CHAPTER 21

4 0 0
                                    

Uncomfortable

Dumating na ang sasakyan ni Meshill isang black pick-up.

Bumaba ang tauhan niya na siyang nagmaneho sa kanyang sasakyan at agad na ibinigay nito ang susi.

Agad namang pumasok si Meshill sa kanyang sasakyan.

Naglakad kami patungo sa kanyang sasakyan. Kuya Zeki was sitting in the passenger seat.

Pinili kong umupo malapit sa bintana mas gusto ko ang pwestong iyon dahil naaaliw akong pagmasdan ang labas, katabi ko si Eilla na abala agad sa kanyang phone, Sasha quite sitting next to her.

Luminga-linga ako upang hanapin kung nasaan siya.

"Where is Kai?" tanong ko.

"Why? Do you miss him?." ani Meshill. Nagtama ang aming paningin sa rare mirror. Naka-angat ang kanyang kilay.

Hinanap lang miss na agad? "Nag-aalala lang ako dahil baka maiwan siya."

Nagkibit-balikat lamang siya.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng sasakyan agad ko itong nilingon. I saw him carrying some plastic bags. Kaya ba siya natagalan dahil namili siya?.

Umupo siya sa tabi ng kanyang kambal. May dinukot siya mula sa puting plastic bag at iniabot sa kanyang kambal.

A medicine?

"Ano 'yan?." kuryuso kong tanong.

Pinagbuksan niya ng inumin si Sasha agad naman niyang nilunok ang gamot.

"Gamot para hindi ka mahilo sa byahe." ani Sasha.

"Ahh."

Mahihiluhin nga pala siya sa byahe kaya pala kanina pa siya tahimik. I looked at Eilla makikita mo sa kanya na sanay na sanay na siya sa byahe nagagawa niya pang manood ng video sa kanyang phone.

Itinuon ko ang aking atensyon sa pagtingin sa labas. I saw a hand in my perahperal vision agad ko itong nilingon, napatitig ako sa maugat na kamay na nakalahad sa akin.

I swallowed hard.

Nag-angat ako ng tingin upang malaman kung kaninong kamay iyon.

It was Kai's hand! He handed me a bottled juice.

His hand look so manly. Uminit ang pisngi ko.

My hand trembled as i took the bottled juice from his hand.

Sinubukan kong buksan ang takip ngunit dahil narin sa nanginginig kong kamay ay hindi ko ito magawa ng maayos.

Nagulat ako ng kunin niya ito mula sa akin at walang kahirap-hirap niyang binuksan.

I looked at him from his hand... to his jaw... to his face.

My mind returned to reality when i saw him lick his lower lip.

Kanina pa pala nakalahad ang kanyang kamay sa akin, nagmamadali kong kinuha ang juice dahilan para matapon ito sa dress ni Eilla.

Nagulat si Eilla sa nangyari na kanina ay abala sa kanyang phone.

"Oh my, my ten thousand dollar dress!." sigaw niya.

Narinig kong inutusan niyang kumuha ng tissue si Meshill habang ako ay abala sa pagpunas sa kanyang dress gamit lamang ang aking kamay.

Masakit sa tenga ang boses niya panay ang salita niya ng kung ano-ano.

"Let me do that." ani Kai.

Loving You Under The Moonlight (Parola Series 1: Zacharry Levi Ferrer)Where stories live. Discover now