ALISEA'S POV
"Oy Alisea, tara prank natin yung anak ni tito Enteng," sabi sa akin ni Krissa.
"Baliw toh, mamaya magsumbong pa yun tsaka baka makadisgrasya tayo."
"Ang kill joy naman nito! ngayon lang naman tayo mantritrip at tsaka, hindi pa nga niya nababayaran ang utang niya sa akin noh! Nung isang araw pa kaya yun," sabay kibit balikat niya.
"Sige na nga! basta kapag napahamak tayo hindi na natin uulitin."
"Oo naman kaya tara na!"
"So pano ang gagawin natin?"
"Gan'to lang naman 'yon, meron akong paper plate at whip cream tapos lalagay natin sa muka niya."
"Teka huwag naman yun! Ang sarap kaya nun, sayang lang kung mailalagay sa muka niya eh ang dumi naman."
"Huwag ka mag-alala bibigyan kita ng pera," suhol niya sa akin.
"Yun namah pala sige tara na bagal mo," mabilis kong pagsang-ayon.
"Ay wow ah."
Nandito kami sa cafeteria at minaman-manan ang anak ni Enteng.
Nang palakad siya papunta sa mga kaibigan niya, agad kong pinatama sa kanya ang whip cream na nakalagay sa paper plate.
Inakala ko na siya ang natamaan pero nagkamali ako, ang natamaan ay isang babae at ito ay kilala dito bilang isang queen bee.
"Sorry po!" Tumakbo ako papunta sa kanya, agad naman siyang nagpunas ng tissue at halos lahat ng tao napunta ang atensyon sa amin.
"Kilala mo ba kung sino ako?!" Mataray niyang sabi na may halong galit.
"Ah oo ikaw yung queen bee," sagot ko sa kanya na medyo may kaba.
"Ayun naman pala eh! kilala mo naman pala ako, bakit ginawa mo yun!" Galit niyang sabi.
"Hindi ko naman po sinasadya, kasi nga iba babatuhin ko pero bigla ka namang humarang kaya ikaw tuloy ang natamaan," paliwanag ko sa kanya.
"So ako pa ang may kasalanan?! So ako pa ang tatanga-tanga ha?!!!" Galit na galit niyang sabi, sabay kuha ng baseball bat. Nanlaki ang mata ko at tumakbo sa takot, ngunit naabutan niya ako kaya at nahampas niya ako sa balikat ko.
"Aray! Ang sakit!" Napatumba na ako sa lakas ng pagkakahampas niya sa akin. Abg bilis niyang tumakbo kaya nahabol niya ako.
"Sorry ah 'di ko sinasadya, nakaharang ka rin kasi eh!" Agad namang sumaklolo sa akin si Krissa tutulungan na sana ako tumayo pero hinampas din siya pero sa bewang "aray!" Daing niya.
"Nagkamali kasi kayo ng kinalaban, kung ayaw niyo ng gulo, piliin niyo kung sino pagtritripan niyo!"
"Aba, nadumihan ka lang naman ah! pero di ka nasaktan! eh kami sinaktan mo na!" Nahihirapan kong sabi.
Tatayo na sana ako pero hinampas niya ako sa ulo kaya nakita ko na lang ang ulo ko na may dugo sabay sinipa ako ng iba pa niyang mga kasamahan.
Samantalabg ang iba ay nagvivideo lang, ang iba naman ay gustong tumulong ngunit natatakot silang madamay sila at ang iba naman ay natutuwa sa ginagawa ni Ysa, ang queen bee ng university
Nahimatay na ako dahil hindi ko na kinaya.
FAST FORWARD...
"Kamusta siya doc?" Agad naman akong napamulat dahil ang lakas ng boses ni Krissa.
"Ok lang naman siya, mabuti na lang hindi siya nagkaroon ng trauma or kung ano mang sintomas na pwede niyang maramdaman."
"Hay salamat sa Diyos," nakahingang maluwag na sabi ni Krissa.
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mistério / SuspenseThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university but suddenly, a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and a stalker, who is really madly in love with...
