ALISEA'S POVAko nga po pala si Alisea Madrigal, 21 years old. May mga magulang ako pero malayo ako ngayon sa kanila.
Kaya ako nakatira mag-isa sa bahay ko dahil isang bike ko lang dito, makaka-punta na ako agad sa school, eh pag doon sa bahay medyo malayo.
Kaya mas minabuti at pinag-isipan na mamuhay na lang ako mag-isa hanggang sa makapagtapos ng pag-aaral.
Isa pa, kaya ko naman ang sarili ko. Marunong naman ako sa mga gawaing bahay, dinala ko din ang aso kong si jeosetin, dahil alam ko naman na ayaw ni mama sa aso, atleast maalagaan ko ng maayos, at syempre dahil ako lang ang mag isa, mabobored din ako kahit sabihin mo pang may wifi.
May nakababata akong kapatid na 3 years old. Nasa puder siya ngayon nila mama. Lalaki nga pala siya, nag-vivideocall kami kaya kahit malayo ay nakakausap ko sila.
Second year collage na ako, nag-aaral ako sa pinakasikat na University sa lugar namin lumipat ako dito last year.
Masaya naman ako dito, ang nakakatakot lang ay meron raw bali-balita na may ka school mate daw kaming psycho na siya namang nagpatayo ng balahibo ko.
Basta pag marinig ko lang ang salitang psycho, ang unang pumapasok sa utak ko ay mamatay tao.
Nagulat nga ako, hindi man lang sila natatakot at ang daming mga makarengkeng, sinasabi pa nila na ok lang daw, tatanggapin daw nila ng buong puso yun kasi pogi naman at matalino. Tapos gusto daw nila yung obssessive, para daw hindi mambabae. Paano kasi bihira na lang ngayon ang matinong lalaki, kahit pogi o pangit magloloko talaga kung gugustuhin.
Nagtataka nga ako kung bakit matalino yun eh, eh base sa nabasa ko sa google ang mga psycho daw ay hindi matalino, ewan ko dun sa google, well sabagay hindi lahat totoo ang nakasulat doon.
Ang mas nagulat ako eh psycho na nga siya pero bakla, isipin mo yun psycho na siya ng pinanganak tapos ano bigla niya naisip na bakla siya? Ang lupit naman. Like puwede pala mangyari yun?
Curious na curious talaga ako sa lalaking yun, ay oo nga pala bakla.
Hindi ko pa kasi nakikita yun eh, ang narinig ko lang ay yung boses niya. Kumakanta rin yun, narinig ko na kasi boses niya dati. Masasabi ko talagang songer este singer, pero singer nga talaga siya, sa ganda ng boses nakakainlove tuloy, pero syempre ayoko nga mainlove. Baka mamaya yung mga babae dito maging psycho at patayin ako dahil inagaw sila, no way!
May nagsasabi din na obssesive siya, hindi na ako magtataka doon.
Iniisip ko kung ang psycho ba kayang magmahal ng tao? Eh tinignan ko din sa google at ang sabi doon ay hindi, tapos hindi sila pwedeng magkaanak dahil daw gagawing punching bag, ewan ko ba kay google, eh bakit ang iba naman nagmamahalan?
Tapos ang mga psycho daw kailangan ng affection, kailangan ng pagmamahal. Nabasa ko rin na hindi raw sila makakaramdam ng guilty, wala silang emphaty at iba pa.
Kawawa siguro yung mga nahuhunting nun, paano ba naman may naririnig ako sa bali-balita. Sabi obsessed daw sa lalaki si Marcellus, pero pinapatulan din siya ng ibang lalaki, marami kasi nagsasabi na kahit lalaki, na-iinlove sa kanya, like what the heck.
Wala silang pakielam kahit anong pagkatao ni marcellus basta kailangan daw nila ng atensyon nun.
Iniisip ko din kung anong pakiramdam magka-boyfriend ng psycho, pero syempre hanggang daydream lang ako, ayoko nga sa totoong buhay, baka mamaya hindi ako payagan sa lahat ng gusto ko.
Grabe! Ang dami ng tanong sa isip ko, pati na rin kung marunong bang magselos ang psycho, sabi ng google hindi raw, nag-search ako sa ibang website, sinabi roon na kahit papaano ay nakakaramdam sila na parang isang normal na tao. Katulad na lang ng saya, exitement, pagkaggulat etc.
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university, but suddenly a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and stalker, who is really madly in love with A...