CHAPTER 26

17 6 0
                                    

Day 19 of being stupid cupid: Angel Rod-Rod






Kung hindi lang ako pumayag sa Daddy ni Rouw, ako kayang ginagawa ko ngayon? Kakapasok palang namin ni Tita sa may elevator, tahimik lang kaming dalawa. Nang sinabi ko kay Tita ang pinag-usapan namin ng Daddy ni Rouw ay pumayag naman siya. Basta huwag lang daw ako gagawa ng bagay na hindi nila magugustuahan.

Pagkarating ko sa office ni Rouw ay wala pa ito, late siya. Umupo muna ako sa may sofa at nag cellphone nang wala na akong magawa sa may cellphone ko ay tumayo ako at naglinis. Nagwalis muna ako at pagkatapos ay pinagpagan ko ang sofa, nilinis ko din ang table ni Rouw pati ang mga papeles na nagkalat ay nilinis ko din.

Nang matapos na akong maglinis ay umupo na ulit ako, maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Rouw. Napakaamo ng mukha nito, simpleng long-sleeve na blue ang suot nito at nakatupi hanggang sa kaniyang siko.

"Good morning Sir." Akala ko hindi siya sasagot dahil galit parin siya sa akin, dahil na late ako kahapon dahil nga nakita ko si Paul sa may Restaurant at nag-usap pa kami.

Ayaw pa nga akong pauwiin ni Paul e dahil baka daw matagal nanaman kaming hindi magkita. In love na siguro sa akin 'yon. Hahaha!

Nakita ko na siyang magalit dati doon sa may kaaway niya na lalaki sa airport. Pero 'yong kahapon iba ang galit na nakita ko sa kaniya. Sobra-sobra. Hindi ko nga alam na ganun pala siya magalit, nakakatakot.

"Morning." He said, at umupo na sa kaniyang swivel chair. Hindi niya ako tiningnan ng sinabi niya 'yon pero ramdam ko na hindi siya galit sa akin.

Buti nalang at hindi niya na ako tiningnan at binuksan niya na ang laptop niya, dahil alam kung gulat-na-gulat ang expression ng mukha ko.

Okay lang kaya siya?

"Jonalise!"

Nataranta ako ng tawagin niya ako, "Yes sir?" Tanong ko at tumayo. Lumapit ako sa may harap ng table niya.

"Dalhin mo 'to kay Ms. Vicenti."

"Kay Tita?"

"Yes please.."

"Okay."

Hindi ko talaga ma gets si Rouw kahapon parang monster ang ugali niya while now he's like an angel.

Ano kayang dahilan? Kailangan 'ba ng dahilan ng isang tao para maging monster or anghel? Maging mabait o masama.

Lumabas na ako sa may opisina ni Rouw at pumunta sa a may office ni Tita. Saktong nandoon si Tita at may kausap, agad din namang nagpaalam ang babaeng kausap niya.

"Bakit Jonalise, may kailangan ka?" Ani Tita.

"Pinabibigay lang po ito ni Rouw." Iniabot ko naman kay Tita ang folder, na hindi ko alam kung anong laman.

"Ako nalang ang maghahatid sa kaniya nito mamaya."

"Okay po Tita. Balik na po ako."

Pabalik ko sa may office ni Rouw ay may kausap na ito sa telepono, "why? " Tanong nito sa kausap, sa kabilang linya.

Umupo ako sa may sofa at pinagmasdan ko lang siya habang may kausap, paano ko kaya sila mapagbabati ni Flor?

"Okay, thank you."

"Okay." Ibinaba niya na ang telepono, at tumingin siya sa may gawi ko. "Si Tita nalang daw ang magbabalik mamaya, ng-"

"Okay." Sabi nito na hindi pa pinapatapos ang sinasabi ko.

Binuksan niya ang laptop niya at nagtrabaho na.

Buong oras ay wala akong ginawa kundi ang panourin lang siya.

Being Stupid Cupid (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon