Day 23 of being stupid cupid: Sister?
Kinabukasan, maaga akong nagising. Bumangon na ako at naghilamos lang tsaka bumaba. Si Manang palang ang nasa kusina, nagluluto.
Ngayon ko lang naisip kung bakit sinabi ng Anghel na 'yon kung sino ang target ko. Di'ba ako dapat ang makakaalam 'non? Kapag inawat ko sila at kapag sinaktan nila ako, bakit kailangang sabihin sa akin na sila Mommy at Daddy ang pangatlong target ko?
Para hindi ako masaktan? Ganun 'ba 'yon? Kasi kahit sa anong paraan ko pa malaman na sila ang target ko masasaktan parin ako.
Hindi ko talaga alam kung paano ko mapagbabati sila Mommy. Paano nga 'ba?
"Oh! Jonalise gising kana pala, umupo kana at ipagtitimpla kita." Ani nito at kumuha ng baso para timplahan ako.
"Huwag na po, Manang ako na po," Tumayo ako at kinuha kay Manang ang baso para ako na ang magtimpla ng sarili kung inumin.
Habang nagtitimpla ako ay nagluluto naman si Manang ng langgonisa.
"Manang, okay po ba sila Mommy at Daddy ng wala ako. I mean hindi po ba sila nag-aaway." Bigla kung naitanong, humarap naman sa akin sa Manang at tiningnan ako ng diretsyo sa mata.
"Okay naman sila. Bakit may problema 'ba Jonalise?" Agad naman akong umiling.
"A-Ahh, wala naman po Manang."
"Oh siya umupo kana, at kumain luto na ito." Umupo na ako at nagsandok ng kanin at ulam, hindi na kasi ako bumaba kagabi para kumain. Kaya gutom na gutom ako ngayon.
"Gising kana pala Jonalise, kumain ka ng marami huh. Hindi ka kumain kagabi." Si Mommy, nakabihis na ito ng pang opisina.
Tumango lang ako at sumubo ng kanin at ulam. "Si Daddy po nasaan?"
"Maagang umalis, aalis na din ako baka malate pa ako." Hinalikan pa ako nito sa pisngi at umalis na.
Tinapos ko na din ang kinakain ko at umakyat sa kwarto ko para maligo. Plano ko kasing pumunta sa office ni Daddy ngayon, matagal na din akong hindi nakakapunta doon. Dalawang taon na siguro.
Simpleng dress lang ang sinuot ko. Nagsuot din ako ng earrings at relo. Muli kung tiningnan ang reflection ng mukha ko sa salamin. Hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod. Hinayaan ko lang din itong nakalugay.
Bumaba na ako at pumunta sa may kotse ko, namiss ko rin ito. Pumasok na ako sa loob at pinaandar ito.
Nang makarating ako ay pinarada ko na ang sasakyan ko sa parking lot. Naglakad na ako papasok sa lobby. Dahil sa tagal ko nang hindi nakapunta dito ay hindi ko na alam kung nasa anong floor ang office ni Daddy. Nakalimitan ko na.
Lumapit ako sa may receptionist at nagtanong. "Hi! Can I know if what's floor 'yong kay Mr. John Esceva?" Tanong ko dito. "Ahh wait lang po, tatawagan ko ang Daddy niyo." She said.
Agad naman akong nagtaka kung paano niya nalaman na anak ako ni Daddy. Alam kung bago lang siya dito dahil hindi ko natatandaan ang mukha niya. "Sir, your daughter is here."
"Okay papuntahin mo dito si Jonah." Dahil nasa malapit lang ako sa babae, ay narinig ko ang sinabi ni daddy. Jonah? Kahit kailan ay hindi ako tinawag na Jonah ni Daddy, laging princess o kaya Joanlise kapag galit na siya.
Sinamahan ako ng babae na pumunta sa elevator hanggang sa makarating kami sa tapat ng office ni Daddy.
"Hintayin mo lang daw muna ang Daddy mo dito Jonah, nasa meeting pa siya." Ani ng babae. Tumango ako sa kaniya kahit na nagtataka. Jonah bakit pati siya Jonah ang tawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Being Stupid Cupid (Completed)
SpiritüelJonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above challenge Jonalise. She had to play his so called "cupid" It is not for lovers but it is for adversar...