Chapter 10:Broken
Tashana's POV
Kagigising ko lang at 5:00 palang ng madaling araw. Tinawagan ko na si Dave.
(Hmm?)-sya
(Gising na!)-ako
(Ouhmm)-sya
(Bangon na!)-ako
(Hmmmm)-sya
(Rule number 3.)-ako
(Ikaw dapat gumagawa.)-sya
(Eh kahit na. Anong oras na oh.. May pasok pa tayo. Diba exam ngayon? Magreview ka bago pumasok. Hoy, bangon na! Ang bagal bagal mo.)-ako
(Rule number 2.)-sya
(Hehe. Sorry.)-ako
(Babangon na ako. Sige na kumain ka na.)-sya
Pinatay ko ang call at tumayo para pumunta sa kitchen. "Good morning ma!" Sabi ko kay mama at tinulungan sya magluto ng umagahan. "Diba exam nyo? Ako na rito, magreview ka na muna ulit." Sabi ni mama kaya kinuha ko ang reviewer at nagtimpla ng gatas tapos naupo sa sofa.
Lumabas si ate at dumiretso sa cr. Si kuya Rei naman ay sumunod sa kanya. Sana ganun din sa Dave sa future.
"Nak, kain ka na." Sabi ni mama habang hinahain ang bacon. Ang bango naman. Agad akong naupo at sinabayan si mama sa pagkain. "Dumiretso kayo rito mamaya ah." Sabi ni mama. 6 am palang at mamayang 7:30 pa ang klase. Natapos akong kumain kaya naligo na ako at gumayak. Natapos ako nang 6:50. Mahaba pa ang oras kaya nagreview muna ulit ako.
May bumusina sa labas kaya nagpaalam na ako kila mama na aalis na ako. "Ingat kayo nak." Sabi nya at lumabas na ako. Pagsakay ko ay sa cellphone ako nagreview nakakaduling kasi kapag sa mismong bond paper ko binasa. Biglang kinuha ni Dave yung phone ko. "Bakit?" Tanong ko kaya agad nyang binalik. "Akala ko kung ano lang ginagawa mo." Sabi nya.
Pagbaba namin ay sabay ulit kami. Nasa harap na kami ng room namin. Pinat nya ang ulo ko. "Pagbutihan mo." Sabi nya. "Ikaw rin." Sagot ko tsaka ako pumasok.
Inabutan ko si Viena na nakatahimik lang at nagbabasa. Lately ang tahimik nya. "Nana." Tawag ko sa kanya. "Hm?" Nakita ko ang mata nyang namamaga. "Anong nangyari?" Tanong ko pero umiling lang sya. Hinawakan ko sya sa balikat. "Magfocus ka muna dyan ah." Sabi ko at tumango naman sya.
Hindi ko sure pero sa tingin ko umiyak sya. Imposibleng puyat lang sya kasi alam ko hindi sya nagrereview nang sagad kapag may exam.
"Tasha, tanungin mo ako." Sabi ni Winzie. May 5 minutes pa bago mag-umpisa ang exam. "Maganda ba ako?" Tanong ko pero inirapan nya lang ako. "Tanong naman yun ah." Sabi ko. "Ewan ko sayo." Sabi nya kaya tinawanan ko lang sya.
Nag-umpisa na ang exam at so far nasagot ko naman. Kailangan kong maging honor, may times kasi na nawawala ako sa honor pero madalas kasama ako sa top 10.
Lunch na at kasabay namin ulit sina Viena at Winzie. "Anong sagot mo sa 10?" Tanong ni Winzie. "A. Ikaw ba?" Tanong ko rin. "B." What? "Viena, ikaw?" Tanong ko kay Viena. "B. Puro B sagot namin dun." Sabi nya. Hala! Paano kapag nag item analysis?
Tinignan ko si Dave na tahimik na kumakain habang nagrereview. "Kumain ka." Sabi nya kaya kumain nalang ako. Nakakainggit si Dave, hindi nawawala sa top pero nandun lang sya sa top 3-5 dun lang umiikot yung rank nya.
"Babe, reviewhin mo ako." Sabi ko sa kanya. "Kumain ka muna." Sagot naman nya. "Sabayan mo ng basa yung pagkain." Sabi pa nya.
Natapos kaming kumain at nagreview ulit kami. Si Viena ay tahimik lang din habang si Winzie ay halos isigaw ang nirereview nya.
BINABASA MO ANG
10 Ways How to Make Him Stay
Fiksi RemajaHanggang saan ang kaya mong gawin para manatili ang taong mahal mo? Ilang beses kang magtitiis at magsasakripisyo? Sampung kondisyon ang hinihingi ni Dave Tecson kay Tashana Rousseff. Kaya ba nyang gawin lahat ng ito para manatili sa piling nya ang...