CHAPTER 12

52 7 7
                                    


Dear December,
Ngayon lang ulit ako nagsulat sorry na lang kung di ako masyado nagsusulat sayo busy kasi eh, anyways ang dami nangyare ngayong araw na to' maayos at okay na kami ni Tanner and he is willing to help to find a donor at naging kami na rin ulit.

Grabe ang rupok ko talaga sa kanya hihi pero I'll try my best to be his girlfriend once again, Dear December... I'm hoping I'll be with him until I have no time to make it.

Sincerely yours,
Luna Ishi Minatozaki
______________________

Niyakap ko ng mahigpit ng aking unan sa sobrang saya at kilig na pakiramdam ko, hindi ako maka paniwala na maging maayos at kami na ulit ni Tanner, ang bilis naman non.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa mga sinasabi ko kanina kay tanner, pero atleast alam na niya ang problema ko ngayon, matutulog na sana ako pero biglang tumunog cellphone ko, kinuha ko agad sa ilalim ng unan ko.

Tanner is calling.....

Huminga ako ng malalim na bigla ko to' nakita sa cellphone ko, sinagot ko ang tawag at ngumiti na lang.

"Hello?" Boses niya pa lang kinilig ako sobra, di ako makapigil ngumiti dahil sa kanyang mababang boses sa pagbati sa akin.

"Bat gising ka pa?" Tanong ko sa kanya, at tumawa na lamang siya.

"Dapat ako nagtanong yan eh, pero wala lang dahil namiss kita"

Tumawa agad ako, "we already met earlier yet you missed me already"

"Kahit na nagkita tayo kanina miss pa din kita"

Tumahimik na lang ako gosh he makes my heart fluttered, that's why I like him so much, "By any chance..." tumigil siya sa huli, siguro huminga siya ng mahangin dahil kinakabahan siguro.

"Pwede ba tayo magkita bukas? Like a date you know.." sabi niya, kailangan pa ba itanong yan? Siyempre naman oo agad, I let a soft laugh, "Sure, since wala naman ako magawa bukas" sagot ko sa kanya.

"Thanks Ishi na hindi mo nireject yung offer ko"

"Wala lang yun Tanner, sige matulog ka na at matutulog na ako, maaga pa tayo lalabas"

"Opo love" Aaaaahh lintek ka Tanner kinilig mo ko doon sobra, kinagat ko labi ko at huminga ng malaman, "Ang harot mo ah!"

"Manang mana lang po kay papa Alexander, Ishi my loves"

"Matulog ka na nga, goodnight~"

"Goodnight and I love you"

Ngumiti ulit ako, "I love you too, Tanner my loves" pinatay ko agad ang tawag at nilagay ko sa ilalim ng unan ko, sa sobrang kilig ko ay agad agad ako nadapa sa unan ko at sumigaw na lamang.

Grabe ka Tanner hindi ka pa rin nagbago hmp! Nakatitig lang ako sa kisame namin at sa dami kong iniisip na ano mangyayari bukas ay agad na sinara ko ang aking mata at matulog na lamang.

_________________________

Nagupdate na po ang author niyong sabog na sabog at tinatamad gumawa ng project 😭✌

Btw nakaka lss yung 'Superhero' by YukaDD

Dear December [Sajun Fanfic] COMPLETEDWhere stories live. Discover now