na si Francesa balkonahe.
"Vien!" Alric called me kaya napunta ang tingin ko sa kanya.
"Oh?"
"Si Taly?"
"Tulog pa."
Hindi nagtagal ay bumukas ang sliding door at iniluwa no'n si France. Inilagay niya ang susi sa bulsa ng kanyang shorts at lumapit sa'kin.
"Hi." he huskily said and neared me.
"Hi." mahina kong sabi. Ramdam ko ang paninitig ng mga kaibigan niyang babae sa amin kaya nako-conscious ako. Hindi pa ito nakuntento sa distansya namin at talagang hinuli pa ang magkabilang siko ko.
Ano ba naman 'yan. Can't he keep his hands to himself when his friends are there?
"Kagigising mo lang?" tanong niya habang inaayos ang buhok kong magulo.
"Uh-oo." sabi ko, pilit na iniiwasan ang tingin niya. Napalunok ako nang magtama ang tingin namin ng mga kaibigan niya. Rain and Step are sharing the same expression, they're bitter while Eve is being playful.
"Tss."
Ako na ang umiwas dahil mukhang hindi nakakaradam ang isang 'to o wala lang talagang pakealam.
"France?" ang maarteng boses ni Taly mula sa loob ay rinig namin. Pumasok siya sa balkonahe, bihis na bihis.
"Alric said you're gonna accompany us."
Bumalik ang tingin ko sa kanya, nagtatanong.
"Sa grocery. Sama ka?"
I smiled and nodded my head. Nakapagpahinga na rin naman ako kaya hindi na ako gaano kapagod. Mabilis akong nagpalit ng skinny fit jeans at itim na racerback cami top. I tied my black shoelace when I heard the motor engine. Kagat-kagat ko ang hairtie habang bumaba sa kahoy na hagdan.
"Ingat kayo!" Eve waved her hand from the balcony. France guided me as I stride on the motorcycle. Ngumiti ako nang makitang sasama rin si Hope at Harvey. Hope and Taly are wearing shades while I chose to wear black cap to pair France.
"Puwedeng yakap?" I asked him when he started driving. Hindi pa man siya nakakasagot ay yinakap ko na siya. I closed my eyes and sniffed him. Bango talaga.
It was a ten minute drive to the department store. We all get baskets while I was scanning Alric's notes dahil nandoon ang lahat ng kailangang bilhin. I started getting things on the list while the two were just following me.
"I think we should dress her in august apparel."
"Where are we going to find august apparel in a place like this?"
I stopped from putting goods in my basket when I heard them talking. They're probably talking about my portfolio?
Mukhang mas excited pa sila kaysa sa'kin. At hindi ko alam sa sarili kung bakit parang hindi ako ganoon kasaya sa oportunidad na binibigay sa'kin.
Heto na Lavienna. The door is slowly opening for you. Ano't parang gusto mong balewalain at talikuran?
Gusto kong saktan ang sarili dahil mukhang hindi pa yata ako nagigising sa bungantulog at ngayon na nandito na sa harapan ko at nangyayari na sa reyalidad ay parang ayaw pa rin maproseso ng utak ko.
Pagkatapos namin sa department store ay tumuloy kami sa wet market para bumili ng ulam namin para mamayang gabi. Bumili kami ng isang sakong bigas, mga de latang ulam at toiletries para sa supply namin sa buong bakasyon. Umarkila lang ulit kami ng tricycle na maghahatid no'n sa bahay.
Una kaming pumasok ni France sa loob ng market at nakipaggitgitan sa mga tao. Mukhang rush hour yata ang punta namin at puno ang buong palengke.
Maraming tindera ang tumatawag sa'min, nanghihikayat na bumili kami sa kanila.
"Alric ano tayo ngayong gabi? Isda o karne?" tanong ko sa pag-aakalang nakasunod lang sila sa amin. Nang lumingon ako ay hindi pa sila nakapapasok ni Taly sa loob ng palengke. Mukhang nagtatalo naman.
Lumingon na lamang ako kay Hope para siya na lang ang tatanungin sa gustong ulam.
"Ikaw Hope? Ano'ng gusto mong ulam?"
