Chapter 16: Ignore him

59 6 0
                                    

Chapter 16: Ignore him

Tashana's POV

"Bakit hindi ka makasagot?" Tanong ko ulit sa kanya. "Wag mong sabihing nagkukwentuhan lang kayo." Inis kong sabi. "Oo nga nagkwentuhan kami. Eh kaso nahila ako sa pool kaya nga---"

"Kaya mo ako iniwan mag-isa kanina para sumama sa kanya?" Sabi ko pa. "Tasha hindi ganun--"

"Talaga?" Pumasok ako at inayos ang mga gamit ko. Gusto ko nang umuwi. Nakasunod lang sya sa akin.

"Tasha, bakit?" Tanong nya pero hindi ako sumagot. "Uy, ano ba?" Pinigil nya ang kamay ko pero tinanggal ko agad yun mula sa pagkakahawak nya. Patuloy lang ako sa pag-aayos sa gamit ko.

"Alam kong galit ka, pero makinig ka naman sa akin." Sabi nya. "Tasha, wag namang ganito. Nag-eexplain palang ako." Padabog kong sinara ang mga bag ko at lumabas ng kwarto. "Kitang-kita ko, Dave. Sa tingin mo may dapat ka pang iexplain?"

Naglakad ako sa hallway ng hotel pero nakasunod sya. Alas dose na at kung sakali mang aalis ako di ko sure kung may sasakyan pa. Hindi ko naman kabisado to. "Tasha." Tawag nya sa akin pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Nasa pinto na ako ng hotel nang may humila sa akin at niyakap ako. "Sorry." Bulong nya. Nakadukdok sya sa balikat ko. "Sorry kung iniwan kita kanina." Pilit ko syang tinutulak pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin. "Sorry, Tasha. Sana pala umakyat na ako agad pagkatapos kumain. Dapat hindi ko na sya kinausap." Nanatili akong tahimik habang sya ay nagpapaliwanag sa nangyari.

"Sorry."

Matapos nyang sabihin yun ay natahimik kami. Walang umiimik sa loob ng ilang minuto. Inangat ko ang ulo nya at nakita kong puno ng luha ang mukha nya. Bigla syang dumukdok ulit sa balikat ko. "Wag mo akong tignan habang umiiyak." Sabi nya.

"Tasha, sorry. Sorry, sorry, sorry, so--"

Tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakayakap sa akin. Naglakad ako pabalik sa kwarto. Nasa hallway palang kami ay sumisigaw na si Dave. "Tasha." Hindi ko sya nilingon at dumiretso lang sa kwarto.

Alam kong masama yung ginawa ko. Pero ayokong ibuhos sa kanya lahat ng inis ko. Inaantok na ako at kailangan ko ng lakas bukas.

Pagkagising ko ay inayos ko na ang mga damit ko. Pagkakain kasi namin maliligo lang kami tapos uuwi na. May nagtext sa akin kaya binasa ko yun.

From:Mama

Nak, ingat ka sa pag-uwi ah. Sa Sunday na kami uuwi. Yung ate mo nilalagnat ngayon kaya kahit nasa Cebu eh di makalibot.

To:Mama

Ganun po ba? Sige po ma, ingat din po kayo.

"Anong oras tayo aalis?" Tanong ko kay Winzie na nakaupo sa bed nya. "10 daw." Sagot nya. 7 am palang at mahaba pa ang oras.

"Si Nana?" Tanong ko ulit. "Nasa cr sumasakit daw tyan." Sagot nya. "Nga pala, kagabi gising pa ako nung nag-aaway kayo ni Dave. Ok na ba kayo?" Tanong naman nya kaya umiwas ako ng tingin.

"Kahina-hinala naman kasi talaga itsura nung babae na yun." Sabi nya. Nanatili ako sa pakikinig sa sinasabi nya. "Kagabi inaya nya si Dave eh eto namang bf mo sumunod."

"Hayaan mo na. May kalayaan syang gawin yung gusto nya."

"Shasha, kung mahal ka nya, dapat bumalik sya agad kagabi kasi kailangan mo sya."

Umiling lang ako. "I don't have a right to force him. He's just my boyfriend and even if we're married, I still don't have a right, because I don't own him." Agad akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. "May tiwala ako kay Dave. At kahit ipakita nyang wala na syang interes sa akin syempre mamahalin ko pa rin sya."

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon