CHAPTER 36

13 5 0
                                    

Day 29 of being stupid cupid: Tears






Inilipat na si Ate Jonah ng kwarto kaya, nandito kami ngayon ni Mommy nakatingin lang sa kaniya. Napakaamo ng kaniyang mukha ngayong natutulog siya. Napakaganda din ng kaniyang pilik mata, ngayon ko lang siya natitigan ng kanito katagal ngayong tulog na tulog siya.

Sabi ng Doctor ay comatose daw si Ate Jonah, hindi  nila alam kung kailan siya magigising. O kung magigising pa siya.

"Hanggang ngayon wala pa din ang Daddy mo Jonalise." Bakas sa mukha ni Mommy na nag-aalala na siya kay Daddy. Maging ako hanggang ngayon kasi ay hindi pa dumadating si Daddy. Ano na kayang ginagawa ni Daddy ngayon? Nahuli na kaya 'yong bumunggo kay Ate? Nasa kulungan na kaya 'yon?

"Mamaya po nandyan na rin si Daddy." Pagpapagaan ko sa loob nito.

"Pupunta sila Zara dito, Jonalise."

"Po?"

"Tinatawagan ka raw nila pero nakapatay ang cellphone mo, nasaan ba ang cellphone mo? Tumawag sila sa akin, at sinabi ko na din na nasa hospital tayo. " Tiningnan ko naman ang bag ko.

Nang dumating sila Zara ay may mga dala itong prutas.

"Hi tita!" Isa-isa silang bumati kay Mommy at humalik sa pisngi nito.

"Kamukha mo nga ang ate mo Jonalise. Sa mata nga lang." Si Zara, tumawa ako dahil sa sinabi niya. Napansin ko din 'yon kanina nong tinitigan ko siya.

Nakatitig pareho si Shai at Ceila kay ate Jonah, "Anong nangyari sa kaniya Jonalise, I heard aksedinte daw. Oyy! Narinig ko lang 'yon huh!"

"Yeah! Aksedenti nga, nabunggo siya. Hindi ko alam kung sinadya ba o hindi." sagot ko kay Shai.

"Mag-usap muna kayo, bibili lang ako ng pagkain."

"Okay po Tita."

"Ingat po!"

"Hala! Grabe naman 'yon, hindi man lang kayo binabaan at tinulungan." Si Ceila. Umupo naman sila Shai at Zara sa may sofa si Ceila naman ay sa may stoll na nasa tabi ko.

"Hindi kaya may kaaway ang Ate mo?" Umiling naman ako.

Hindi ko alam.

Nang bumalik si Mommy ay may mga dala na itong pagkain.

"Kumain muna kayo, Jonalise tumawag pala si Sasa sa akin. Ito tawagan mo nalang." Ibinigay naman ni .ommy ang cellphone niya sa akin.

"Sandali lang huh! Sa labas muna ako." Lumabas ako ng kwarto at denial ang number ni Sasa.

"Sasa!"

"Wahh! Bessy! I miss you na! How are you?"

"Okay lang ako, ikaw kamusta na? Bakit hindi ka tumatawag sa akin?" Tanong ko. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Sasa, natuloy kaya 'yong sinasabi niyang pagpunta sa paris?

"Okay lang ako, na ikwento na pala ni Tita ang mga nangyari dyan. So how's your sister?"

"Nasaan ka ba huh!? Comatose si ate Jonah, hope soon she'll be okay." Umupo naman ako sa may upuan sa may labas.

"Nasa Pilipinas na ako, kahapon lang. Pupunta ako sa inyo sa susunod na araw."

"Okay sige hintayin kita. Bye ingat ka."

"Ingat ka din bessy!"

"Bye!"

Nang matapos kung makausap si Bessy ay bumalik na ako sa loob. Umupo ako sa tabi nila Zara, maya-maya din ay dumating na si Daddy.

Being Stupid Cupid (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon