ALISEA'S POV
Pagmulat ko ng aking mga mata, namataan ko na lamang na wala na ang stalker ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag doon at para nga masiguradong wala na talaga siya, inikot ko ang buong bahay at wala na siya kahit saang lupalop, so umalis na nga talaga.
Ngunit marami doong nakahanda na pagkain! Hindi kaya siya ang naghanda noong nakaraan? At siya rin ang nagbayad sa hospital bills ko? Possible!
Umupo na ako sa mesa, pero kinakabahan akong kainin ito dahil baka mamaya may gayuma, pero dahil gutom na ako agad ko na itong nilantakan.
Napakasarap ng luto niya! Ok lang pala yun magistalk sa akin basta ganito gagawin, pero sa part lang na naghain ng pagkain kaso syempre nakakatakot pa rin at hindi dapat i-normalize.
Habang kumakain ako tinawagan ko si mama.
"Ma yung stalker ko dito, nagawa pa pong makitulog sa bahay ko."
"Ok lang yan basta hindi ka sasaktan, kapag alam mong papatahin ka tsaka kana umuwi dito."
"Gara talaga neto ni mama eh oo na nga!"
"Sige iidlip muna ako istorbo ka" sabay patay niya ng tawag
Hays ano ba kasi ang nangyari kay mama at nagkaganyan?!ako pa talaga ang istorbo.
*toot* *toot*
Tumunog ang cp ko dahil may nagchat pero pagtingin ko ay isang gwapong lalaki ang nagchat sa akin, sana hindi poser sayang toh!
_____________________________________________________________
Primo Anikas
Hi bored ka ba? Ako kasi bored na
Wala akong kausap baka sakaling gusto mo makipag usap?
Alisea
Sorry hindi! Kahit kelan hindi kita papatulan!
May jowa na ako ipapatay kita wag mo akong
Kakausapin ulit dahil magkakamatayan tayo!
Get lost!
seen
_______________________________________________________________
Magtatype pa lang ako pero nagulat ako ng biglang magsend ang message na hindi ko naman tinype. Hindi na ako magtataka na stalker ko ang nagsend ng message na iyon sa lalaking nag dm sa akin.
Walanghiya talaga tong stalker ko! kahit pati facebook at messenger ko alam niya!
Nag pop up sa screen ng cellphone ko ang number, hindi na ako magtataka kung stalker ko nga ito.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinagot ang tawag.
"Ano ba! Pati facebook ko at messenger papakielamanan mo! Lahat na lang?!" Inis na inis kong sabi.
"Ano bang pakielam mo?! Wala akong tiwala sayo eh"
"Wow naman! Ikaw pa talaga nagsabi niyan ah!"
"Pasalamat ka nga hindi ko hinack fb account mo! Pano kapag ginawa ko 'yon? edi tanggal lahat memories mo. Ano, gusto mo bang makipag-usap sa lalaking yun? Kasi madali ako kausap," kahit di ko siya nakikita, ramdam ko na nakangisi siya.
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mystère / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university but suddenly, a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and a stalker, who is really madly in love with...
