Day 30 of being stupid cupid: Broken
Pangarap ko dati ang magpropose si Fares sa akin. Ang sarap kasing isipin na ang lalaking mahal mo magpropose sayo dahil mahal ka rin niya.
Nakasuot ng suite luluhod sa harap mo, hawak ang isang kulay pula na box na naglalaman ng singsing. Tapos sasabihin niya, 'Will you marry me? Because even you didn't marry me I still marry you!'
Pinahid ko ang luhang lumandas sa mga mata ko, alam kung masaya siya dahil nakangiti siya ngayon nakaluhod sa harap ni Miya. Narito ako sa palawan kasama sila Ceila.
At kahit malayo ako mula kila Fares ay kitang-kita ko ang singsing na nakalagay sa box, napakaganda. Kumikinang.
Nasa paligid ni Miya ang mga kaibigan niya, at ganun din si Fares kasama niya din si Paul.
"Jonalise tara na." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ceila.
Nakatuon pa rin ang mga mata ko sa kanila, tama nga si Paul. He plan this proposal, ang ganda ng paligid. Puno ng bulaklak.
Ang sama ko siguro kung iisipin ko na sana wala dyan si Miya, o kaya ako ang nasa kalagayan niya ngayon. Sa akin nakaluhod si Fares at hindi sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko. Kahapon pa ako umiiyak, pakiramdam ko wala na akong iluluha mamaya.
Bakit ang unfair pa rin ng mundo sa akin? Ayaw niya 'bang maging masaya ako?
Nang makita kung tumango si Miya kay Fares ay niyakap ako nila Zara.
"Okay lang yan."
"Hindi naman siya gwapo,"
Siniko ko si Zara dahil sa sinabi niya. "Ohh ipagtatanggol mo pa 'yan."
Isinuot ni Fares ang sing-sing sa kamay ni Miya. Nang humiwalay ay tumalikod na ako.
"Tara na." Malamig na sabi ko sa kanila. Sumunod naman sila sa akin.
Sunod-sunod na pumapatak pa rin ang luha ko, ng pumasok na kami sa may Hotel ay tumitingin ang iba sa akin. Umiiyak pa rin kasi ako.
Hindi ko sila pinansin at dumiretsyo lang ako sa elevator.
Masaya siya, pero ako hindi.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas na kami at naglakad papunta sa Hotel room namin. Isang kwarto lang ang kinuha namin. Mayroon naman itong dalawang kwarto, kasama ko si Zara sa isansa kwarto. Si Ceila at Shai naman ang nasa isang kwarto.
Umupo ako sa may couch ganun din sila, sumandal ako at ipinikit ko ang mga mata ko. Parang gusto ko bigla na matapos na ang challenge, bahala na kung babalik pa sa akin si Fares mukhang hindi na naman. He's already happy with someone else.
Tiningnan ko sila Shai, kaibigan ko naman sila. Hindi naman siguro nila iisipin na nasisiraan ako ng bait kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol sa challenge. Pinagmasdan ko muna sila ng ilang sandali bago ako umayos ng upo.
Humugot ako ng isang malalim ng buntong-hininga. At handa nang magsalita.
"Guyys! May sasabihin pala ako." Lumingon silang lahat sa akin. "Pero sana huwag niyong isipin na nasisiraan na ako ng bait. Tsaka atin-atin nalang ito."
"Wohh! Kinakabahan ako huh! Ano ba 'yan?" Si Ceila. "Ano ba 'yon? Okay hindi namin iisipin ang ganun." Si Shai. Tahimik lang naman si Zara hinihintay na magsalita na ako.
"May c-challenge ako, galing kay God f-from above," Hindi ko alam kung bakit nauutal ako, basta ang alam ko kinakabahan ako ngayon.
"Makinig muna kayo please!" Dagdag ko, nakita ko kasing magsasalita sana si Ceila.
BINABASA MO ANG
Being Stupid Cupid (Completed)
SpiritualJonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above challenge Jonalise. She had to play his so called "cupid" It is not for lovers but it is for adversar...
