Chapter 6: Monthsary

78 8 0
                                    

Chapter 6: Monthsary

Dave's POV

Nasa mall ako ngayon para bumili ng pang regalo kay Tasha. Ano bang gusto nun? Pumunta na ako sa bilihan ng sapatos, damit, bag at kung ano ano pa pero wala akong makitang alam kong magugustuhan nya.

Kakain nalang muna ako para mas may gana akong maglakad mamaya. Nasa pwesto na katabi ng bintana. Isang bilihan ang umagaw ng atensyon ko. Jewelry shop.

"Sir, here's your order." Binaba na ng waitress ang order ko. Biglang may kumausap sa akin. "Pwedeng makiupo?" Tanong nya, mag hawak syang tray na may lamang coke at fries. Tumango lang ako. Punuan kasi ngayon lalo na't sabado. Nasa McDo ako, hindi ako mayaman para kumain sa mamahaling restaurant.

"Student ka?" Tanong nya. "Yes po." Sagot ko. Nahihiya akong makipag-usap lalo na't di ko sya kilala. "Bat wala kang kasama?" Tanong pa nya. Nagmumukha syang trabahador ng SOCO sa ginagawa nya. "Bibili lang po ako ng regalo sa gf ko." Sagot ko.

"Wag ka mag-po student din ako. Medyo nalate lang dahil you know mahirap ang buhay pero kaya naman dahil may part time job ako." Kwento nya. Hindi ako ganun ka-interesado pero I realized ang swerte ko pala na hindi ko na kinakailangang mag part time job para makapag-aral.

"College?" Tanong ko. Tumango naman sya. "Nakasabay naman ako dati kasi namatay yung mommy ko so wala kaming pera that time. Umabot sa puntong sakto sakto lang ang pera namin at dahil ako ang panganay ako na ang nagsacrifice. 20 years old ako nung nag senior high kaya sobrang late." Sabi nya.

"Ang cheerful ng personality mo, ate." Sabi ko. "Be happy. Sometimes, nalulungkot ako pero mas malulungkot si mommy kapag nalungkot kami diba?" Sabi nya. Ngumiti nalang ako at tinapos ang pagkain ko.

"Sige po ate, una na ako." Paalam ko. "Sige, advance happy monthsary sa inyo." Sabi nya habang nakangiti. If I will be having a sister, I want a sister like her.

Dumiretso na ako sa jewelry shop. "Sir ano po?" Tanong ng saleslady. "Couple necklace sana." Sagot ko. I have 1k para kay Tasha. 5k sa allowance ko. 2k ipon ko para tulong sa family in case of emergency.

Inabot nya sa akin ang iba't ibang silver necklaces. "Magkano dito miss?" Tanong ko sabay turo sa isang necklace. "400 po sir." Sagot nya. Kasya naman and may 200 pa akong patago kay Tasha. "Yan nalang po." Sabi ko. Pagkatapos kong bayaran ay umalis na ako.

Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa kwarto para tawagan si Tasha.

Nirereject nya lang. Baka may ginagawa pa. Itetext ko nalang.

To:Tasha

Hey! Tawag ka mamaya pag wala kang ginagawa.

Hays! Nakalimutan nanaman ang rules. Natulog muna ako tutal 2 palang ng hapon.

Tashana's POV

Natapos ako sa paglilinis ng bahay nang 3 pm. Maliligo na muna ako tsaka ko tatawagan si Dave. Hala! Nakalimutan ko yung rule, hindi ko sya naupdate.

Naligo ako at pagkatapos ay tinawagan ko si Dave. Ayaw nya sagutin. May text pala sya.

From:Babe

Hey! Tawag ka mamaya pag wala kang ginagawa.

Tumawag ulit ako pero naka-5 misses calls na wala pa rin.

Nanood muna ako sa youtube ng 5 minutes crafts. Hindi ko ginagawa pero nakakarelax kasing panoorin. Biglang may nagtext.

From:Babe

Tatawag ako.

Tinigil ko muna ang panonood. Hinintay ko lang na tumawag sya.

(Di ka nagtetext, nakalimot ka na?)-sya

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon