CHAPTER 19

5 0 0
                                    

Dream

"Paano ba kasi ito laruin?" tanong ko.

Agad namang lumingon si Sasha, tumayo siya at umupo sa tabi ko.

Hinawakan niya ang controller na nasa aking kamay at ipinaliwanag kung paano ito gamitin.

"Ganito kasi 'yan, pindutin mo lang itong button na ito para tumalon ang karakter mo at ito namang isa para sa paglalakad. Kailangan asintado mo ang kalaban at dapat mabilis kang kumilos para hindi ka maunahang barilin." aniya.

I nodded.

Kung titignan ay parang madali lang ang pinapaliwanag niya pero kapag nag umpisa na ay nalilito ako at nakakalimutan ko kung ano ang dapat pindutin.

Nagsimula ulit kaming maglaro.

Medyo nakukuha kona kung pa'no ang gagawin. Pinindot ko ang isang button upang maglakad ang aking karakter sama-sama naming pinasok ang isang lumang bahay.

"Careful, girls." ani Eilla.

"Ylo, alisto ka may mga kalaban diyan." ani Sasha.

Pumindot ako ng isang button upang tumalon-talon ang karakter sabi ni Sasha ay mahihirapan ang kalaban na asintahin kapag tumatalon ang target.

Dalawa na ang napapatay ni Sasha habang kaming dalawa ni Eilla ay wala pa.

"Shit, nakakainis!" sigaw ni Eilla.

Nabaril ang karakter na gamit ni Eilla tanging kami ni Sasha at dalawa pang hindi kilalang kakampi ang natitira.

Mabilis akong nakailag nang hagisan ako ng bomba ng kalaban. Agad naming nilisan ang lumang bahay upang lumipat sa iba.

"Sasha, where are you?" tanong ko ng hindi ko siya makita.

"Nasa bintana ako" aniya.

Pinindot ko ang button para tumalon-talon ang gamit kong karakter, pumunta ako sa likod ng isang bahay upang makapag tago.

"Asan ka na? Hintayin kita dito" ani ko.

"Ylo!" sigaw ni Sasha.

Mabuti nalang at napatay ni Sasha ang kalaban na ang target ay ako.

"Thanks. HAHAHA. Kinabahan ako don." ani ko.

Tumatalon-talon palapit sa akin ang karakter ni Sasha. May nakita ako hindi kalayuan sa kanyang likod na inaasinta siya.

Inilihis ko ang karakter na gamit ko at inasinta ang kalaban nanginginig ang kamay kong nakahawak sa controller, hindi ko alam kung ano ang dapat pindutin. Mabilisan kong itinutok ang baril sa kalaban at.... "Head shot!" sigaw ko.

"Ang galing mo, Ylo!" pagpuri sa akin ni Eilla.

"Nice!" ani Sasha.

Nakita ko ang "Victory" sa screen. Naipanalo namin ang laro. May nakalagay na MVP sa karakter ni Sasha.

"Kinabahan ako akala ko hindi ko mababaril ang kalaban." natatawa kong sabi.

"Another game?" pagyaya ni Sasha.

"Why not!" ani Eilla.

"Tara!" sigaw ko.

We play another game.

Unti-unti bumigat ang aking pakiramdam at nakaramdam ng antok.

"Good night, girls" ani ko.

Unti-unti ng bumibigat ang talukap ng aking mata at tuluyan nanga akong nakatulog.

Loving You Under The Moonlight (Parola Series 1: Zacharry Levi Ferrer)Where stories live. Discover now