Chapter 32: Anniversary

27 4 0
                                    

Chapter 32: Anniversary

Dave's POV

Bukas na ang anniversary namin ni Tasha. Siguro bukas muna yung huli naming pagkikita. Kailangan ko ng space mula sa kanila, kailangan kong mag-isip-isip sa mga nangyayari ngayon.

"Dave, nak."

"Po?"

"Aalis ka? Samahan na kita." Pupunta ako sa coffee shop ngayon para ipareserve yun. Hindi kami mayaman pero mahalaga ang okasyon bukas.

"Sige po. Gagayak lang ako." Sagot ko kay tito. Nagpalit lang ako ng damit at kinuha ang cellphone at wallet ko.

"Anniversary nyo?" Tanong nya at tumango ako. "Paano mo pala sasabihin sa kanya yung sinabi mo dati?" Tanong nya ulit. "Tito... May aaminin po pala ako."

"Ano yun?"

"Kagabi kasi, nakausap ko si Ashlyn at-- B-buntis sya." Napailing si tito habang nakakunot ang noo. "Alam mo, Dave. Di baleng mawalan kami ng tirahan kesa ganyan ang ginagawa sayo ng tatay mo."

"Tito, hindi po. Sobrang dami nyong sakripisyo sa akin, eto yung sukli ko." Hindi sya sumagot kaya katahimikan lang ang bumalot sa amin.

"Lahat ng ginagawa nya ngayon, balang araw babalik sa kanya." Pahabol nyang sabi bago ihinto ang kotse.

Pagbaba namin ay sumama sya pagpasok. Sa counter agad kami dumiretso.

"Yes sir?" Tanong ng nasa counter. "Pwede po bang ipareserve ang buong place bukas?" Tanong ko. "For?"

"Anniversary." Sagot ko.

"Ahh.. Anniversary nyo po nung girl na maganda. Sure, sir. Pa-fill up po." Inabot nya ang form sa akin at nagfill-up ako.

"Thank you, sir." Sabi nya at lumabas na kami.

"Mall?" Tanong ni tito at tumango ako.

Nasa department store kami at namimili ng pang regalo. "Tito, ano bang magandang pang regalo?" Tanong ko. "Ikaw ba? Bag? Para sa college nya? Yung matibay." Sagot nya.

Agad naman akong pumunta sa section ng mga bag. May mga magagandang kulay rito. May nakita akong white and pink na bag. "Tito, matibay to diba?" Tanong ko at pinakita sa kanya ang bag. "Oo. Kaso mukhang maliit." Kinuha nya ang isang color pastel pink at inabot sa akin. "Mas matibay yan." Tinignan ko ang presyo at afford ko pa naman. Mula nung maging kami pinag-ipunan ko na talaga ang para sa anniversary namin.

"May bibilhin pala ako." Sabi ni tito at sinamahan ko sya sa section ng mga pantalon.

"Ngayon lang ulit ako makakabili ng bagong pantalon eh." Sabi nya at pumili ng dalawa.

Nasa counter na kami at kinuha ko na ang pantalon na binili ni tito. Ako na ang nagbayad parehas.

"Magkano yan, nak?" Tanong nya. "₱1400 po."

"Yung akin?" Umiling ako. "Tito, hayaan nyo po akong bumawi sa inyo. Sa ngayon yan palang ang kaya kong ibigay. Pag naging engineer ako, ipagpapagawa ko kayo ng malaking bahay." Sabi ko habang nakangiti. Makita ko lang ang ngiti ng magulang ko masaya na ako. Ang dami nyang sakripisyo sa akin, gusto ko namang bumawi.

"Tito, daan po pala tayo sa McDo."

"Bakit sa McDo?"

"Maraming tao sa iba eh. Apat palang yatang fast food ang gawa rito." Sagot ko.

"Tatlong chicken fillet." Sabi ko. Kailangan may pasalubong kami kay mama.

Nang makauwi kami ay hapunan na rin, napasarap kasi kami sa pag-iikot sa mall. "Ma, nandito na kami!" Nilapag ko ang pagkain sa lamesa at binaba muna sa sofa ang mga binili namin.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon