08

4.6K 191 3
                                        

ALISEA'S POV

Bigla na lamang ako nagising ng marinig kong bumukas ang pinto, ang pumasok ay ang Doctor.

"Iha Pwede ka ng ma-discharge kung kaya mo na."

"Ah doc kaya ko na po eh, mabuti nga po hindi nawala amnesia ko."

"Syempre naman, gagawin ko ang lahat para sa aking pasyente," sabay ngiti niya.

"Magkano po bill ng hospital?" Medyo kinakabahan kong tanong, baka kasi malaki.

"No need to pay, matagal ng bayad kaya pwede ka ng umalis," masaya niyang sabi.

"Huhhhh???!! Seryoso ka Doc??!!! Pero sino naman po ang nagbayad?" Nagtataka kong sabi.

"Ayaw ipasabi eh, basta wag mo ng alamin."

"Magpapasalamat po sana ako eh, ang kapal naman po ng mukha ko kung hindi."

"'Wag kang mag-alala, ako ng bahala magsabi. Kaya mag-ayos ka na para ng makauwi ka na," pagpapagaan niya ng loob ko.

"Sige na nga po, kaso baka magkaroon ako ng utang na loob sa taong iyon."

"Basta 'wag mo ng alamin, pano ba yan alis na ako," lumapit na siya sa pintuan at umalis na.

Napalinga-linga ako sa gilid, at nakita ko na nasa upuan pala si Krissa, 'di ko man lang siya napansin.

"Hoy krissa gising, aalis na tayo!" Sabay yugyog ko sa kanya.

"Bakit hindi man lang ba tayo magsta-stay dito? Wala ka pa ngang pahinga eh," kunot noo niyang sabi.

"Hindi, sabi ng doctor pwede naman daw na umalis na ako dito kung kaya ko na eh, kaya ko naman na tsaka nagulat nga ako nabayaran na kaagad yung bill, 'di ko alam kung sino iyon, ayaw sabihin ni doc, hindi daw p'wede."

"Baka si Wizie yun," hinala niya.

"Oo nga eh, pakiramdam ko rin pero kung siya man, salamat na lang. Pero ayoko pa siya pasalamatan or kausapin, tutal ayaw naman niya ipasabi na siya ang nagbayad, kaya wag na lang noh."

"Bahala ka nga, tara na at para ng mas lalo kang makapagpahinga," tumayo na siya.

Nang makauwi na kami nagulat na lamang ako ng makitang napakadaming nakahandang pagkain sa lamesa.

"Hala pano nangyari toh! Nilock ko ang pinto!" Gulat na gulat ako sa aking mga nakita sa lamesa.

"Hala oo nga, isa itong himala! Biruin mo yun napakadaming nakahanda. Naalala ko tuloy yung sa Princess Sarah, nung nasa kwarto si Sarah at yung kaibigan niya, tapos marami nakahanda na pagkain!"

"Ah oo, napanood ko rin yan! Pero ayoko kainin yan, baka may lason yan," nakakapagduda talaga. Sino bang hindi magdududa, iniwan na nakasarado ang bahay tapos pagpasok maraming masasarap na pagkain, ano 'yon, hinanda ng aso ko.

"Walang masama kung i-tatry mo, kaya bilisan mo, subukan na natin dali at sigurado di pa kumakain aso mo," pagpapababa niya ng loob ko.

"Alam kong kawawa ang aso ko, pero what if patibong lang ang lahat ng 'to? " kahit ganun nag sinabi ko ay tinikman pa rin namin at wala namang lason ito napakasarap sobra!

"Hala grabe sino gagawa nito! Parang pang restaurant ang pagkakaluto!" Natutuwa kong sabi.

"Itsura pa lan, muka ng masarap eh sabi sayo eh. Feel ko baka naman si Wizie ang may gawa nito."

"Bahala na nga kung sino, pero papalitan ko na ang kandado ko baka may makapasok pa eh"

"Mabuti pa nga pero malay mo bukas meron ulit niyan kaya wag mo muna palitan"

The Psycho Gay's Obsession Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon