Chapter 42: Baby Yana

30 5 0
                                    

Chapter 42: Baby Yana

Dave's POV

"It's a girl!" Sambit ng doktora habang hawak ang kapapanganak palang na anak namin ni Ashlyn. Binigay sa akin ang gunting at ako ang pinagupit ng pusod.

"Congratulations." Sabi ng nurse at kinuha muna ang baby.

Inalalayan ko si Ashlyn habang hinihintay na lumabas ang placenta nya. May luha pa rin sa kanyang mga mata at alam kong masakit pa rin ang pakiramdam nya.

"Di ko na kaya, Dave." Hinawakan ko sya sa balikat. "Konti nalang." Sagot ko.

Matapos ang lahat, nailipat na sa kwarto si Ashlyn. May pinsan syang business woman dito at pinakiusapang sya ang tutulong kay Ashlyn sa pag-aalaga. Walang tutulong sa kanya sa bahay dahil iisang babae nya lang at wala rin kaming alam sa pag-aalaga ng kapapanganak.

"Nasan si baby?" Tanong ni Ashlyn pagkagising nya. "Mamaya dadalhin." Sagot ng pinsan nya. Filipina nurses ang nag-aasikaso kay Ashlyn mula kanina.

"Ano palang name ng baby nyo?" Tanong nito. "Niana Diamond Alyne." Napakunot ang noo ko. Seryoso?

"Diamond? Seriously?" React ko sa sinabi nya. "Bakit?" Tanong nya. "I'd rather choose to have a simple name for that child than to have a long exaggerated name!" Agad akong lumabas at padabog na sinara ang pinto.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya sinagot ko yun.

(Happy Valentine's babe!)-sya

Napabuntong hininga ako. It's already 14. Hindi ko namalayan sa sobrang pressure ko mula palang sa pagle-labor ni Ashlyn.

(Happy Valentines!)-ako

(Kumusta?)-sya

(Uhh eto....)-ako

(Nanganak na si Ashlyn? Congrats sa inyo.)-sya

(H-how did--)-ako

(Nagchat si Ashlyn. Kachachat lang bago ako tumawag.)-sya

(B-babe, I'm--)-ako

(You don't need to say sorry. Gusto ko maging mabuting tatay ka sa kanya. Si Ashlyn lang ang babae sa bahay nyo, kaya sana yung nalalaman mo tungkol sa pag-aalaga ng bata, i-apply mo.)-sya

(I miss you.)-ako

(Pwede ko kayong tulungan, may alam naman ako dyan kahit konti.)-sya

(Babe, hindi, ok lang.)-ako

(Habang tinatanggihan mo yung offer ko, mas nagtatampo ako. It's my only way para ma-feel na nasasamahan kita sa pag-aalaga ng bata.)-sya

(Sige babe. Hindi naman kita matatanggihan.)-ako

Pagpatay nya ng call, agad kumirot ang puso ko. Ang sakit sa part nya ramdam ko yun. Ni hindi ko man lang naalalang batiin sya, anong klaseng bf ako?

"Hello mommy!" Pumasok ang nurse kasama ang baby kaya pumasok na rin ako.

"Ang cute." Sabi ng pinsan nya at lumapit naman ako.

Nakuha nya ang mata ni Ashlyn at ang matangos na ilong. Siguro ang nakuha sa akin ay yung tenga na hindi kalakihan at yung kilay na makapal. Sa pilikmata hindi ko alam, pero medyo mahaba ang pilik mata ni Ashlyn kumpara sa akin.

"Dave, ang ganda ng anak natin oh." Tipid akong ngumiti sa kanya. "Sana lang lumaking mabait." Sabi ko at lumayo sa kanila.

"May sinasabi ka, Dave?" Tanong ng pinsan nya. "Sabi ko, sana lang lumaking mabait." Sagot ko.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon