Chapter 55: Hatred

46 3 0
                                    

Chapter 55: Hatred

Dave's POV

Nagising si Tasha na nasa sofa. Agad namin siyang inalok ng tubig at tumabi sila sa kaniya.

"Buti nasalo ka ni Dave. Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Winzie. Ayoko nalang makisali dahil habang malapit ako sa kaniya baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bawiin siya. Hindi ko rin gustong umabot sa puntong 'yon, baka iba ang magawa ko.

"Bakit ayaw mong magsalita?" Tanong ulit ni Winzie. Nakatingin lang si Tasha sa kanila at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Nagsisisi--" Naputol ang dapat sabihin ni Tasha nang bigla siyang umiyak. Agad naman siyang niyakap ni Nana at ako ay nakatingin pa rin sa kanila.

"Sabihin mo, Sha. Kaibigan mo kami alam naming may problema ka." Sabi nanaman ni Winzie. Alam kong ayaw niya lang ipakitang nag-aalala siya nang sobra kaya hindi niya niyayakap si Tasha. Pero ako... Gustong-gusto kong yakapin si Tasha. Kaso nga lang...hawak na nga pala siya ng iba.

"Buntis ako." Agad napunta sa kaniya ang atensyon naming lahat. B-bakit ang bilis? Pero hindi, ayos lang naman. Gulat na gulat ang lahat sa binalita niya at ako ay nanatili sa kinauupuan ko.

"Bakit putlang-putla ka?" Tanong ni Nana. "Dahil..."

"Ano?" Naghihintay kami ng sagot mula sa kaniya dahil nakakapagtaka. Parang wala siyang sapat na tulog.

"Sinasaktan ako ni Makkie. Araw-araw sinasampal niya ako kapag nakikitang may kausap akong lalaki. Kliyente ko 'yon." Sabi niya habang sinasabunutan ang sarili. "Akala ko magbabago siya. Nangako siya sa akin eh." Kung alam ko lang na ganoon siya tratuhin ni Makkie dapat talaga binawi ko na siya agad. Akin si Tasha eh... Hindi siya dapat nahihirapan ngayon.

"Ipapahanda ko na ba ang korte?" Seryosong tanong ni Winzie. Halatang galit na galit siya ngayon.

"Hindi. Ayos pa ako." Napakuyom ang kamay ko dahil sa sagot niya. Anong ayos doon? Hindi naman tama ang ginagawa sa kaniya. "Hindi pa 'to alam ni Makkie. Ayoko munang sabihin."

"Kung mahal ka niya, magpapakatino siya para sa'yo." Sabi ni Earl. Hindi na rin nila mapigil ang sarili nila sa sobrang inis.

"Ayoko namang sabihin agad. Baka kasi magpakatino siya dahil sa anak namin at hindi dahil sa akin mismo." Gusto ko nang sugurin si Makkie para suntukin. Anong karapatan niyang gawin 'yon kay Tasha.

"Hindi naman pwedeng ilihim mo 'yan sa kaniya. Hindi pwedeng hintayin na lumaki ang tyan mo bago pa kayo magkaayos." Sabi ni Grey.

"Sa totoo lang, hindi rin maayos ang honeymoon namin. Minura niya ako noong gabi. Sinabihan niya akong walanghiya dahil ang kapal daw ng mukha kong kuhaning best man si Dave."

"NASAAN BA KASI SILA TITA? BAKIT HINDI KA NAGSUSUMBONG? BAKIT HINDI KA MAN LANG NAGLAKAS NG LOOB NA SABIHIN SA ATE MO O KAY KUYA REI? BAKIT HINAHAYAAN MONG GINAGANIYAN KA NIYA?" Ayokong manatiling tahimik dito. Nasasaktan ako para kay Tasha. Hindi niya dapat sinasaktan ang asawa niya.

"Ayoko lang namang masira kami." Mahina niyang sabi na mas lalong nagpabigat sa loob ko. Mas gugustuhin ko pang mag-isa niyang alagaan ang magiging anak niya kaysa sinasaktan siya ng sarili niyang asawa.

"So all this time balewala 'yong pinangako niya sa harap namin?" Tanong ni Earl at agad tumango si Tasha.

"Baka sumunod siya rito. Magtago ka, Dave." Sabi niya at parang nag-umpisa siyang mataranta. Pinili kong huwag sumunod sa kaniya. Ano naman kung pupunta si Makkie? Ano naman kung susunod? Mas mabuti na 'yon para ma-realize niyang wala siyang dapat ikagalit kung magkaroon man ng kausap na babae si Tasha.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon