Sleepover
"Sa inyo ko kaya natutunan 'yon tuwing nagb-break kayo ng mga ex nyo sa'kin nyo sinasabi na
"Ang sakit sseb, mahal ko pa siya!"
Pag-gaya ko sa iyak ni Eilla.
"Tuwing nalalasing kayo."
"HAHAHA" humagalpak kami sa katatawa.
"Ideal man ko lang naman 'yon, pero kung anong tipong lalaki ang ibigay sa'kin tatanggapin ko. Kapag tinamaan ka sa isang tao, you have no choice but to love him." ani ko.
"Mababalewala 'yang ideal man mo, once na tinamaan ka ng pana ni kupido." dagdag ko.
*Clap clap clap. Palakpak ng dalawa habang umiiling-iling.
Mga bua (baliw) I murmur.
"Akala ko ba matutulog ka, sseb?" tanong ko.
"Yes. Sige na tumugtog kana, matutulog na talaga ako." ani Eilla.
"Ikaw, brace... Hindi ka ba matutulog?" tanong ko kay Sasha.
Pftt. Sasha glared at me! Why? May brace naman talaga siya.
"Mamaya na ako matutulog." aniya.
She took out her phone at inabala ang sarili.
"Gisingin ko nalang kayo, kung matutulog ka rin." ani Sasha.
"Okay." nagumpisa na akong kalabitin ang string ng gitara.
Now playing- My heart will go on
Hindi ako kumakanta tanging tunog ng gitara at paghampas ng alon lamang ang maririnig.
Ilang minuto lang ay tuluyan ng nakatulog si Eilla.
Pagtapos ng kanta ay nagpatugtog ulit ako.
Now playing- Magbalik
Unti-unti akong nakaramdam ng antok.
*Yawnn. Paghikab ko. Huminto ako sa pag strum.
"Sasha" pagtawag ko sa kaniya.
"Hmm?" sagot niya habang ang mga mata ay nakatutok sa kaniyang phone.
"Gisingin mo nalang ako kapag alas kwatro na." bilin ko sa kanya.
"Okay" tipid niyang sagot.
Nahiga ako sa tabi ni Sasha.
Nagising ako sa ingay ng mga nagtatawanan.
Nagtataka ako kung bakit malambot ang aking hinihigaan. Siguro ay si Sasha 'to.
Tumihaya ako para maging mas komportable.
"Sasha, ang likot mo." ani ko habang nakapikit parin ang mga mata.
"Hindi naman ako malikot." sagot ni Sasha.
Bakit parang ang layo ng boses niya? Itinagilid ko ang aking ulo habang nakapikit parin.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, nakita ko si Sasha at Eilla na nakaupo sa tapat ko. Nakangisi si Sasha habang si Eilla ay ngiting-ngiti.
Kinabahan ako!
Bakit iba na ang pwesto ko? Kanina ay nakatapat kami sa dagat. S-sino 'tong hinihigaan ko?
YOU ARE READING
Loving You Under The Moonlight (Parola Series 1: Zacharry Levi Ferrer)
RandomFray Gab Capas- amerikanong negosyante sa Paris,France ang pastlife ni Zach Ferrer. Dahil sa kanyang galing sa pag palawak ng kanilang negosyo nagtayo siya ng isang Market sa bayan ng Bicol, Sorsogon. Doon niya natagpuan ang kanyang pag-ibig. Jeysfi...