Chapter 22: Escape

40 6 0
                                    

Chapter 22: Escape

Dave's POV

Nandito si papa sa bahay namin. Ni hindi sila nag-uusap ni mama. Si mama ay nasa kusina lang kasama si tito. Si papa ay nasa sala at nanonood ng tv. "Dave, Ash will be here at 1:00 pm." Napakunot ang noo ko. Bakit pupunta sya rito? Sumenyas si tito na lumabas na pumasok muna ako sa kwarto habang sya ay nagtetext. Pagpasok ko sa kwarto ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

Agad akong nag-impake ng gamit na sapat para sa 7-10 days. Sinabihan ko na rin sila tita para pagpunta ko dun susunduin ko nalang agad si Tasha. Makulit kasi yun, ang dami pang tanong kapag may sinabi ako. Bandang 11 am nakatulog si papa sa sofa. Dahan-dahan namin akong lumabas para sumakay sa kotse. Si tito naman ang nagdala ng gamit ko. Nang mailabas ko ang kotse ay sinakay na nya ang 1 maleta at isang bag.

Napapabuntong hininga ako. Bakit kailan umabot sa ganito? Hindi pa ba sapat yung pagcontrol nya sa akin? Nakarating ako kila Tasha. Nasa labas na sya ng bahay at sinakay naman ni tito ang mga gamit nya. Si Tasha naman ay nagtataka pa rin. "Sumakay ka na." Sabi ko pero hindi nya ako sinunod. "Rule number 10." Sabi ko kaya sumakay naman agad sya.

Pinaandar ko na ang kotse at ang air con. Tahimik lang sya habang nakatingin sa bintana. Napapatingin ako sa kanya pero parang nakasimangot sya.

"Bakit?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa daan. "Wala." Sagot nya. "Ang tahimik mo. Masyado mong sinusunod yung rule number 2." Sabi ko ulit pero bumuntong hininga lang sya.

"Nagugutom ka?" Tanong ko pero di sya sumagot tulog na pala. May baon akong fries na luto ni mama tapos yung specialty kong burger.

Bandang 3:00 nagising sya. Huminto muna kami sa mapunong part ng daan para kumain. Nasa labas ako at sya naman ay nasa loob nakaupo. Nakatayo ako sa harap nya habang sya ay kumakain.

"Tasha, ikaw ba yan?" Tanong ko sa kanya. Agad naman nya akong inirapan. Pinisil ko ang pisngi nya at pinahid ang ketchup na nasa gilid ng kanyang labi. "San tayo pupunta?" Tanong nya sa akin. Nilapag ko ang pagkain sa hita nya at pumasok sa kotse. "Sa lugar kung saan tayong dalawa lang." Agad akong nagwink at pinaandar ang kotse.

Sana worth it tong ginagawa ko. Binuksan ko ang cellphone ko at ang dami palang missed calls ni mama. Naka-bluetooth ang cellphone ko sa speaker ng kotse kaya tinawagan ko sya.

(Dave.)-sya

(Yes ma?)-ako

(Nak, hinahanap ka ng papa mo.)-sya

(Paano nyo po nilusot?)-ako

(Nagtulog-tulugan kami para kunyari di namin alam kung nasaan ka. Sabi namin baka nakila Grey ka.)-sya

(Ma..)-ako

(Nak, nakauwi na sila pero babalik daw bukas.)-sya

(Ma, ok pa ba to?)-ako

(Oo naman nak. Tsaka isa pa, hindi habang buhay eh kontrolado ka ng papa mo.)-sya

Biglang naputol ang tawag at ilang beses kong tinawagan pero unattended na. Baka lowbat si mama. Nagpatugtog nalang ako ng random music kung ano mang nasa playlist ko. Bumubontong hininga ako at naramdaman ko ang paghawak ni Tasha sa kamay ko.

Agad kong narinig ang tugtog. Passenger seat at ito ang gusto kong tugtog kapag bumibyahe.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car, and
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon