Chapter 14: Outing

62 6 0
                                    

Chapter 14: Outing

Tashana's POV

Sembreak ngayon at may 2 weeks kami para sa bakasyon. Sila mama may lakad at next week pa babalik. Sila ate dun na raw muna at mag-isa ako ngayon.

"Bat mo iniwang bukas yung gate?" Nagulat ako sa nagsalita. Nanonood kasi ako ng tv tapos bigla syang tatabi sa akin.

"Nakalimutan ko lang." Sagot ko. "Buti ginising mo ako kanina." Sabi nya. "Oo ah. Mabait ako eh." Sagot ko naman.

"Hinatid ka?" Tanong ko sa kanya habang nakafocus sa panonood. "Ako lang nagdrive." Sagot nya kaya napalingon ako. "Ano? Limang kanto lang pagitan ng bahay natin." Sagot nya.

Pumunta ako sa kitchen para maghanda ng meryenda. Nagdurog ako ng saging tsaka ko nilagyan ng asukal at gatas. Parang cerelac to. Naghanda na rin ako ng juice.

"Nga pala, pupunta tayong Baguio sa Wednesday. Nandun si papa nagpareserve sya ng hotel para sa atin." Naupo ako sa tabi nya at nag-umpisang kumain. "Ipapakilala mo ako?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa kasi nya ako naipapakilala personally sa papa nya. "Oo naman. Sila Viena tsaka sila Grey sinabihan ko na rin." Sabi pa nya.

"Oh. Saging." Alok ko. Nag-umpisa syang kumain habang nanonood ng tv. "Ilang araw tayo dun?" Tanong ko. "2-3 days." Sagot nya. Umiinom sya ng juice nang matabig ko ang kamay nya kaya tumapon yun sa short nya. "Sorry." Sabi ko at dali-daling kumuha ng basahan at bimpo. Tumayo sya para tulungan akong punasan ang natapong juice. Natawa naman ako bigla nang makita ang itsura nya ngayon. "Para kang naihi." Natatawang sabi ko. Light brown ang short nya kaya halatang basa.

Umakyat ako para kumuha ng pamalit nya. "Papahiramin nalang kita ng mga lumang damit ni papa." Sabi ko pero tumanggi sya. "Sige na. Ipapamigay na nya to kaya ok lang." Napakamot sya sa batok nya at sumunod sa akin. "Pumili ka na dyan." Sabi ko. Lumabas muna ako para makapagpalit sya.

Malapit na rin maglunch at may tira naman sa niluto ko kanina. Bumaba na si Dave at sinamahan akong maghain. Napanganga ako nang makita kong nilalanggam ang kaldero. "Bakit?" Tanong ni Dave pero di ako kumibo. "Nilalanggam? Oh wag kang iiyak." Sabi nya. Kumuha ako ng canton at nagluto nalang. "Bakit canton?" Tanong nya. "Eh sayang bigas. Tsaka nagdi-diet ako." Sagot ko at agad naman syang tumawa. "Diet? Kapayat mo nga." Sabi nya. "Mabigat na rin ako." Sagot ko naman.

"Itlog ulam mo kanina noh?" Sabi nya kaya tumango ako. "Bat alam mo?" Tanong ko. "Syempre. Puro prito lang alam mong iluto." Agad ko syang inirapan dahil sa sinabi nya. "Marunong naman ako magluto ng canton." Sagot ko at tumawa nanaman sya.

"Edi ikaw na marunong magluto ng pakbet." Sabi ko naman at inayos na ang canton na niluluto ko.

"Ano-anong damit dadalhin ko?" Tanong ko kaya napatitig sya sa akin. "Monday palang po. Wag kang excited." Sabi nya. Hindi nalang ako kumibo. Ang epal nagtatanong lang ako eh.

"Btw, naalala mo nung nagkita tayo sa bar nila Brix? Yung mga panahong halos every friday may party sa kanila. Tapos palagi kitang nakikita. Ang galing mong sumayaw dun." Sabi nya kaya napayuko ako. "Bakit?"

"Eh kasi.."

"Ano?"

"Wala. Nakakahiya kasi. Mukha pala akong pokpok noon." Sagot ko naman. "Hindi naman. Kaya kita binawalan baka kasi malasing ka tapos di mo naman kilala yung mga kasama mo dun. Kahit na buong batch natin yung nandun hindi mo naman sure kung matino lahat." Sagot nya.

"Babe."

"Hm?"

"San tayo unang nagkakilala or nagkita?" Tanong ko at agad syang napaisip. "Nagkita sa coffee shop. Kasi sa bar ako lang nakakita sayo at hindi naman nagtama yung paningin natin." Sagot nya. "Ganun? Pero wag mo nang alalahanin kung paano ako sumayaw." Sabi ko pero pigil na tawa lang ang sinagot nya.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon