Chocolate
Nag-aaway si Eilla at Meshill habang pabalik kami kung saan namin iniwan si Mang Kepweng.
Isa-isa kaming bumaba ng sasakyan. Bumungad sa akin ang malamig at maalat na simoy ng hangin.
Lumingon ako kay Sasha para magtanong. "Anong oras na?"
Agad naman siyang tumingin sa kanyang relo. "11:30" aniya.
Kaya pala sobrang init na mabuti nalang at mahangin kaya naiibsan nito ang init.
"Sa bahay na tayong lahat mag lunch." ani Eilla.
I nodded.
Busy ang mga lalaki sa paglalagay ng mga pinamili sa bangka ni Mang Kepweng.
"Kasya ba 'yan lahat sa bangka?" tanong ko.
"I guess, hindi." sagot ni Eilla.
"Baka lumubog tayo kung iisang bangka lang ang gagamitin natin." ani Sasha.
Tama siya. Inubos na yata ni Eilla ang paninda ni ate Jade.
"Dito lang kayong dalawa tutulungan ko lang sila." paalam ni Sasha.
Naglakad siya pababa ng sea wall.
Bago ka sumakay ng bangka kailangan mo munang bumaba sa sea wall may mga batong hagdan dito, minsan kapag low tide ang dagat o puno ang daungan kailangan mong sumuong sa dagat para makarating sa bangka.
Nagtawag ng isa pang bangkero si Sasha. Para siyang lalaki kung umasta.
Tinulungan niyang maglagay sina kuya ng mga boxes sa kabilang bangka.
Namumula na ang balat nilang lahat dahil sa pagkakabilad sa araw.
Gusto ko man silang pasilungin dito sa waiting shed pero baka matagalan lang kami sa pag-uwi.
Nagulat ako ng biglang may yumakap mula sa likod ko.
Naamoy ko agad ang mamahaling pabango ni Eilla.
Bahagya ko siyang nilingon hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa leeg ko.
"What's wrong?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Umiling siya. "Nothing" pagtanggi niya.
Alam kong mayroong bumabagabag sa isipan niya.
"Don't tell me dahil iyon sa sinabi sa'yo ni kuya kanina?" ani ko.
Sandali siyang natahimik.
Tama ako.
Kinalas ko ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap ko siya.
"Wala namang katotohanan ang mga sinasabi ni kuya, Eilla." sinusubukan kong pagaanin ang loob niya.
"What if it will happen to me?" bakas ang pangamba sa boses niya.
"Ikaw lang ang makakapagsabi at makakagawa ng future mo, Eilla. No one can dictate your future. Kahit manghuhula nagkakamali, si kuya pa kaya?." hinawakan ko ang kamay niya. "Kung iiwasan mong mangyari 'yon then hindi 'yon mangyayari, diba?"
She nodded.
Alam kong nagsisikap siyang makuha ang korona bilang Miss Universe. Alam ko rin na marami pa siyang pagdadaanan.
"Siraulo lang 'yon si kuya alam kong hindi niya intensyong saktan ka, baka babala lang niya 'yon sa ating lahat." ani ko.
I hugged her.
YOU ARE READING
Loving You Under The Moonlight (Parola Series 1: Zacharry Levi Ferrer)
RandomFray Gab Capas- amerikanong negosyante sa Paris,France ang pastlife ni Zach Ferrer. Dahil sa kanyang galing sa pag palawak ng kanilang negosyo nagtayo siya ng isang Market sa bayan ng Bicol, Sorsogon. Doon niya natagpuan ang kanyang pag-ibig. Jeysfi...