Chapter 36:The Message

26 4 0
                                    

Chapter 36:The Message

Tashana's POV

Nasa school kami ni Nana ngayon. Si Grey at Winzie ay magkasama. Si Earl ay pumunta na sa Manila dahil sa isang araw ay pasukan na nila.

"Ano ulit course mo?" Tanong ko kay Nana. "Accountancy." Sagot nya.

"Archi sayo diba?" Tanong naman nya sa akin at tumango ako. "So bakit tayo nagsama-sama sa iisang strand dati?" Tanong nya. "Ikaw accountancy, ako archi tas magla-law raw si Winzie." Sabi ko.

"Di kaya mahirapan si Winzie alam ko bilin yun ni Earl sa kanya eh. Ibang course daw muna, maglaw sya pag nakakuha na." Sabi ni Nana.

"Baka mag-tourism or Educ." Sabi nya ulit.

"Pwede naman sya sa tourism. Pag educ naman hmmm..."

"Pwedeng pwede sya dun." Sabi nya.

Matapos ng pag-aasikaso sa forms, nasa mall na kami. Huling gala bago ang pasukan.

"Sha, wait lang." Sabi nya at sinagot ang tawag.

(Oh? Baby?)

(Oo. Sa mall.)

(Sige, sa McDo nalang.)

(Ok ok sige.)

"Hintayin daw natin sila at tapos na rin. Sa McDo nalang magkita kita." Sabi nya at pumasok na kami sa McDo. Madalang na ang tao dahil tapos na sigurong mamili ang karamihan, wala na kasing sale.

"Chicken fillet sa akin, tapos nagtext si Winzie, chicken burger daw sa kanya, kay Grey kahit ano basta chicken tapos McFloat yung drinks." Sabi ko pagtayo nya.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko at nagchat si Dave sa akin.

Dave Tecson

Babe, kumusta?-sya

Ayos lang naman.-ako

Nabuksan mo na ba yung gift ko?-sya

Oo naman.-ako

Good.-sya

Kumusta pala kayo dyan?-ako

Ayos lang kami. Nag-aadjust lang kasi di ako sanay rito pero mabait naman si Nico kaya magiging ok din lahat.-sya

Mabuti naman.-ako

Seen

Kumusta naman si Ashlyn tsaka yung baby nyo?-ako

Seen

Naghintay ako ng dalawang minuto pero hindi ako nakatanggap ng reply. Masakit yung tanong pero syempre, I can't ignore. Gusto kong masiguro na maayos ang trato nya kay Ashlyn kahit na ayaw nya dun. I know sya yung pinagseselosan ko but what can I do? Hindi ko kontrolado ang pag-ikot ng mundo. Kung may tampo man ako kay Dave, yun yung paglilihim nya.

"Sha, nakapila na si Nana?" Tanong ni Grey at naupo sa tapat ko. "Oo." Sagot ko.

Naupo naman si Winzie sa harap ko at mukhang may kausap sa cellphone. Buti pa sila kahit na mapapalayo sa bf at gf nila masaya. Buti pa sila walang problema about sa lovelife. Paano naman kami?

"Uuwi raw si Earl sa Saturday." Sabi ni Winzie. "Lakas naman ni Earl, mahal na mahal si Winzie." Pang-aasar ni Grey.

"Sira! Anniversary kasi namin." Sabi ni Winzie. "Ahh akala ko naman namimiss ka na masyado."

Ako kaya, namimiss kaya ako ni Dave? Naiisip nya rin kaya ako? Baka naiisip nya lang ako kapag hawak nya yung cellphone nya.

"Tasha, ok naman kayo?" Tanong ni Grey. "Ha? Ahh oo." Nagtinginan sila ni Winzie at nagkibit balikat. Dumating naman si Nana at nilapag ang number namin kasama ang drinks.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon