CHAPTER 25

22 8 0
                                        

Day 18 of being stupid cupid: Monster Rod-Rod





Minsan talaga hindi ko maintindihan si Tita, noong isang araw na pinagalitan niya ako dahil sa nangyari sa akin at sa anak ng boss niya. Sinabi niya sa akin na huwag na daw akong pupunta doon.

Tapos ngayon nanaman, pinapapunta niya ako. Sabi daw ng Daddy ni Rouw. Hindi ko din maintindihan ang Daddy ni Rouw. Kahapon lang pinapunta niya na ako doon tapos papupuntahin niya rin ako ngayon. Para ano?

Para nanaman 'ba tanungin kung girlfriend ako ng anak niya? Tiningnan ko si Tita na hinihintay ang sasabihin ko kung papayag ba ako o hindi. "But Tita..." Reklamo ko. Pinanlakihan ako nito ng mata. Ano nga 'bang laban ko kay Tita. "Okay-okay." Walang ganang sabi ko.

Tahimik lang kaming kumain ni Tita ng breakfast, nang matapos na kami ay agad din kaming umalis papunta sa trabaho ni Tita.

"Good morning po Ma'am." Ani ng security kay Tita ng pumasok na kami sa lobby. Tango lang ang naging sagot nito. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa pumasok na kami sa elevator.

Hindi ko talaga alam kung bakit gusto nanaman akong makausap ng Daddy ni Rouw. Hinatid naman ako ni Rouw kahapon. Don't tell me kukunin niya akong yaya ng anak niya? Nang bumukas na ang elevator dahil nasa tamang palapag na kami ng building, ay lumabas na kami.

"Dumiretso kana sa office ng Daddy ni Rouw. May meeting pa kasi ako with my client. Pumunta ka lang sa may office ko kapag tapos kana."

"Okay." Dahil galing na din ako doon sa office ng Daddy ni Rouw kahapon ay alam ko na kung saan ako pupunta. Naglakad na ako at nang nasa tamang pintuan na ako, tiningnan ko muna ito ng ilang segundo bago akong kumatok.

Nang walang sumagot ay binuksan ko na ito at pumasok ako sa loob. Nakatayo ang Daddy ni Rouw at nakatalikod sa may pintuan, nakaharap ito sa may bintana na kita ang buong lungsod.

Nang humarap ito ay nakita niya ako pero hindi na siya nagulat. "Sorry po kung pumasok na ako." paghingi ko ng paumanhin. Yumuko pa ito.

"That's okay. Have a seat. Jonalise." Tumango naman ako at tinungo ang upuan sa harap ng table niya. Umupo din ito, kaya kaharap ko na siya ngayon.

Ano 'ba kasing kailangan niya sa akin? "Sorry if I bother you. Can I have a favor hija?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, kahapon kasi ng nakausap ko siya ay hindi siya ganito ka-seryoso.

"Anything po, Sir." pero sana 'yong madali lang.

"Ohh.. Just call me Tito, hija. Sir is so pormal."

"Okay po T-Tito." he smile.

"So, what the favor po 'ba?" I asked.

"I am going to England with my secretary maybe 2 days, and Rouw will be the in-charge here and you'll be his Secretary sana kung papayag ka." he said.

"But I will pay you, when I come back. Do you agree with that hija. Just only 2 days." he added.

Napalunok ako. "That's fine with me po Tito." Sa ganung paraan mas mapapalapit ako kay Rouw pwedi ko na din silang mapagbati ni Flor. Ngumiti si Tito sa akin. "Ohh! Thank you hija, I already owe you." he said and smile.

I smile back.

Napatingin kami kay Rouw ng bigla itong pumasok, itong lalaking ito hindi talaga marunong kumatok. Kahapon din ng nag-uusap kami ng Daddy niya e bigla nalang siyang pumasok. Habbit niya din ba 'yon?

"Dad!"

"Bakit niyo ako pinapunta dito?"

Napakawalang galang. Bulong ko. Pero narinig nila kaya sinamaan ako ng tingin ni Rouw.

Being Stupid Cupid (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon