ALISEA'S POV
Agad akong kinabahan sa paraan ng pagtitig at panigurado baka nagpapanggap lang siya
"So ibig sabihin, nagpapanggap kang tulog?!"
"No but nagising ako bigla nung gumalaw ka kaya narinig ko ang pinag-usapan ninyo"
"Sorry talaga marcellus pero di ko alam kung paano kita mamahalin, masyado ka kasing maharas. Para tuloy akong malalamog sayo"
"I know wala naman akong karapatang magalit dahil pumayag ka sa akin pero alisea, nangangako naman akong magbabago ako pero syempre hindi pa rin mababawasan yung pagiging over-protective"
"Ang gara naman kasi kung maiin-love ako sa isang stalker ko kagaya na lang ng mga ginawan mo ng ganto"
"Wala namang masama doon ah and besides hindi lang basta basta na madly in-love ako ako, mahal na mahal talaga kita eh. Gustong-gusto kitang pakasalan, okay lang kahit hindi mo ako mahalin dahil alam kong balang araw matutunan mo din ako mahalin at hayaan mong mahalin kita kahit na hindi mo ako mahalin pabalik basta nasa tabi kita" tuluyan ng umiyak si marcellus
Nangongonsesya tuloy ako sa sinabi ko at plano ko, para akong tinusok ng kutsilyo sa puso nung makita ko siyang umiyak.
Ito ang kauna-unahang beses na nakita ko siyang umiyak, napahagulgol na nga siya sa pag-mamakaawa na huwag ko siyang iiwan.
"Sinusubukan ko namang hindi maging obsessive eh, takot lang kasi akong mawala ka, ayoko na yung mauulit yung dati, yung dati na-namimilit ako sa mga hinuhunting kong lalaki lalo na't babae ka pa, simple lang naman hinihingi ko alisea. Learn to love back pero okay lang kahit hindi ngayon."
Kung kanina ay hindi ako makatingin sa kanya, ngayon ay tumitig ako sa kanya ng walang pagka-ilang.
Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan ko siya sa pisnge.
"Huwag kang mag-alala, ang totoo niyan na fall na talaga ako sayo, ayoko lang sabihin. Ang kulang na nga lang ay mahalin kita at tsaka kaya rin ako natatakot sabihin dahil baka, ipagpalit mo ako sa lalaki, sa akin ka pa lang naman nagkagusto na babae pa pero halos lahat ng naging jowa mo ay lalaki"
"Is that true alisea!, I know you're lying!! I knew, you have plans with wizie!!" Sabay kwelyo niya sa damit ko
"Nagsasabi ako ng totoo pero natatakot lang ako sabihin dahil dati sinabi ko sa isip ko na hinding-hindi ako ma-iinlove sa isang kagaya mo, kagaya na lang ng mga nababasa ko. Mahilig kasi ako magbasa ng mga kwentong ganto at sinabi ko sa sarili ko na paano kaya kapag nangyari sa akin toh."
"Don't worry alisea, possessive nga ako sayo tapos sasabihin mo ipagpapalit kita sa lalaki?! Or hindi naman kaya dahil ikaw pa lang nagustuhan kong babae eh baka baka magtuloy-tuloy ganun ba?! Hinding-hindi ko gagawin yun alisea, lalo na meron akong ikaw"
"Alam mo ba dati. Sa totoo lang, pinapangarap ko talaga yung mangyari ito sa buhay ko yung may nang-iistalk sayo, tapos meron napaka-obsessive sayo kasi nga nakakakilig na dahil alam mo yun napaka-overprotective sayo ng lalaki tapos gusto niya lang sayo lang siya at ayaw ka niyang ipamigay, kung ang iba ayaw na ng ganun pero ako gustong-gusto ko talaga nun. Pero nung simulang nakilala kita tingin ko ng hindi magiging masaya kasi nakakasakal. Pero habang tumatagal, nagugustuhan ko na iyon. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko na naman yung pakiramsam na ito at ngayon lang ulit akong nainlove, at umamin sa taong gusto ko."
Alam kong galak-na-galak ang puso ngayon ni marcellus, at ng dahil sa tuwa, hinalikan niya ako at hinalikan ko din siya pabalik.
Yung pakiramdam ng paghalik niya ay hindi yung kagaya ng dati na masyadong marahas, yung tipong ayaw magpabitaw pero aaminin ko gusto ko yun pero itk ang mas gusto ko kasi nararamdaman kong safe ako sa mga halik niya.
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university, but suddenly a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and stalker, who is really madly in love with A...