THIRD PERSON'S POV
"Omg Alisea anong nangyari sa'yo? Bakit parang may mali? ok ka lang ba ha?" Tanong ni Krissa kay Alisea habang niyuyogyog siya.
Tumulo naman ang luha ni Alisea dahil sa mga nalaman kagabi at pati na rin sa nangyari.
"Ano ba Alisea, magsalita ka nga! Bakit ka ba umiiyak?" Tanong niyang muli kay Alisea ngunit patuloy lang ito sa pagluha. Hinayaan niya muna si Alisea at tinawagan si Wizie
"Huy Wizie, si Alisea umiiyak! Hindi ko alam kung bakit," frustrated niyang sabi.
"Bakit ano bang nangyari?" Nag-aalala nitong tanong.
"Unli ka? Kakasabi ko nga lang eh."
"Basta mamaya pupuntahan ko na lang siya sa bahay at kakausapin."
"Hindi nga makausap ng maayos eh tapos kakausapin mo?"
"Ewan ko sayo Krissa basta ako na bahala," may halong gigil niyang saad.
"Tsk," sabay baba niya ng tawag.
Bumukas naman ang pintuan ng classroom, hudyat na pumasok na ang kanilang Professor.
Napansin ng Professor na parang umiiyak si Alisea kaya tinanong niya ito kung anong dahilan ngunit tinatago ni Alisea ang kanyang luha.
"Sige krissa samahan mo muna 'yang kaibigan mo, pasalamat kayo hindi ako kagaya ng ibang professor diyan kaya sige na, pakalmahin mo muna yang kaibigan mo."
"Marami pong salamat Prof, sige po dadamayan ko muna po ang kaibigan ko," ngumiti siya ngunit pilit lamang.
Inaya ni Krissa si Alisea. Sumunod naman si Alisea at lumabas na rin. Pumunta sila sa paborito nilang tambayan; ang ilalim ng puno.
"Sige na Alisea magsabi ka na kung anong nangyari, promise, hindi ako manghuhusga o kung ano, handa akong makinig," pamimilit nito habang hawak anb kamay ni Alisea.
Nang dahil sa kakulitan ni Krissa, napilitan si Alisea na sabihin ang totoo.
"Ayoko sanang sabihin baka kasi nandyan lang siya sa tabi-tabi," may halong takot niyang sabi. Luminga-linga pa siya para tignan kung nakamasid ba o nagtatago ang taong tinutukoy niya.
"Huh sino?" Kunot noo niyang tanong.
"Si Marcellus!" Tinakpan niya ang bibig niya bigla, dahil baka mamaya marinig siya ng iba o mas worst kung marining ni Marcellus.
"Eh ano ngayon?" Di niya ma gets na tanong.
"Basta ayokong ikuwento dito kaso alam kong kahit saan pwede niyang marinig."
"Ano bang pinagsasabi mo Alisea? Nababaliw ka na ba?"
"Hindi pero ito sasabihin ko na talaga, si Marcellus ang matagal ko ng stalker," pigil hininga niyang sabi.
"Hala omg!!!! Swerte mo! Ok lang pala at least diba," tila nanalo sa paluwagan kung umasta si Krissa. May patakip pa ito ng bibig.
"Oo para sayo swerte, pero para sa akin hindi."
"Grabe naman! Tama pala hinala ko potek na yan, ok sige uwiaan na may nanalo na."
"Di ako nakikipagbiruan krissa," seryosong sabi niya.
"So may nangyari na ba?" Pigil ngiti ni Krissa.
"Oo ata, ginalaw niya ata ako nung isang araw noong nawawala ako," kinakabahan niyang sabi.
"Luh! Anong ibig mong sabihin?" Gulat niyang tanong.
"Sorry krissa nagsinungaling ako tungkol sa pagkawala ko, ang totoo ay may pinainom sa akin si Marcellus, kaya bigla akong nahimatay at ayokong sabihin yun dahil alam kong magagalit kayo, lalo na si Wizie."
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university but suddenly, a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and a stalker, who is really madly in love with...
