ALISEA'S POV
Nitong nakaraang mga araw ay parang naninibago na ako kay Marcellus, kasi 'di niya masyadong nilalambing si yung aso ko, samantalang dati ay mahilig siyang lambingin yun at kontrolin, tapos ngayon hindi magawa.
Pansin ko rin na parang ilap sa kanya ang aso ko, at mas nagulat ako nung araw na hindi niya kinain yung niluto kong pagkain na puro gulay ang nakalagay, eh samantalang mahilig siya sa gulay.
Masyado na akong naghihinala sa kanya, dahil hindi na siya yung parang dati, parang nagbago na siya. Kasalanan ko ba toh?
Balak ko siyang komprontahin ngayon dahil hindi na talaga ako komportable sa mga kinikilos niya.
"Baby ano ba ang problema bakit ka nagkakaganyan?" Nag-aalala kong sabi.
"Sorry na baby, nagsawa na kasi sa ganyan, alam mo naman diba na ang tao pag nakasanayan, minsan nagsasawa na diba? At syempre antagal kong nawala kaya ganun," panlalambing niya sakin, sabay yakap sa likod ko.
"Masyado ka namang nakakapagtaka baby, parang impossible naman atang nawala ka lang ng ilang linggo naging ganyan na, alam mo parang hindi na ikaw yan, tsaka parang iba ka na humalik ngayon, ano ba nakain mo?"
"Sus naman sorry na nga eh alangan naman na may nanggaya sa akin, shunga ka ba ghorl? Wala lang talaga ako sa mood," pagpapaliwanag niya.
"Baka kulang ka lang sa sex??" Biro ko sa kanya.
"Nakuha mo baby! Yan mukang ginaganahan na ako," sabay ngisi niya.
"Ayos ka rin noh, pagdating sa ganyan ginanahan ka kaagad," inis kong sabi sa kanya.
"Yah" sabay tawa niya.
"Ok sige kung yan ang makapagbabalik sa dati mong pagkatao edi game. Tsaka tama lang din pala, kasi matagal na tayong hindi nakakapagganyan," sabay ngiti ko
"Hays buti naman alam mo" sabay irap niya.
Agad ko na siyang hinila sa may kwarto ko at sinimulan siyang halikan, pero bakit ganun parang may mali. Na para bang hindi talaga si marcellus ang hinahalikan ko. Ewan ko ba, baka ako lang talaga siguro yung nanibago kasi 1 week siyang nawala.
Pinagsawalang-bahala ko na lang yun at hinalik-halikan siya sa collarbone. Habang hinahalik-halikan ko yun ay umuungol siya. Akmang hahalikan ko ang kaliwa niyang collarbone, which is my favourite spot to kiss him, kasi meron dun na kulay rosas at heart shape na birthmark. Pero nagtaka ako, Bakit nawala?
"Baby, is there something wrong?" Sabay tingin niya sa mga mata ko.
"Baby!!! Bakit nawala yung birthmark mo na heart dito sa kabilang collarbone??" Kinakabahan kong sabi.
"Huh? Ano kasi baby, pinatanggal ko na," parang kinakabahn niyang sabi.
"Huh pinatanggal? Paano? Eh hindi naman napapatanggal ang birthmark diba?"
"Ano ka ba baby, nagpatattoo ako pero yung tattoo niyan is ginaya yung skin tone ko para matakpan yung birthmark ko," hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinisil-pisil iyon. Tumingin siya sa akin na nagsusumamo.
"Totoo ba yang sinasabi mo? Pero bakit baby, Ang ganda nun eh! tapos tatakpan mo lang," nalulungkot kong sabi.
"Baby I'm really sorry, gusto ko lang naman magmukang normal,"Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"Marcellus naman, anong gusto mo magmukang normal? Eh normal naman ang birthmark, tsaka that what makes you unique, baka nga ikaw lang yung lalaking may ganun sa mundong ito."
"Baby, I know pero kasi it's my own choice, kaya wag ka na magalit please," sabay puppy eyes niya.
"Pero ni hindi ka man lang tumawag sakin or nag chat man lang para tanungin ako para hingin yung approval ko, nakakainis ka! Favorite part ko yun sayo tapos nawawala!"
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university, but suddenly a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and stalker, who is really madly in love with A...