YDF
"Wala ba tayong gala ngayong araw?" tanong ni Sasha.
Nandito kami sa elevator paakyat sa rooftop.
"I will ask kuya, later." ani Eilla.
Agad kaming tumulak ng marinig namin ang hudyat na nasa tamang palapag na kami. Nang malapit na kami sa pintuan ay may narinig akong mga boses.
Nang makapasok kami i saw kuya Zeki, Meshill and Kai in the pool while drinking.
Drinking? Ang aga naman nilang uminom.
Agad kaming naglakad palapit sa kanila. "Kuya, ang aga-aga umiinom ka?" ani ko.
"Calm, ang aga-aga din papagalitan mo ako?. 'Di mo manlang ako sinabihan ng good morning." aniya.
Ano ang good sa morning kung umagang-umaga susunugin niya ang bituka niya.
I rolled my eyes.
Napatingin si Meshill sa suot namin.
"Stitch, huh?" ani Meshill.
Uminit bigla ang aking pisngi w-wala nga pala akong suot na shorts tanging underwear lang.
Ang siraulo kasing si Eilla sinabing mas masarap raw matulog ng naka underwear lang.
Mabuti nalang at oversized ang suot ko.
"Whatever, kuya. Ano naman ang pake mo kung nakasuot kami ng stitch shirts." Eilla rolled her eyes.
Nagsimula nanaman siyang mag taray.
Hindi gaanong mainit ngayon dahil umaga pa lang at kahit mainit ay hindi naman kami maiinitan dahil may malalaking payong na nakatusok sa bawat table.
"Kuya, Sasha asks if we have a hangout today." ani Eilla.
"Mt. Mayon?" suhestiyon ni Kuya.
Agad namang sumagot si Meshill. "Man, ilang beses na tayo pumunta doon and nuong nakaraang araw lang 'yon." ani Kai.
Tama siya kapupunta nga lang namin doon no'ng nakaraang araw.
"Ngayong summer sa Parola tayo." i suggested.
"Okay" sang-ayon ng lahat.
"Hindi naman nakakasawang maligo doon." ani Kuya Zeki.
"Boys, pwede kayo sumama sa amin pupunta kami sa bayan to buy some groceries." ani Eilla.
Agad naman silang sumang-ayon.
"Bakit ikaw ang bibili, bakit hindi ang mga tauhan ninyo?" tanong ko.
"I told mama that ako na lang ang mamimili ng grocery." ani Eilla.
Nang matapos na kaming mag-almusal agad kaming gumayak para sa pag alis.
"Kaninong bangka ang sasakyan natin?" tanong ko habang naglalakad sa dalampasigan.
YOU ARE READING
Loving You Under The Moonlight (Parola Series 1: Zacharry Levi Ferrer)
RandomFray Gab Capas- amerikanong negosyante sa Paris,France ang pastlife ni Zach Ferrer. Dahil sa kanyang galing sa pag palawak ng kanilang negosyo nagtayo siya ng isang Market sa bayan ng Bicol, Sorsogon. Doon niya natagpuan ang kanyang pag-ibig. Jeysfi...