Day 10 of being stupid cupid: Stalker
Nang hindi na nga talaga namin na sundan si Miya ay umuwi na kami ni Sasa dahil may tumawag din sa kaniya hinatid niya ako at agad din naman siyang umalis.
Si Mommy ang nadatnan ko sa may sala at may kausap sa kaniyang cellphone. "Jonalise, are you feeling okay now. Manang Felie already told me what happened." ani Mommy when she saw me enter the doorway, she immediately down her cellphone.
"Mom!"
"Asan po si Daddy?" I change the topic, I don't want my Mom worried about me. Akala ko sasagutin ni Mommy ang tanong ko pero hindi. "Jonalise, what happened I already know but I want to hear it from you. Now tell me." May pagsusumamo na ani Mommy,
Napabuntong-hininga ako. "That was accidentall Mom, may inawat lang po ako." pag-amin ko sa totoong nangyari.
"Next time Jonalise don't be in between two person who hated each other's, baka mamaya mabalitaan ko nanaman na nasa hospital ka." agad naman akong umiling kay mommy. "Hindi na po mauulit." 'Yon na lamang ang nasabi ko kay Mommy para hindi na siya mag-alala pa sa akin.
Hindi ko kasi kayang makita na nahihirapan sila Mommy't Daddy ng dahil sa akin. Hindi kaya ng konsensya ko.
Matapos naming mag-usap ni Mommy ay naghapunan na kami, hindi naman kasi dumating si Daddy. Nang tinanong ko si Mommy ang sabi niya lang may pinuntahan si Daddy at baka gabihin na ito ng uwi. Umakyat na ako sa taas at pumunta na sa aking kwarto.
Nagpalit lang ako ng damit at dahan-dahang nahiga sa may kama, medyo masakit parin kasi ang likod ko. Pumikit na ako at agad naman akong dinalaw ng antok.
***
Pagkamulat ko ng aking mga mata ay umaga na. Hindi nag-alarm ang alarm clock ko dahil nakalimutan ko itong i-set kagabi bago matulog.
Bumangon na ako at naligo nagsuot lang ako ng simpleng light blue v-neck shirt at nag jeans at white rubber shoes. I went downstair holding my bag, I visit the site in Batanggas today, just checking if it is done by this month o kung may mga kailangan bang sabihin para sa meeting.
Mag-isa lang akong nag breakfast ngayon dahil maaga raw umalis si Mommy si Daddy naman daw ay hindi nakita ni Manang mula pa kagabi. Okay lang kaya sila Mommy at Daddy?
Bakit naman hindi umuwi si Daddy? O baka hindi lang siya nakita ni Manang na umuwi kagabi at umalis ng maaga. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na din ako ay manang dahil baka malate pa ako.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at umalis na, lumiko mo na ako ng daan papunta kila Sasa gusto ko lang talaga siyang makausap. Hindi ko na kasi naitanong ulit 'yong tungkol kay Miya dahil may tumawag sa kaniya hanggang sa naihatid niya ako sa bahay ay may kausap parin siya sa kaniyang cellphone.
Nang makarating ako kila Sasa ay nag doorbell na agad ako, pinagbuksan naman ako ng isa sa kanilang kasambahay. "Magandang umaga po Ma'am, sino pong hanap ninyo?" Magalang na sabi nito sa akin, mukhang bago lang itong kasambahay dahil ngayon ko lang ito nakita dito, at hindi niya rin ako kilala. "Si Sasa po sana."
"Ayy! Ma'am maaga po kaninang umalis si Ma'am Sasa, nagmamadali nga po ehh." Ngumiti nalang ako ng pilit dito at nagpaalam na. Dumaan muna ako sa isang coffee shop para bumili ng kape dahil inaantok pa ako.
Pinarada ko ang kotse ko sa labas ng coffee shop at pumasok na sa loob. "One coffee please!" sabi ko sa babaeng nasa counter, agad namang inaasikaso ng babae ng babae ang order ko.
"Thank you Ma'am, enjoy the coffee!" sabi nito at binigay na sa akin ang kape ko. Binayaran ko na naman agad ang babae at naglakad na paalis.
Nang maramdaman kung may nakatingin sa akin ay inikot ko ang paningin ko sa loob ng coffee shop, dumiretsyo ang paningin ko sa isang lalaki na nakatingin sa akin. At ngumisi pa ito.
BINABASA MO ANG
Being Stupid Cupid (Completed)
SpiritualJonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above challenge Jonalise. She had to play his so called "cupid" It is not for lovers but it is for adversar...
