ALISEA'S POV
"Isang babae ang natagpuan sa isang bahay kung saan siya lang ang nakatira ay pinaslang sa kanyang tahanan gamit ang baseball bat," sabi sa balita ng isang news anchor.
Narito kami ngayon sa cafeteria habang nakabukas ang flat screen tv dito, kaya ang lahat ay nagreact.
"Hala! Hindi kaya si ysa yan?" komento ng isang estudyante.
"Ay oo nga parang siya eh, pero di pa naman natin nakikita katawan niya eh, ayaw naman sumabay sa pagligo sa atin," sagot ng kasamahan niya.
"Impossibleng siya yan, kaya nga 'di siya nakapasok kasi nga may pupuntahan daw siya kaya di niya alam kung kelan siya makakuwi," pagsangayon rin ng pangtlo nilang kasama.
"Kawawa naman yung biktima," isa pang komento mula sa kabilang upuan.
"Grabe ginawa sa kanya habang naliligo pinukpok iba na talaga panahon ngayon," dagdag pa nito.
Pagtapos ng break nagsipuntahan ang mga pulis dito kasama ang ama ni Ysa.
"Magandang tanghali sa inyong lahat, ako si Sagsag Gasabel isang taga lutas ng kaso at nais kong tanungin kung anong ginawa ni binibining Ysa noong siya ang pumasok rito bago mangyari ang krimen."
"Krimen?!!!" Sabay sabay nilang sabi na akala mo ay may sabayang pagbigkas.
Oo nabalitaan niyo bang namayapa na si Ysa, sa kadahilanang pagpukpok sa kanya, gamit ang baseball bat."
"Hala siya pala yung kanina sa balita!" Tamang hula ng babae kanina.
"Omg," napatakip sa bunganga ang nagreact na lalaki.
"I can't take this anymore!" Nandidiring sabi ng schoolmate namin.
Dahil sa nalamang balita, halo-halo ang komento ng mga estudyante gaya ng pagkatakot, pagkagulat, ang iba naman ay naiyak, pero ang lala ng mga taong natuwa.
"ikinalulungkot ko ang balitang ito, sinong gustong tumistigo noong huli niyang pagpasok rito?" Tanong ni Mr. Sagsag
"Ako ho!" Boluntaryo ng isa sa ka schoolmate namin.
"Ganito po kasi ang nangyari sir, nakikipagharutan sila Alisea pati ang kaibigan niya sa isang estudyante na malaki ang baba tapos yun babatuhin sana nila ng whip cream pero ang natamaan ay si Ysa, ito namang si Ysa ay nagalit kaya naman pinokpok niya ng baseball bat si Alisea pati na rin ang kaibigan nito at hindi siya nakuntento pinagsisipa pa nila."
"Teka sabi mo baseball bat ang ginamit niya pang hampas sa ulo ni Alisea, ang ibig sabihin lamang nito ay si Alisea ang may kasalanan, dahil ang pagpatay sa kanya ay kagaya lang ng ginawa kay Alisea, ngunit ang pinagkaibahan lang mas grabe ang sinapit ni Ysa kaya naman napagtanto kong siya ang pumatay dahil gumanti itong si Alisea."
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko sa ibinibintang nila kaya naman nagsalita na ako.
"Sir wala kayong proof para sabihin yan! Bakit, porket pa parehas lang na pinokpok ng baseball bat, ako kaagad ang may kasalanan? Sabi sa balita mukang nangyari ang krimen noong hapon at hapon po nandito pa po ako nun dahil may inasikaso pa ako para sa project, tapos ako pa po ang mapagbibintangan? Sa totoo lang, ako nga muntik ko ng ikamatay ang ginawa niya pero wala man lang pumansin! Ano kailangan pa ba mamatay ako para mapansin ang ginawa sa akin?"
"Patawad sa pag akusa pero isa lamang iyong teorya kaya wag mo sanang mamasamain."
"Basta ho, ako nagpaliwanag lang dahil inosente po ako."
"Eh baka kasi nagmamaang-maangan lang yan baka nung nandito ka nga pero nag-utos ka tapos binayaran mo," sabat ng ama ni Ysa na kakarating lang.
"Pwede po ba sir, tigilan niyo ako! Ako lang ho ang mag-isa sa bahay, ni wala nga akong sapat na pera pampapatay tapos ipapapatay ko siya? edi sayang lang ang pera kung gagawin ko yun, at isa iyong kasalanan kaya naman bakit ko gagawin iyon?" Hindi naman sila nakasagot sa paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university but suddenly, a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and a stalker, who is really madly in love with...
