CHAPTER 35

15 5 0
                                        

Day 28 of being stupid cupid: Comatose







Tahimik kung pinagmasdan si Mommy at Ate Jonah. Nasa kusina sila ngayon at nagluluto nakangiti silang pareho. Bumalik muna ako sa kuwarto ko para maligo at dahil Monday ngayon may pasok na ako sa trabaho.

Bumaba na ako ng nakabihis na ako, lumapit si Mommy sa akin ng makita niya ako. "Kumain kana, kami ng Ate Jonah mo ang nagluto 'nan."

"Nasaan si Daddy?" I asked.

"Maagang umalis, may emergency daw sa opisina niya..." Tumango lang naman ako kay Mommy.

Nang umalis si Mommy para maligo ay kaming dalawa na lang ni Ate Jonah ang naiwan. Umupo ako sa upuan, "Kumain kana rin," aya ko sa kaniya.

"I'm fine...Mauna kana." Sagot niya.

"Sabay na tayo." Sabi ko at ikinuha rin siya ng plato at kutsara.

Wala siyang nagawa ng hilahin ko siya para maupo sa tabi ko.

Tahimik lang kaming kumain. Nang dumating si Mommy ay sumabay din ito sa amin.



***

"Long time no see Architect Esceva!" Si Manong guard.

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Hi! Architect!"

"Hi!" Sagot ko sa nakasalubong ko.

Pumasok na ako sa elevator at ng huminto na ito sa tamang palapag ay lumabas na ako.

"Long time no see Jonalise!" Si Hans, nasa tabi niya si Lan. Bati na sila, mabuti naman.

Nang makita ko sila Zara ay pumunta ako sa kanila. "Trabaho na ulit?"

Tumango ako kay Shai. "Sinabi ni Architect Montano sa akin na kapag dumating kana raw, pumunta ka sa office niya."

"Okay, sige... Pupunta na muna ako sa kaniya."

"Sabay-sabay tayong mag lunch huh!" Pahabol ko bago umalis. Kumatok ako sa office ni Architect Montano.

"Come in!"

Pumasok naman ako gaya ng sinabi niya. "Good morning po! Pinapapunta niyo raw po ako dito?"

"Yeahh! Here the file." Kinuha ko naman 'yong files na ibinigay niya sa akin.

"Kakausapin mo si Mrs. Williams tungkol sa isang project. At nandyan lahat ng mga pag-uusap ninyo. Siguraduhin mo din na papayag siya sa project." Pagpapaliwanang niya.

"Okay sir, I'll do my best."

"Okay you may go. But before that may meeting pa tayo 11am ka nalang pumunta."

"I'm fine with that. "

Kasabay kung pumunta sila Shai sa may conference room, wala pa ang iba kaya nag kwentuhan muna kami. "Hindi niyo pa pala kilala 'yong ate ko." Dahil sa sinabi ko ay nakuha ko ang atensyon nilang tatlo.

"Ate?"

"May Ate ka?"

"Yeah! Noong nakaraan ko lang din nalaman. Nandoon siya sa bahay ngayon, doon muna siya sa amin ng isang buwan."

"Anong pangalan?" Si Shai. "Jonah, mabait naman." Napatunayan ko 'yon kanina, ang sarap niya ding kasama. Ang sarap pala kapag nagkaroon ka ng Ate.

"Paanong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Ceila.

"Mamaya ko na ike-kwento." Tumingin naman sila sa tiningnan ko. Mag-uumpisa na ang meeting.

Ang pinag-usapan ay tungkol lang naman sa isang company. At dahil nasa ibang ibayo ang isip ko ay hindi ko naintidihan ang isang pinag-usapan. Nang matapos ang meeting ay 11am na.

Being Stupid Cupid (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon