Chapter 2: First Day

200 8 0
                                    

Chapter 2: First Day

Tashana's POV

"BABE!" Agad kong sigaw nang makita si Dave sa harap ng bahay namin. Nakasandal siya sa kaniyang motor habang hawak ang cellphone.

"Number 2." Sabi nya at ibinulsa ang cellphone at tsaka sumakay sa motor.

"Pero nagawa ko yung number 4." Sagot ko. Hindi sya kumibo kaya sumakay nalang din ako. Humawak ako sa balikat niya habang mabilis na nag-drive papunta sa school.

Mabilis kaming nakarating sa school. Naglalakad kami papunta sa building namin. Parehas naman kami ng building pero magkaiba ng floor.

"Do your best babe." Sabi nya tsaka tinap ang ulo ko. Napepressure ako nang di oras dito eh. Pero bakit ang sweet niya? Parang walang nangyari kahapon ah. Pero ang gulo niya talaga, nakipag-deal pero ang sweet.

Pumasok na ako sa room at di na nya ako hinatid. Masyadong malayo ang room ng isa't isa. Ayoko rin namang ma-late siya. Isa sa pinaka-responsible na students ng STEM si Dave kaya dapat maganda ang image niya.

"Tasha!" Agad na sigaw sa akin ni Viena. Gulo-gulo ang maikli niyang buhok at ang bangs ay nakahawi sa gilid ng kaniyang noo.

"Bakit?" Tanong ko. "Wala lang namiss lang kita." Inirapan ko lang sya. Baliw talaga 'tong kaibigan ko.

"Ano namang nangyari sa inyo kahapon? Sa monthsary nyo?" Eto nanaman. Makikichismis nanaman po sya. "Secret." Sagot ko at tinalikuran sya.

"Edi wag. Nga pala mamayang lunch aalis ako. Magcu-cutting kami ni Fiona." Oo gf nya si Fiona. Wag nyo nalang tanungin kung sino yung lalaki sa kanila basta magjowa sila.

"May quiz tayo mamaya." Sabi ko at agad naman siyang nagtaas-taas ng kilay. "Mas importante ang jowa kesa aral." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.           
"Wag mo akong kunutan ng noo dahil mas malapad ang noo ko kesa sayo." Sabi nya tsaka ako tinalikuran.

Mabilis na lumipas ang oras at lunch time na. Nagkita kami ni Dave sa park. Tambayan ng magjowa to hindi park. Wala namang masama, magjowa naman kami eh.

"Bakit dito tayo?" Tanong ko. Naglalabas kasi siya ng mga baunan at nang binuhat ko 'yon ay sobrang bigat. Para bang isiniksik lahat ng pagkain doon.

"Nagbaon ako ng pagkain natin. Ako ang nagluto. Pumapayat ka na." Sabi nya tsaka pinisil ang braso ko.
"Eh ano naman? Atleast sexy." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Hindi ganoon kaganda ang kilay ko kumpara sa iba. Pero alam ko namang maganda ako, inside and out.

"Sexy? Hindi sexy tawag dyan. STICK!" Malakas nyang sabi. Nakakahiya to ahh. Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Nakita ko pa ang isang babae na tumatawa kasama ang boyfriend nya. Epal kayo?

"Wag kang maingay. Rule no.2" Sabi ko. "Ikaw ang dapat gumagawa nun at wala akong kinalaman sa mga rule na gagawin mo." Seryosong sabi nya habang inaayos sa hatap ko ang burger. Punong-puno ng lettuce to ah at mayonnaise.

"Eh ano ba kasi yang pagkain na dala mo?" Tanong ko. Gutom na ako kasi nga nakakastress yung nga subject kanina.

"Burger, made by me. Lasagna, made by mom. Pinasadya ko yan para sayo." Sabi nya. Napangiti ako nang palihim. Enebe Dave, joke lang. Pero sa totoo lang ang swerto ko na rin dahil suportado kami ni tita.

"Wag kang ngumingiti dyan. Wag kang marupok." Hindi ko alam kung paano ko sya idedescribe ngayon. Pero ang gwapo nya lalo kapag seryoso ang aura nya.

"Ako marupok? Sino ba yung napilit ko na bumalik kahit nakikipag-break na?" Nang-aasar kong tanong.

Inirapan naman niya ako at nag-focus na ulit sa pag-aayos ng lasagna. "Mahal nga kita. Ewan ko sayo!" Naaasar niyang sabi.

Nagpigil ako ng tawa at tsaka nagsalita. "So bakit ka nga nakikipagbreak kahapon?"

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon