Day 31 of being stupid cupid: The plan
"Eh kung gumawa kaya tayo ng plano para mapagbati na natin ang kambal." Suggest bigla ni Zara, lahat kami napatingin sa kaniya. Nasa dining table kami ngayon nagkakape.
"Tama si Zara, Jonalise. Gumawa tayo ng plano."
"Sige, para matapos na agad ito, tapos umuwi na din tayo sa Manila." Sagot ko. Dahil ayaw ko ng manatili ng matagal sa lugar na to.
Kinuha naman ni Zara ang cellphone niya may tumawag. "Wait lang si Tita tumatawag, parents nila Mylinne. Sagutin ko lang huh!" tumayo naman si Zara at lumabas ng kusina. Nakasunod naman ang tingin namin sa kaniya.
Nang bumalik na si Zara ay umupo na ito. "Anong sabi ng Tita mo? Tungkol ba sa kambal?" tanong ko.
"Yeah! Tungkol nga sa kambal. Pinapabantayan ni tita ang kambal sa akin, ang laki-laki na kaya ng mga anak niya. Papuntahin ko nalang kaya sila dito?" Matapos magsalita nito ay ininom niya ang natirang kape sa kaniyang baso.
"Sunduin mo nalang sila tapos kapag nandito na sila, gawin na natin ang plano natin na pagbatiin sila." si Shai. Tumango naman kaming lahat sa sinabi ni Shai.
"Ihatid niyo ako, ngayon na ako aalis. Magbibihis lang ako." Tumayo na naman ito at inilapag sa lababo ang kaniyang baso. "Sigurado ka okay lang sayo? Kung hindi okay lang naman kung hindi na tsak--"
"Okay lang ako Jonalise!" Paninigurado ni Zara, baka kasi napipilitan lang siya. "Hayaan mo kapag natapos na nating pagbatiin ang kambal, ililibre na kita. Lagi." pinagdiinan ko pa ang salitang 'lagi'. Ngumiti naman ito ng malawak.
"Sure 'yan huh!?" Tumango naman ako. Bigla naman ako nitong nilundag at niyakap. Halos malaglag na ako sa upuan dahil sa pagdumog ni Zara. Tinawanan tuloy kami nila Ceila at Shai.
Hinatid lang namin si Zara sa may airport, nag taxi lang kami. Sinabi din ni Zara sa amin pagdating niya sa Maynila para sunduin ang kambal aalis din sila agad.
***
Pagkatigil ng taxi ay pumasok na ako sa super market, naiwan naman sa may Hotel sila Ceila at Shai. Ako na din ang nagpresinta na mamili at sila naman ang magluluto.
Mas gusto ko din ng may ginagawa ako, para kahit papaano ay hindi ko na maisip ang tungkol kay Fares at Miya.
Pumunta ako kung nasaan ang mga karne at kumuha ng manok at baboy. Pumunta din ako sa mga gulay at kumuha lang ng kahit ano, bahala na sila kung ano ang lulutuin nila. Hindi naman sila nagsabi. Bumili din ako ng mga ingredients.
Papunta na sana ako sa may counter para magbayad ng may nabunggo ako.
"Miss sorry!"
"Sorry!"
Sabay naming sabi sa isa't-isa. Nang tingnan ko siya ay nagulat ako pati siya.
"Jonalise!"
"Ate Sally!"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako, ng kumalas na siya sa yakap ay hinarap niya na ako. "Anong ginagawa mo dito sa Palawan?" Tanong ko. Hindi ko akalain na dito ko pa siya ulit makikita.
"Dito na ako nagta-trabaho, umalis ako sa Daddy mo pero hindi dahil sa hindi maganda ang trabaho sa Daddy mo, gusto ko lang talagang magtrabaho sa Palawan." Ngumiti naman ito sa akin at tiningnan ang mga binili ko.
"Kailan ka pa sa Palawan?" Tanong niya. "Kahapon lang kasama ko ang mga Kaibigan ko." Sagot ko.
"Ikaw kailan ka pa dito?"
BINABASA MO ANG
Being Stupid Cupid (Completed)
EspiritualJonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above challenge Jonalise. She had to play his so called "cupid" It is not for lovers but it is for adversar...