ALISEA'S POV
Gaya nga ng sabi ko dati malalaman ko ang lahat dahil walang sikretong 'di nabubunyag. Siya na nga lang yung tinuturing kong pangalawang bestfriend, tapos magagawa niyang itago iyon.
Oo wala akong karapatan para mag react ng ganito, pero nakakasama kasi ng loob. Ayoko kasi ng tinataguaan ako ng sikreto, at isa pa sinong hindi masasaktan kung ang crush mo ay lalaki din ang hanap. Di ko tuloy alam kung totoo niya ba talaga akong nagustuhan eh.
Balak ko ngayong tawagan si Krissa para sabihin sa kanya ang nalaman ko.
Nandito pa ako sa labas ng gate nila wizie pero aalis na rin naman ako para umuwi na ng bahay ko, mabilis lang naman lakarin iyon.
After 6 minutes nandito na ako sa bahay at tinahulan naman ako ng aso ko di ko kasi napapakain.
"Oo na kakain ka na ito namang asong ito!" Binuksan ko ang lata ng sardinas at nagsandok ng bahaw na kanin para ipakain sa kanya pagkatapos inilagay ko na sa plato niya.
"Oh ayan kumain ka na!" Iniwan ko na siya sa may sala at agad na akong pumunta ng kwarto ko at dinial ang number ni krissa.
"Hello Krissa, may sasabihin ako."
"Ano yun?"
"Alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw magpalipat ni Wizie sa Univeristy pinapasukan natin, dahil may relasyon sila ni Marcellus, ewan ko kung break na or sila pa rin, ewan ko lang," narinig ko naman na napabuga siya ng inumin.
"Omg?! Really?! Di ako makapaniwalaz! kaya naman pala ganun reaksyon niya, edi alamin mo kung sila pa."
"Para saan pa? Para masaktan ako? 'Wag na lang, tsaka gusto ko lang naman si Wizie, buti na lang di ko pa siya sinagot baka nga talaga hindi kami itinadhana."
"It depends naman girl, pero mabuti na lang at nalaman mo ang totoo. By the way meron ka ba diyang pic nila?"
"Oo send ko mamaya"
"Sige," agad ko ng binaba ang tawag at natulog na dahil pagod na pagod na talaga ako.
KINABUKASAN...
Nagising na lamang ako na may mga pantal sa leeg at sa collarbone?!!!!
Pero bakit grabe kalala tong pantal na ito? Bakit mukhang love bites? Pero sino naman ang gagawa nito? Eh nilock ko naman ng maayos ang gate, may doggyguard ako kaya impossible ang naiisip ko.
Wala naman siguro makakapansin nito bahala sila kung isipin nila na love bites toh wala namang ibang magkakagusto sa akin.
Hays walanghiyang mga lamok sa leeg pa talaga! Wala pa naman akong foundation, pano ko toh tatakpan? kakahiya tuloy, baka isipin talaga ng iba nakipaglampungan ako kahit hindi.
Bahala na nga, tutal makeup girl si krissa bibilisan ko na lang pumunta sa kanya, pero sana nandun na siya!
Agad na akong naligo at nagbihis para pumunta na sa school at binike lang ito.
Nang pababa na ako at papasok ng gate nakayuko lang ako para di gaanong mapansin pero nabunggo ko ang baklang psycho! Tigas ng dibdib, halatang nag gygym.
"Ay sorry po!" Naku yari psycho pa naman ito.
"Bat ka kasi di tumitingin sa dinadaanan mo? And why do you have hickey?" Nakanuoot niyang noo na tanong
Napatingin naman ang ibang papasok at nagbulungan, tsk chismakers!
"Hindi yan chikinini isa yang kagat ng lamok," depensa ko.
"Ohh really? are you fooling me? I know the difference between hickey and mosquito bites," ngisi niya.
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Misterio / SuspensoThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university but suddenly, a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and a stalker, who is really madly in love with...