"I want lobsters and shrimps." she quickly replied.
I nodded my head and looked forward. Wew. Hindi ko alam kung tama ba na tinanong ko siya.
Masyadong... mahal.
Hindi agad ako nakagalaw dahil sa request ni Hope, tinitimbang ko pa ang pros at cons kaya nang medyo tumagal ako sa pagiging tulala ay si France na ang gumalaw. Siya na ang lumapit sa isang tindera na bumebenta ng lobsters at bumili roon.
Pagkatapos ay tumuloy na kami sa meat section. Nagkahiwalay na kami nila Hope at Harvey. Hindi ko alam kung nasaan na sila at mas lalo na sina Alric at Taly. Magkikita-kita rin naman siguro kami sa parking area.
I jumped off when the meat was cut off with a big knife. Nagulat ako sa lakas nang pagkakahati rito. Bumili kami ng ilang kilo at pagkatapos ay mga rekado naman ang binili namin. Pumipili ako ng magandang repolyo at carrots nang maramdaman kong may dumapong kamay sa likuran ko.
Noong una ay hinayaan ko lang iyon dahil akala ko ay si France pero nang maramdaman kong pababa nang pababa ang kamay hanggang sa aking puwetan ay kumunot ang noo ko. France never dares to go down there and touch it.
Suminghap ako at mabilis na lumingon sa aking likuran. Maraming tao kaya hindi ko alam kung sino sa kanila o sadya kaya iyon. Baka dahil masyadong siksikan kaya ganoon ang pakiramdam.
Hindi ko na lang iyon pinansin at ang makailang ulit na pagsundot at pagtulak sa'kin pero nang may umapuhap na ay hindi ko na kinaya.
I was ready to lash out when someone pulled me. Ang galit na mukha ni France ang una kong nakita.
"Someone's touching your behind and you're letting them?" inis niyang asik sa'kin at tinago ako sa kanyang likuran at hinarap ang maraming lalaki sa aking likuran. Hindi ko alam kung sino sa kanila. O kung sila bang lahat.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit niyang tanong sa lalaki.
"Wala." he dismissively answered.
France hissed and looked away. I thought he's trying to calm himself. Hindi ko alam na kumukuha lang pala siya ng buwelo. He licked his lips and clicked his head before he grabbed the collar of the guy's shirt.
"Hinihipuan mo eh."
Nanlaki ang mga mata ko, gulat sa kanyang ginawa.
Mabilis akong pumagitna at pilit na tinatanggal ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa damit ng lalaki.
"France."
Hindi niya ako nilingon. Tiningnan ko ang mga kasama ng lalaki sa kanyang likuran. Marami sila. Kung uunahan ng suntok ni France ay tutulong ang mga itong makabawi.
"France."
"Oy. Si France napapaaway." si Harvey.
"This is one in a million. Ano'ng ginawa mo't nasagad?" bulong ni Alric sa akin.
Mabilis niya akong tinulak palapit kina Hope at Taly para hindi na kami madamay pa at sila na ang humarap sa mga lalaki.
Akala ko ay makakahinga ako ng maluwag gayong nandito na ang dalawa pero mukhang mas dumagdag pa sila sa namumuong delubyo.
May tinanong si Alric kay France at galit na sumagot si France. Kumunot ang noo ni Alric at siya na ang sumapak sa lalaking humawak sa'kin.
"Sa susunod na manghipo ka, subukan mong hipuan ate o nanay mo nang malaman mo kung gaano ka katarantado."
Lumingon sa amin si Harvey at ginamit ang kamay upang bigyan kami ng signal na umalis na kami. I smell riot.
"Batsi na."
"Batsi?" si Taly.
"Sibat na." Hope translated.
Umatras ang dalawa. The guy said something foul and I could see how their faces turned into sour. We shrieked when France punched the guy.
"This is trouble."
![](https://img.wattpad.com/cover/233800999-288-k869601.jpg)
BINABASA MO ANG
Love of France (Friend Series #3)
RomanceStatus: Completed Lav doesn't settle for less. Her dreams for herself are very ambitious. She is ambitious herself. One of her dreams is to be in France, a place where she truly belongs. But France becomes her less favorite when she encounters Franc...